Thank you =)

Sunday, February 20, 2011

Footprints in the sand






You walked with me
Footprints in the sand
And helped me understand
Where I'm going

You walked with me
When I was all alone
With so much unknown
Along the way

And just when I
I thought I'd lost my way
You gave me strength to carry on
That's when I heard you say

I promise you
I'm always there
When your heart is filled with sorrow
And despair

And I'll carry you
When you need a friend
You'll find my footprints in the sand
When I'm weary
Well I know you'll be there
Cause I can feel you
When you say

I promise you
I'm always there
When your heart is filled with sadness and despair
Oh, I'll carry you
When you need a friend
You'll find my footprints in the sand

(choir)

When your heart is full of sadness and despair
I'll carry you
When you need a friend

I promise you
I'm always there
When you need a friend
You'll find my footprints
In the sand 

Saturday, February 19, 2011

Game on

Serious mode. 4 kilos to lose this month of March. Gotta reach 55kgs by end of April to mid-June. And maintain to 50kgs by July-August.

May mahuhubuan ng buong saplot pag nagawa ko 'to.

I really want your NUDE photos, baby.

haha!

**Flabby or 6-packed, I don't care. Deal yan ha. =)

Wednesday, February 16, 2011

On Diet

She's my inspiration. Hindi lang thinspiration, pati lifespiration pa. Uber talented at punong puno ng fierceness. 

Nung naisip kong ayoko na ng size 16 (XXL) kong katawan, hindi ko naman talaga gusto na bigla na lang iba na ako. From September to December, I lost 12kgs. Drastic, I know. Almost 3kgs a month. Nagpalpitate ako nung around November 2010, kulang sa energy at walang laman ang tiyan. Sumasakit ang tagiliran (kidney) kahit na maraming iniinom na tubig.

But nevertheless, I got what I want. From 72kgs to 60kgs, wagi.

Pero hindi maganda ang effect sa skin. I realized na bigla na lang akong nagkaroon ng drooping eyes, fine lines sa cheeks at sagging skin here and there.

Ayoko.

So come January 2011. Balik ako sa kain ng rice. Hinay hinay, pero hindi pa rin ako humihinto sa pag eehersisyo. 

As of today, I'm back to 64kgs. Naman. Four kilos agad diba? 

But, I'm not hating it. This time, knowing that "I can", empowered me, inspired me but I have to be careful to stay healthy, hindi pwedeng tira lang ng tira sabi nga.

Kahit pa may problema ang tuhod ko (http://orthopedics.about.com/cs/patelladisorders/a/chondromalacia.htm) sure na ako na pag mas maayos na ito, kasabay ng paganda ng temperatura, babalik ako sa paglalakad (brisk walking) at aero class.

Natutuwa ako sa mga kasamahan ko sa trabaho at mga kaibigan sa iba't ibang grupo---yung mga taong hindi ako madalas makita, sobrang gulat sa biglang pagbabago ng katawan ko, pero yung mag taong madalas kong makasama, hindi nila mawari kung may nabago ba o wala (natural kasi akong bilugan). Saka hindi naman kasi ako nagmukhang sexy, alam ko naman sa sarili ko na pinanganak akong may mala-Coca Cola katawan, Litro nga lang.

Whatever it is, pangangatwanan ko na ito. Una na para sa sarili ko dahil gustong gusto ko talagang magswimming ng naka two-piece bikini. Pangalawa, para sa mga kapatid ko, gusto ko kasi silang surpresahin.

At panghuli, para dun sa mga malakas makaasar.

Pag nagawa kong bumaba ng 55kgs sa buwan ng July (birthday month ko)--bibili ako ng magandang damit (yung sexy), 4-inches Louboutin style stilleto (yung red!) at saka ako poporma ng bonggang bongga.

Saka ko sasabihin sa mga pagmumukha nila: "Eat my dust! Utot mo blue!!!!"

Intayin mo yan. Dahil sa susunod na mag post ako ng picture dito, whole body na! (1x1)


**Bad side ng pagpayat: From 36B cup...34A na lang ako ngayon (fats lang talaga) hahahah!

Tuesday, February 15, 2011

Love onPhotos

Para ito sa mga hindi nakakavisit ng Tumblr ko. Oo, ako na ang adik, nagkalat ako sa net.

Hindi ako mahilig magpapicture.

In fact, magkakaroon lang ako ng sarili kong photos kung ako rin *sariling sikap* ang kukuha. Kung magkakaroon man, gusto ko ng group pictures, ayoko ng solo. Shy me much, ganun.

Ngunit, dahil, datapwa't 2011 na at isang taon na lang *daw* ay end of the world na...kaya here ye here ye...!!!

I always take human emotions as subject of my photogs. Mahilig din ako sa sign boards. Buti na lang abundant sa signboards ang Abu Dhabi *due to tons of ongoing construction/development in the city*.

Hindi ko alam kung merong slideshow chuva na pwedeng iinstall dito sa Blogspot, kaya pagtyagaan nyo na lang muna yan.

P.s. Blocked na naman. of course. It'll be a long battle...*inilagay nilang blocked dahil dating/matrimonial blah ang blogspot sa office--uber blocked! Pero punta ka ng websites ng newspaper dito, naka-ADs pa nga yung mga naghahanap ng mapapangasawa (uso sa kanila dito yun, fixed marriage)*

Monday, February 14, 2011

Love Online


Hindi ko naman talaga inaasahan na mapasama ako sa mga 'featured articles' para sa buwan ng Pebrero 2011 sa TKJ *chos, ikaw nga ang follow up ng follow up! hahahah!*. 

Pero eto, masaya akong nakangiti at naluluha dahil napili nilang isama ang isinulat ko. Espesyal sa akin ang kwentong ito dahil tungkol ito sa nag-iisang pag-ibig ng buhay ko.

Kung may oras ka, dalawin mo ang http://www.thekablogsjournal.com/ at muling kiligin sa mga kwento ng pag-ibig. Matututo ka na sa pagmamahal, nagkakakulay ang buhay.

Salamat po uli!


*Sorry blocked na naman ang blogspot sa office kaya via email na naman ang post ko.

Thursday, February 10, 2011

Blogspot blocked no more...

Sa wakas, hindi na nakasarado ang blogspot sa office. Malaya kong nabago ang itsura ng blog ko sa araw na ito. Masayang masaya, obvious naman diba?

Wala akong masyadong maikwento dahil walang masyadong pwedeng ikwento. Ayokong ilathala dito yung mga nakalathala na sa dyaryo sa Pilipinas. Bisitahin mo na lang ang Abante Online para sa tabloid news at ang paborito mong Dear Xerex Sudoku o kung ingglesera ka, sa Philippine Daily Inquirer ka maglagi.

Nakapagblog hop din, binisita yung mga blogs na patuloy na dumadalaw dito at naiadd na ang mga blogs na matagal ko ng sinusubaybayan like Nimmy at Kane. Sa wakas, sorry guys kung ngayon lang nalagay sa list ang mga blogs ninyo--bumabagal si Mommy Ayie, kulang sa protein energy.

Interesado talaga ako sa pagbabasa ng mga blogs na marami akong napupulot na character ng buhay. Lagi kong nairereflect ang sarili ko lalo na kung interesante talaga ang ugali ng tao. Kapag nagbabasa ako ng mga blogs, naiisip ko yung 'AKO' ngayon.

Hindi ko naman hinahangad na maging perfect tutal isa na akong nobody. Sakto na ako. Pero gusto ko yung mga napupulot kong pag uugali. Hilig ko lang talagang gawing subject ng araw araw na reflection ko ang mga nababasa ko o naririnig ko.

Oo, kahit na naga-update ako madalas, mas mahabang oras ang ginugugol ko sa pagbabasa.

Minsan kasi, mas maganda pa na magbasa na tulad na rin ng pakikinig kaysa dumada ng dumada ng wala namang katuturan.

Nung matutunan ko yung 'stat' dito sa blogspot, mas natuwa akong makita na may kulang 100 lang ang nagbabasa. Mas masaya kasi kakaunti ang nakakaalam ng isinusulat ko pero paulit ulit yung mga taong bumibisita. Isa yun sa mga bagay na pinahahalagahan ko.

Kasi alam ko, bumalik sila dahil tulad ko, ikinukonekta rin nila ang sarili nila sa akin.

Babalik ka sa blog hindi lang dahil naaliw ka (sa una), hindi ka babalik sa isang manunulat dahil lang madalas ka nyang patungkulan, o dahil feeling close kayo---mas marami pang bagay na mas malalim pa kaysa dyan.

Madalas akong bumisita sa mga blogs na random kong natatagpuan sa net pero hindi ako nag-iiwan ng comment. Pero paulit ulit kong ninanamnam ang bawat salitang isinusulat ng may akda. Minsan, aliw na aliw ako sa mga larawan na inilalagay nila na para bang ang bawat ngiti nya at siya ko ring kasiyahan at ang bawat mapait na storya ay siya kong ring iniluluha.

Masaya ako sa araw na ito dahil muling nagbukas ang blogspot (dito sa akin). Sa wakas patuloy kong masusulyapan ang mga panulat ng mga iilang taong patuloy kong sinusubaybayan.

Hindi ako hihiwalay sa inyo..ang pulo-pulo kong pamilya sa iba't ibang sulok ng mundo.

**Hindi ako sumasali sa popularity contest. Kung ganun din lang, e di sana nag artista na lang ako. Pwede naman akong nanay ni Kiray sa Mara Clara. nyahahahah! *hayaan mo na akong magtaray, may nakainisan lang ako*. At hindi ako SKIP READER. Nyahahah! Bato-bato tamaan bukol!

Tuesday, February 08, 2011

Idle-ism

Ilang araw na akong ganito. Promise walang laman ang utak ko. Hindi naman parang zombie, basta parang walang mas komplikado o mas malalim na iniisip ang kukote ko. Nasanay na siguro akong laging ngarag sa pagod, puyat at pag-iisip.

Noong nakaraang Huwebes nagsimula na ako doon sa bago kong part-time. Research Analyst/Interviewer. Ganun. Pero absent ako nung umaga sa *totoong* trabaho dahil nagising akong umiikot ang paningin ko sa hilo, sobrang antok dala ng sobrang pagpupuyat. Hindi naman sinasadya itong puyat na ito. Madalas natatapos lahat ng routine namin sa gabi mag-aalas onse na. Dumarating si Jovel, bago alas-nueve. Pagod na sa trabaho. 

This time, napasabak na sya sa 'totoong' trabaho. Hindi tulad noon na kulang sampung oras silang paupo-upo sa Health Club, nag iintay ng mga taong wala namang balak gumamit ng swimming pool at gym. At least ngayon, wala na syang panahon sa mga kung ano anong katarantaduhan na itinuturo ng mga kasama nya dati sa trabaho (mapa lalaki o mapa babae, para meron silang mapag-chismisan at compare notes? ewan) 

At dahil kasama ko sya sa iisang lugar, madalas naming makita ang isa't isa.

Last week, uminom sya mag-isa, ako ang-ka table ska isang platitong mani. Nakaka-tatlong shot pa lang ng brandy, mapungay na ang mata. Sinundan ng isang latang beer--wala, antok na agad. 
Walang alak na dumadapo sa sistema nya sa loob ng kulang limang buwan, hindi na sanay uminom ngayon. Ang kabutihang asal at mabuting gawain napapraktis talaga. Ngayon, wala ng tolerance sa alak ang bituka nya. Naubos na ang katarantaduhan sa katawan, parang tinamaan ng kidlat. hahahah!

Madalas naming kausap si Paolyne ngayon. Hindi lilipas ang dalawang araw, gusto ng Daddy kausap lagi ang bata. 

Kahit ako, nawalan ng panahon sa kung ano-ano. Tutok at laging nakaungot ang lalaki. Hindi ka pwedeng mawala sa paningin nya. Wala kang gagawin kapag nakaupo na sya. Basta pag manonood ng TV, manonood na lang. Kung maglilinis ng bahay, linis lahat.

Ngayon ko lang naramdaman yung ganito, yung totoong misis na ako. Nagluluto ng babaunin. Namamalansta ng isusuot na uniporme. Nag aasikaso ng gagamitin sa loob ng isang linggo. Nagpapaligo ng asawa *wink*.

Nagbago rin ang pakitungo nya sa akin. Madalas akong masigawan noon *nasabi ko na bang talamak ang pagka clumsy ko?*, ngayon mas madalas akong mahalikan kahit nagkakamali. Mas madalas kong naririnig yung "I Love You". Hindi aalis ng bahay ng hindi humahalik kahit hindi pa ako nagmumumog. Mas may panahon na sya sa akin--ganun din ako sa kanya.
Mas madalas na akong makatanggap ng sokolate, bulaklak at recently regalo.

Konti na lang buo na ang set ng alahas. Nagsimula sa kwintas na may heart pendant. Nasundan ng heart shaped na hikaw. Ska isang maliit na singsing na may heart shaped engrave. Ngayon ang anklet na puro heart shaped charms. Nakikita ko na yung birthday gift nya sa akin sa July---bracelet na may heart shaped charms.

Hindi kasi ako mahilig sa alahas, particular sa ginto. Pero sabi nya, iyon daw ang gusto nya para sa akin--libre naman at regalo nga kaya bakit hindi tatanggapin diba?

Maraming nagbago sa buhay namin bilang mag-asawa simula nung araw na sabihin kong "ayoko na". Maraming nagbago sa pagkatao naming dalawa matapos nyang sabihin na "isang pagkakataon pa".

Ngayon mas andun ang pagsisikap na maunawaan namin ang pangangailangan ng bawat isa. Hindi pala uubra yung pundasyon na pinanggalingan namin ang sya lang na magpapatibay--marami pang trabaho ang dapat gawin. 

Ngayon ko lang nakita yung damdamin na matagal ko ng hinahanap mula sa kanya, na hindi ako "kaibigan" lang. Mahirap kasi talaga yung masyado nyong kilala yung likaw ng bituka ng isa't isa. Hindi nya maitago yung mga bagay na hindi naman nya gusto pero hindi nya maiwasan, *tulad ng girl watching*--kasi kurap pa lang ng mata nya, naitatranslate ko na. 

Alam ko kung ang nangyari noon, alam ko kung ano ang nangyayari ngayon, at sagad sa buto ang tiwala ko sa kanya--ganun din naman sya sa akin.

We failed each other in so many ways, at sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, walang ibang nasaktan kundi kami rin.  The past gave us so many lessons, enough to strengthen our relationship and pushed us to be better for each other. Maraming mga pangyayaring nakasakit, but instead of giving up, we choose to stay. Sabi nga ng isang kanta..."Of all the crazy things in life there's pain, It's you and me. We've come so far sometimes I can't believe, that I wouldn't change a thing"...

We're moving on---slowly, yes, but this time we're sure about one thing---we don't want to fail this FAMILY. 

"Sometimes I love you,
Sometimes I don't 
But I never ever want to let you go
The road's not easy
But the feeling's strong
It's the little things that keep me holding on"