Galing ako sa blog ni Kenji … Nakita kong isa ako sa requested na sumagot nito so here it goes...

Seven things that scare you:
1. Ipis
2. The Ring 1 movie - I was in the phils. for vacation when I watched this. Pucha! 3 days akong di maka CR ng di ko binibitbit ang asawa ko! Feeling ko lalabas si Samara sa inidoro at....hehehe.
3. Yung mga Local na babae dito na naka full Abaya gear (Nat'l dress ng mga muslim ladies). Yung iba kse sa kanila pati mukha nakatakip. Nakakgulat sila pag nakasalubong mo sa lift.
4. Being alone
5. The idea na wala na talaga akong pamilya
6. Pag galit ang asawa ko dahil may nakalimutan ako
7. Pag di ako na-ebak sa bahay, kse bka sa daan ako abutan

Seven things you like the most:
1. TLC from my husband
2. Maraming telephone card para maka chika sa pinas
3. Mag-blog
4. Manood ng tv while wrapped in my hubby's arms
5. Makipaglaro kay Pao with his Dad doing silly things
6. Mag shopping na si Obek ang taya
7. Mag lakad sa park w/ Pao and Jovel habang kumakain ng ice cream

Seven important things in your bedroom:

1. Ang bed shempre.
2. Kukutin (miss ko na ang fish balls, squid balls at kikiam)
3. TV and DVD Player... with our choice of movies (ha? ano dad? blue film?)
4. True ka jan Kenji---Arinola! nakakatamad lumabas. Di kme attached bath eh.
5. Books -- pag wala si Obek. Two weeks na ang da Vinci Code ko at di ko matapos.
6. Ang cot ni Pao. Dahil ayaw nya ng masikip.
7. The video cam. Minsan kse feeling artista ang asawa ko. hihihi.
7a. Pag sa pinas --add natin ang aircon. Di ako makakatulog non. whaaa!

Seven random facts about you:
1. I snore
2. I have i inverted molar teeth

3. Pango ako. which I think everyone knows. hehehe
4. I like hypocrites - wla akong tyagang arukin ka kung ayaw mo.
5. I'm worka-holic. mapa office o bahay.
6. I love reading
7. I can keep secrets..mine and others

Seven things you plan to do before you die:
1. Live life happy and contented
2. Be of service to the Lord
3. Be able to sing in front of millions (in a concert or something with real cool bands)
4. Cook something that will be popular in either local or international bec. of its good taste ha, hindi dahil nakalason.heheheh
5. Learn to drive
6. Learn to drive and have a car
7. Be able to completely fulfill my duty as a citizen, a friend, a daugther, a wife and a mother

Seven things you can do:
1. I can cook real good spaghetti which is the only cuisine I can do
2. Invert my upper lips until it touch (cover!hehehe) my nose
3. I can lick my chest
4. I fart in public and noisy places...para hindi halata
5. Forget a thing in a second after reminding myself not to forget it
6. Be a sweetheart for a day, coz' most of the days I am a pain in my hubby's big black a**
7. Be really sexy..habibi.. you'll see!Hmp.

Seven things you can't do:
1. Hide my feelings
2. Tell what's truly inside my heart
3. Be a Lady --- lalaki daw ako eh
4. Cry on any situation either happy or sad
5. Breath--of course
6. Fart and poop---of course uli
7. Pee--- of course pa

Seven things that attract you to the opposite sex:

1. Mabango--not necessarily wearing perfume
2. Sweet but not mushy
3. Tan complexion - hindi nog-nog
4. Good sense of humor
5. Nice set of teeth, hindi pustiso
6. good sense of clothing, hindi kailangang branded
7. God-fearing at may kunsensya

Seven things you say the most:
1. shuf'hada (ano ba yan?)
2. O sige
3. Whatever
4. Ah ganon
5. Salbahe
7. Ewan ko sayo

Seven celeb crushes (whether local or foreign):
1. Jericho Rosales
2. Jericho Rosales
3. Jericho Rosales
4. Jericho Rosales
5. Jericho Rosales
6. Jericho Rosales
7. Jericho Rosales

Seven people you want to see take this quiz:
1. Elle
2. Juvy
3. Dadah
4. Glen
5. Focen
6. Foncie
7. Flor

Read Users' Comments (1)comments

Pahabol blog...

dahil nga po last thursday ay umuusok ang wet-pu ko at pud-pod ang daliri ko kaka-type (wla akong mic at webcam eh) sa YM, hehehe, talaga naman umiikot na sa diliryo ang isip ko sa mga eksenang kainlab-inlab... siguro sa isang blog ko na lang ikwe-kwento yung history o ipunin ko na lang para sa website ng G-ups, eats abawt Mr. Bee at Honey Bee (ok ba?).
Hehehe. Kaya lang nung thursday nagmukhang yung Honey Bee ang umiikot sa Mr. Bee. Kse ang lalaking bubuyog--urong ang 'B' as in 'Behavior' (kala nyo noh!) sa panliligaw. Ewan. Ganon naman na si lalaking Bubuyog nuon pa eh. Diba?

Ang twist ng story eh, meron na daw jowa ang Bubuyog na ito, si Kamfufot (whoever!). Na sha ngang dinadapuan ng negrong bubuyog, shemfre si flawless Honey Bee ay 'nalolongkot', nagugulumihanan, nag-eesep-esep...anu ba talaga koya?
Tignan natin kung didikit ang tamis ni Honey kay Mr. Bee o mauunahan sha ng kahali-halinang halimuyak ni bolaklak. Naku, afraid ako at bka mauna pang dumikit ang mga polens ni Kamfufot sa tamis ni Honey Bee.
To be continued...

Read Users' Comments (0)

Andami kong dapat ipagpasalamat this week, talagang nakatutok sa amin si Lord, lahat na lang ata ng prayers namin talagang binibigay nya...salamat po.

Nakuha na namin yung visa ni Pao. Nagpunta ako ng Dubai last week (23 August 2005). Pag talagang nasa Dubai ako, doon ko lang na fi-feel na nasa ibang bansa talaga ako. whew! Traffic, sky scrapers, Planet Hollywood, Hard Rock, naglalakihang malls, fly overs at katakut-takot na on-going infrastructures. Duon din kahit sa malapit sa daan nakikita mo yung oil riggs.

Heheh, almost five years na ako dito sa UAE pero last week feeling ko promding-promdi ako. Kulang na nga lang na may dala akong kalupi at bumbong with matching talahib hat eh kumpleto na ako! Kabilin-bilinan ng asawa ko, never as in never kang mag lililingon pag wla ka sa teritoryo mo, kse that will make your 'predators' sense na you're scared and innocent. hehehe i think this time it didn't work....

Umalis ako ng Abu Dhabi ng 6:30am just to catch the 7:00am trip to Dubai, after almost 1 1/2 hour trip (habang bumabagsak-bagsak ako sa antok) nagising ako na nasa Jebel Ali gate na k'me. Salute to Emirates Express kse ang'ganda talaga ng Bus nila---brand new (made in Japan!), 1.5m wide, soft upholstered seats, nice smell (siguro dahil mga bagong paligo ang sakay) at on-time kung umalis---for just Dhs. 15/- may kasama pang raffle ticket na mananalo ka ng appliances (hehehe.wlang lobo eh). At hindi mo mararamdaman ang biyahe, siguro dahil sa ganda na ng daan.

As per instruction, magtanong sa Driver kung saan ang Immigration. Sabi ng Bus driver go down na daw ako at dito na yon. E di, bumaba. Just then I informed my sweet Ate Vicky (Accounts/Personnel-Dubai Main Office) na nasa Dubai na nga ako, ang info maglakad daw ako towards Trade center. E di shah! lakad.
Bahden este afterwards May I call the PRO at may I say na nasa tapat ako ng Bur Dubai Police station where there's an on-going building construction. *tiit*tirit*tiit* --naalala ko ang bilin ng aking asawa, don't make lingon-lingon---straight lang ang look parang kabayong may takip ang mata! (Dubai is not as safe as Abu Dhabi..daw!)

And so, by that time nakalahati ko na ata ang road towards Trade Center, tapos sabi ng PRO namin balik ka uli dun sa pinang galinggan mo and walk thru end of the road. Akalain ko ba na yung immigration ay katapat ng Bus stand na binabaan ko! Harrrrr! T'was hot sunny f**kin' 38 deg.C day, nag lalakad ako with only SPF15 protection. Dahil sa hindi ko paglingon di ko nakita na andoon lang pala ang pupuntahan ko. Shyet!
Eh yon, buti na lang at good news dahil tinaggap ng Immigration officers ang application namin at yun nga resident na ang baby ko. Hayyy, Lord tenk u po.

Read Users' Comments (0)




My last week was really upbeat!

B-day celeb ni Ate Ghie sa Rendezvouz Resto, B-day party ni Kent sa Pinas (present sa phone.hehehe), last Thursday's YM Marathon (sheft! u two Glen and Juvy's a winner! I really had a fun time.) and yesterdays Ate Winnie+Ghie+Claire's B-day celeb! Whew! tiring but fun.

The Kent Day and YM Chat was really fun. Grabe! I feel like staying na lang in the office the whole afternoon just to chat with you guys.

Anyways, here's some pics sent to me by my beloved friend Juvy... grabe ang excitement ko nung na receive ko to. I love you guys...really, I miss you all!
In these pictures are my G-ups barkada...Kumareng Flor, Bes Juvy, Glen (fafah!), Jen (sexy mo ah!), Dada (ang maganda), Mervin the Martian, Foncie (u know what I mean) and my inaanak Kent. (Hey! where's Focen? sha ata ang pinakuha nyo ng pinakuha ng pics.hihihi!)

Read Users' Comments (0)

Dearest G-Ups! (Oo, kayo yon!)

Aside of sending each of you the info by email..shuh! For sure uubos ako ng Dhs. 30/- today. Why? Just to remind you guys about the website. Please cooperate with me and send me some scanned pics by email (sana alam nyo e-mail ko).

Nasimulan ko na po ang lay-out, pasensya na po kayo hanggang homepage pa lang ako. Malapit na akong mabuko ng amo ko (lagot!), hehehe. Hindi ako makapagsimula not unless I have all the gadgets and info. Ulit pasensya kse instant lay-out ang ginamit ko. Sa nakayanan lang.

Hey guys, sana di nyo makalimutan na 7 years na po tayo this year.

Salamat sa friendship and a token of appreciation and love, eh eto na nga. Sana padalan nyo ako ng mga pics natin noon sa school. Paki kontak na rin si Sheryl since sha ang pinaka mahilig mag ki-click nuong nasa school pa tayo (hehehe luv you She mwaa!)

God Bless you guys and hope to see you all soon.

Please call me naman o kahit text na lang or email na rin, si juvs, ellen at glen lang ang masipag eh. Dadah, are you there? Is anyone alive there..! Rose...Jack...hehehe joke lang po.

Love ko po kayong lahat!

Read Users' Comments (0)

Pahabol....

Kakaiba talaga ang asawa pag napapagsilbihan (?)...hehehe wag ka nang mag tanong. Sa mga nag didyeta hindi pwede yon, ganon din sa mga dinidyeta! Okei!

2:45pm Ringgg...phone is ringing...ringgg!

Ayie: Al Kam...good afternoon!
Ontheotherline: Hmmnnnn....hmnnnn

A: Huh?
O: Hello my'... hello.
A: O Dy, ket? Nag lunch ka na?
O: Kanina pa, ikaw? My, hahummmns, sandali ha... may gagawin ako. Kakantahan kita!
A: Ha! (Esep. tagal ng di ginagawa nito toh ah.)
O: Yes. Cool ka lang, anong sabi ni ellen? sabi mo wag nyang kalimutang dumaan sa bahay ah!
A: Sabi ko na. Ano nga yon?
O: Sabi ko kakantahan kita, wait ka lang...
"Its undeniable that we should be together
Its unbelievable how I used to say that I'd fall never
The basis you need to know,if you don't know just how I feel
Then let me show you now that I'm for real
If all things in time time will reveal
Yeah...
One - you're like a dream come true,
Two - just wanna be with you
Three - Girl its plain to seethat you're the only one for me, and
Four - repeat steps one to three,
Five - make you fall in love with me,
If ever I believe my work is done then I start back at one... (yeah)"
A: Hehehe.
O: Cge na, work ka na, may ginagawa ka ba. Para 'kong luko-luko dito sa Reception (sa Hotel sya nag wo-work), ayy.. ayan na may guest.. sige po. late na ko nakapasok..bka late na rin ako mamay, kung pupunta tayo sa flat, una na kayo..susunod na lang ako...bye.
A: Bye po! hehehe
*Back At One - BRIAN MCKNIGHT - the song song they played when we dance sa School Party (AMA Meyc.), Feb. 2000. Dun namin na realize na gusto namin ang isa't isa.

This song is like a promise...whenever I believe my work is done... we'll start back at one.

**Kaya siguro k'me away-bati!hehehehe

Read Users' Comments (0)

Inspired ako today. Makapag-blog nga.

Bakit nga ba ako inspired? Here's why:

1. I'm losing weight. Though, di ako mukhang payat, pero alam ko I'm losing my preggy fats kse yung mga clothes na nasusuot ko lang nung 'chubby' pa lang ako eh, naisusuot ko na.
2. Nagkakasundot ehste, nag kakasundo na kme ng asawa ko. Di na masyadong mainitin ang ulo nya. hmnnn, bket kaya?
3. Si Pao, parang spounge. everyday may bago syang absorbed na knowledge. Since yesterday, vinevideo ko sya. kse naman, andaldal nya. ehehhe. sweet angel..mommy miss you.
4. Hopefully, lumabas na ang visa ng bebe ko this week.
5. Ok naman sa work, walang hassle at wala akong office tomorrow! Yeah! Thank God its Thursday, Praise God for Friday. It's samba day.
6. Wala km'eng ka pera pera pero kumakain pa rin k'meng pamilya, masaya kaming nanonood ng TFC at movie marathon sa gabi. In short, kuntento kami.
7. Ok ok na si Rafik (yung co. driver namin), ilang linggo na syang coma, salamat at lumalaban pa rin sya.
8. Nakapag bonding kme nila Auntie Last Thursday. Thank you po.
9. Matatapos ko na ang mga lalaban ko, Comforter na lang ni Pao at plansta na! Yahoo!
10. Ang highlight ay nakapag usap na kmeng mag asawa, whew! mahirap talagang mag adjust from being your own boss to slavery of being a parent. Pero walang kapantay ang saya ng pagiging isang magulang. Walang kaparis ang pagmamahal ng tunay mong love at walang katumbas ang high feeling ng kusang loob na sakripisyo.

It'll be still a long road for us Mahal, nanghihinayang ako na wala kang time basahin ang family blog natin (buti na lang). Pero dito nasasabi ko sayo kung gaano ka kasira-ulo ng di ka nagagalit. Dito nalambing kita ng walang preno. Dito na mumurder kita ng walang judgement! hehehe. Dito sasabi ko sayo, AY LAB YU! nang di ako nag mumukhang baduy. Di ako mag rereklamo sa ugali mo, sa totoo lang mahal na mahal kita kahit ganyan ka. Kaya yata ako na inlab sayo kse pakipot ka. Ang di nila alam....hehehe, akin na lang yun!

Maraming adjustments, bossy ako, bossy ka. Magulo ako, praning ka. Waldas ka, kuripot ako. Fashionista ka, simple ako. Sa makatuwid magkaiba tayo. Pero lahat ng yun Patience+Respect+Love+Honesty+Faith equals Pao, swak tayo!

*whisper* Mahaal, uwii ka na ha, ligo ka...dyan nako. ahhhahahay! (Lukreng!)

Read Users' Comments (0)

Hayy, another sand stormy day.

Ilang araw ng ganito sa Abu Dhabi. Akala mo fog? Hindi po noh. Kalagitnaan ng summer at talaga namang ang init (malapit pa naman nang dumating ang aking prend Ellen Ganda na naghahanap ng boypren, sabi ko sayo pauutangin kita.hehehehe). Hindi mo makita ang mga buildings at sa isang katulad kog hikain eh parusa po.

Ni hindi tuloy kme makagala ni Pips.

Bukas aatend ng handaan ang eberdireshasband ko. Ilang blocks lang naman ang layo sa bahay. Apter dat eh, sa Hotel *naks* kme tutuloy. Sa Hilton Baynunah, isa sa mga naunang skyscraper dito sa Abu Dhabi. Eh baket? Mag swi-swimming kme. Yahoo!
Dun na rin kme matutulog, kertesi op awr gud prend 'Auntie' Cath and 'Hunkie' Jose. Shemfre, kasama ang kanilang chikiting na si Kirtsen (tabachingching!)
Ito pong si Ka-te-rina ay isang mabuting kaibigan, mapagmahal na asawa at malambing na nanay (uyy). May katarayan sa mga taong di sha kilala pero naku wag ka numero unong iyakin po sha. At pag umiyak yan, parang babaha sa UAE! Pag naman nailabas na nya yung sama ng loob nya (di po utot!) eh hehehehe, kung sino man sha, magtago na sila sa pinanggalingan nila---palaban to oy!
Mahilig shang magluto. Masarap shang gumawa ng siomai at leche flan. Peborit ng asawa at pinsan ko ang kanyang Kare-kare, Kaldereta at Pinakbet.
May pagka generous ang kaibigan kong ito. Hakshwali, ang lahat ng baru-baruan at anek-anek pa ng aking bebe ay galing sa kanya. 3months older lang ang kanyang bebe sa aking bebe. Lahat na ata ng tips at advise eh ibinigay nya sa akin. Pati words of wisdom at mga chuva-chizmiz eh ibinabahagi rin nyan (mga chizmoza! hehehehe). Isa shang kapamilya at kapuso ko.

Marami akong bagay na naikukwento sa kanya, tungkol sa buhay buhay. Mga personal na kwento na alam kong sha lang ang makakaintindi.
Naalala ko tuloy ang bespren ko doon, si Annangge. Nasa malayong lugar sha ng Papua New Guinea. Ka-eemail lang sa akin kanina. Aba ang loka, busy daw sha. hehehe Di bale, bespren understanding naman ako eh.
Pero sa totoo lang miss na miss na kita. Hindi ko makakalimutan ang mga magdamagan nating kwentuhan. Mga bagay na nakakaiyak, nakakatawa, nakakakilig, nakaka....toot... heheheh. Minsan kahit mga bagay na non-sense at shemfre pa ang peborit nating dalawa, ang mag chizmisan.
Tulad ni Kat, malawak ang pang-unawa ng bespren ko. Matampuhin sha at sensitib. Selosa (sa aken?di kami tibo ha), yup, very possessive. Masayahin, or should I say mababaw ang kaligayahan, which I like most kse madali ko shang patawanin. Para kaming si B1 at B2, naiisip namin ang iniisip ng isa't isa. Matiisin, magalang, sweet at marami pang qualities na maybe kung naging lalaki sha o ako, eh kami ang nagkatuluyan (once again, inuulit ko, di kami tibo). We agreed before na, yah, maybe kami nga ang soul mates but as sisters...as bestfriends.
Hayyy. miss na kita.

Gumawa ako ng isa pang blog. Ewan. Ayoko kasi na nakikita o nalalaman ng mga tao yung lungkot ko. Marami ako non. Andami kong blog na nabasa. Puro masasaya. Tulad ng kay PinaysaAmerika, PinaysaNZ, Tambay, Kenji (ang Chinese na Japanese. Peace po. hehehe) at marami pang iba. Sa likod ng mga kwento nilang nakakaaliw, dama mo pa rin ang bahid ng lungkot.

Ginawa ko yung isa pang blog para ma recall ko naman kung ano na ang nangyari at nangyayari sa buhay ko. Gusto kong mag reflect kung nasaan na ako. Minsan kse nalilito na ako.

Working non-stop since 15 years old (official work. di pa kasama ang pagtitinda ng turon, kamote-que at banana-que. Di pa uso ang ukay-ukay non eh.), parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Ang alam ko lang tumanda na ako ng ilang taon at medyo nakakaramdam na ng pagod. Ang alam ko nag asawa ako at nag kaanak at eto, kayod-kayod para mabuhay. Gusto ko lang mabasa para naman makita ko naman kung nasan na ako. Hakshuli, blogging lang ata ang tanging luxury ko sa buhay.
Hayy. ang hirap maging mahirap (Mang Kenji pautang!heheeh joke.)
*Si Mang Kenji po ay isang mamang gwapo na optometrist na isa ata sa unang 'poreinger' dumaan sa blog na ito. Salamat din kay Marghil. Sana interesting sa inyo ang buhay-nanay ko. Wait-wait lang po sa mga kwento, hindi pa ako makahinga eh. sa totoo lang puyat-na-puyat na ako,heheheh. blanko na nga ata utak ko. ganon pala ang puyat. Muli po salamat.

Read Users' Comments (0)