Bad Mommy! Bad bad meeeh!
Ngani-ngani ko na talagang paluin si Paolyne kahapon. Dalawang araw kse kaming di makalabas, at inip na inip sya sa bahay. Lahat na ata ng laro ginawa namin. Halos ihagos ko na sya sa ere, pero tawa lang sya ng tawa.
Naiinis ako na kung kelan mag-na nappy change at saka paa naman syang kiti-kiting laot. Kung kelan antok na antok ka, para naman syang bulkang sasabog sa pagka aktibo.
Kahapon, sa sobrang inis ko talagang napasigaw na ako sa kanya! Humikbi ng konti pero ng makahuma....sinigawan na ako pabalik! Whaaaaa!
Meron pa sya ngayong "Aba!" sabay palo sa kung ano man ang malapit sa kanya na para bang sinasabing "Aba, ako'y di pa makapagsalita kaya hindi ako makareklamo ha! Intay nyo lang!"
Kagabi, hindi na ata makatiis ang bunso...talagang pumalahaw na sya. In fairness, hindi sya gutom..hindi rin basa, lalong hindi nasaktan...bored lang. Hayy! Buti na lang napatahimik sya ng isang mansanas...sige ngatngat, pinabayaan ko na. Pray ako na wag lang mabilaukan at bka ako ang tamaan. Sa sobrang busog ata, nakatulog ng maaga. Antok na pala! Hehehehe. Buhay!

Read Users' Comments (5)

BEBOTS - Preety in Pink! Bubbly in Orange!

Fun time with my cousin Ghie during company's Family outing!





Smile!
My mouth is full of "pancit" when they asked us to pose. Anyways...ehehehe! Hey, where's Ellen?

Read Users' Comments (6)


I want you to stay
Never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Why did you have to leave me
When you said that love will conquer all
Why did you have to leave me
When you said that dreaming
Was as good as reality
And now I must move on
Trying to forget all the memories
Of you near me
But I can't let go of your love
That has taught me to hold on
I want you to stay never go away from me
Stay forever
But now,now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
I want you to stay never go away from me, stay forever
I want to stay but I have to go my way
>> Gusto lang namin ipaalam na nandito lang kami, karamay mo...ngayon, bukas, kahapon. Kapag ayaw sumilay ng mga ngiti sa labi mo...kapag hinahanap mo ang matatag na karamay,...kapag maulap ang bukas...alalahanin mong nandito lang kami..nagmamahal. Paalam sa isang mabuting ama...mula sa aming pamilya ang taos-pusong pakikiramay. (Para sa pinakamamahal na Tatay ng aming kaibigan..mmy lei..)

Read Users' Comments (3)

Vacation crumble!
The idea of our upcoming vacation makes me feel sluggish at work. I don't feel like working at all. Parang I want to push the hands of time para maging March na. Pero pag iniisip ko na andami pang gagawin, bibilhin, ipapack,...parang lalo akong nanghihina. Naipacargo na namin ang unang batch. Pero pag tinitignan namin ni Panday ang mga kahon...parang kailangan pa naming ihabol ang at least 2 mid-size boxes. Nanghihinayang man ako sa cargo charges, mas nanghihinayang naman ako na hindi iuwi ang mga naipundar namin for the last 1 year.
Bka nga pala may gustong bumili ng refrigerator (WESTPOINT, 2 door, mga 4'ft yata yun...as good as new...Dhs. 500/- na lang po)
Ipapadala na lang sana namin sa pinas dahil kailangan din naman ng ref ng nanay ni Panday dahil lumalakas ang benta ng softdrinks at yelo. Lalo na ngayon at magsusummer. Kaya lang di daw kakayanin ng ref ang bigat ng ilalaman at bka masira pa. Please lang, kung may kakilala kayong gustong bumili...kontakin nyo lang po ako...my no. +971 - kamsa sufur - thamania wahed...chikka ehehehehe! Wag na, bka ulanin ako ng obscene callers. Seriously, tulungan nyo naman ako....! (hep...Abu dhabi lang po...if Dubai...sowee, no free delivery!)
Whaaaa! Hay, bigyan pa ako ng lakas at enthusiasm na magtrabaho dahil tamad na tamad talaga ako....

Read Users' Comments (6)

Minsan nahihiya man akong ilagay sa blog ang mga katotohanan about myself or my family...hindi ko na rin pinipigilan. I don't want to regret na I wasn't able to jot down my thoughts (whatever it is at that certain moment) just before I die. (im not pressuming na i'll die na pero who knows when diba?)
Anyways, this is my blog and I can write and rant as long as I want. In a way may pagkaprivate naman ang isang ito dahil halos mga close friends and blogfriends ang nagbabasa. I like the thought na nagagawa nyong tumawa o mainis sa mga pinagsasasabi ko. Di bale, tao lang naman eh...hindi perpekto.
Sa oras na ito, naaawa ako kay Panday. Bakit? Coz' I know na kung ano-anong iba't ibang klaseng ispekulasyon sa kung anong klaseng lalaki, asawa at tao si Panday.
I will tell this...and not because I want to hit the button of anyone. Ipagtatanggol ko yung asawa ko not because gusto ko lang na itaas sya, o magmalinis sa kung anong klaseng tao sya. Pero dahil sa hindi naman alam ng asawa ko na nagiging topic sya ng usapan. At hindi rin nya alam na iba na pala ang tingin ng tao sa kanya.
Jovel is a special man. hindi sya showy gaya ko. hindi sya kasing lambing sa harap ng ibang tao. hindi sya pacencioso, hindi rin sya plastik. May pagkaprangka sya na minsan, ikagagalit mo. Kaya nyang magawang mahimatay ka sa sobrang inis sa kanya. Kaya nyang sugatan ang pagkatao mo. Kaya nyang maprovoke ka na halos matuyo ang dugo mo. O worst ang talagang habulin mo na sya ng itak.
Nagawa nyang paiyakin ako magdamag habang mahimbing syang natutulog. Nagawa nya akong iwanan sa mga gabi nung panahong kagampan ako habang umiinom sya sa bar. Nagawa nya akong mainis ng sobra na halos iumpog ko na ang ulo ko sa pader.
Pero sa likod non ang mga dahilan...hinayaan nya akong umiyak magdamag para malaman ko na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko, na hindi lahat ng sinasabi ko ay tama...at hindi lahat ng iyon ay 'ang tama' para sa kanya. Kinailangan nyang lumabas, mag isip...mag isa, upang limiin ang lahat ng nangyayari sa buhay nya, namin...at bumalik ng may bagong pag-asa. Nagawa nya akong mainis ng sobra para pagkatapos non, mahigpit nya akong yayakapin at hahalikan...muling sasabihan ng 'mahal kita'.
Hindi langit ang buhay may-asawa, pero hindi ko rin siguro gugustuhin na magkaroon ng isang lalaki sa buhay na tango lang ng tango sa lahat ng gusto ko para lang maging masaya at hindi rin siguro masarap ang lahat ng gusto ko ay ibibigay nya para lang 'masaya ako'.
Love grows in different ways, it just happen na isang sadista at isang masokista ang nagsama. (neheeeyeye!)We find bliss with galit-bati process. I like biting him and he likes tossing me. (whaahhahahaha! oyyy hindi po ako battered wife, pero battered ang husband ko!)
Panday is a unique man giving me unique love. And I am accepting it. Before, coz' he loves me so much that sometime he wants to keep me in his world. But now, sya naman ang nalulunod sa pagmamahal ko. One of the best foundation of our relationship is 'friendship'. Since we started as 'buddies', we sometimes enjoy drinking (booozing!) together and talking like 'friends' again.
We used to go out and pretend to others that we're just friends...trying to catch someone if she/he will flirt then leave them with odd thoughts...coz' we will laugh hard if they bite the thing...lakas ng trip namin noh?
Two different person, two different mind...an eccentric who lives inside books (but don't collect any) and an extremist (who likes dare-devil experiences)! We're one big hell of an experience I can tell you. Though, we sometimes try to hold of ourselves just to show everyone we are 'normal' (eh, Tita E?) But we are not.
I am happy that I found someone who can crash me and build me at the same time. This someone can turn my life upside down in a flick of a moment. He can make me happy and lonely and laugh at the same time. Yes, he makes me crazy! Crazy in love.
Now, we are just both praying and wishing that we are able to keep the passion, interest and love alive.
Opps, before I forgot, there's one more special thing he's able to make me realize....that I am human...of flesh and blood I'm made. And that i need him, and that he needs me and that we're partners and loving someone and taking care of the 'relationship' is a lifetime process.
Suprisingly, I am excited to know him everyday. I am starting to miss him now. (I can imagine him sleeping at this moment...wearing this...wearing..only this....my love)

Just pray that it last forever...so i can be happy forever..instead of being bitter about it and thinking that I am just pretending to be happy. If there is one thing that changed about me is that now...i know what I want and I know how to get it. And now, I know when to fight and I know when to stop and take it as it is. I am growing stronger with God's help...now I know how to trust Him. Someone from the past told me that everything change...everything grow and no one is growing down...it grows up!

Read Users' Comments (7)

Nagbiro kanina ang IT Manager namin na akala ko ikamamatay ko na...hindi na raw ma reretrieve ang lahat ng data ko, ni bakas...wala na. Muntik na talaga akong hinatayin, buti na lang bigla nyang binawi at sinabing "joke" lang. Akala nya nakakatawa sya?! Kung pasabugin ko kaya sa suntok ang nguso nya?!

Anyways, isang araw pa at binati na ako ng asawa ko ng Happy Valentine's Day...ani mo di kami nagkakatampuhan. Ahahhaha. Hindi na mahalaga ang detalye, para ng bulang naglaho ang nararamdaman kong inis. Kiss na lang ang kulang dahil halos isang linggo na kaming parang nag tataguang-pong. Ewan.
Para sa'yo mahal...ang tula kong ito...sana magustuhan mo. Pacencia na wala akong gift, kiss na lang sabay hug saka ako sasayaw ng 'bulaklak'!
Mula sa araw na ito....
Sa bawat araw ng aking buhay, nasa isip kita
Pag gising sa umaga, sa panalangin ko'y kasama ka
Wala akong ibang nasa isip kundi ang iyong kaligayahan
Na nawa ay aking naibibigay kahit pa panandalian lang
Halos kalahating dekada na tayong magkasama
Araw-araw hindi pa rin maiwasan ang awayin ka
May mga pagkakataong nakakapikon ka talaga
Ngani ko ng kagatin ka sa punong taynga
Kahit pa nga minsan pang inis ka
Isang halik mo lang anong ligaya ko na
Sa bawat haplos mo lalo akong naiinlab
Pag niyakap mo pa, ay ano nang sarap
Hindi ako magbabago sayo aking mahal
Ang buhay ko'y ibinigay ng Maykapal
Upang sa bawat araw ikaw ay aking ibigin
Alagaan at pakamahalin
Mula sa araw na ito, walang magbabago
Kundi ang mahalin ka pa higit sa kahit kanino
Kung darating ang araw na ako na'y magpapahinga na
Wag kang mag aasawa ng iba dahil papatayin kita!
Ah labs yu!
O, ngayon lang ako tumula. walang kokontra at pang balentayms gip ko yan.

Read Users' Comments (6)

Natuluyan.
Wala na, natuluyan na ang computer ko. whaaa! Ok. hindi sa akin yon. Sa kompanya, pero naman lahat na ata ng personal kong trabaho nandoon. At doon nakasave lahat ng pictures ng pinakamamahal kong anak. Balak ko pa naman sanang dalin ang cam para mag edit ng aming mga home videos. I load lahat sa computer at iayos na ang presentation (with Mmy Lei's help!)
Kaninang umaga pag dating ko sa office, syempre ako pa rin ang usual bubbly nilang kasangga. In-on ko ang printer, in-on ang monitor, in-on ang cpu...wala. Pindot the cpu uli...wala N.R. sya as in No Reaction. Bka kako na twisted lang ang kable dahil ginamit ng mga Video Boys (Group 7, nagkabit ng camera) ang aking extension wire. Namputsa talagang wala, dedma (yes! ma, i'm dead already). Hindi pa rin ako naniwalang iniawan na ako ng mahal kong cpu...iilang buwan ka pa lang naipapanganak! (5 months pa lng ACER at bagong bago, Pentium 4, Window XP at loaded ng katakot takot na anik-anik! pero walang photoshop dahil madamot ang IT namin! Tsee!)
Nasa computer na yon ang lahat ng sagot sa magiging katanungan ng big boss bukas. ano ano? Sales closed for the month, quotation and enquiry volume, costing, correspondence at lahat ng may kinalalaman sa opisinang ito.
Last week hiningan nya ako ng chart ng volume ng enquiring pumapasok at quotation na lumalabas. Katatapos ko lang ring i update ang database ng mga sales executive na nilalamay ko for almost 2 weeks na. nandun dun ang code ng bagong layout para sa WA (with mmy's permission at iniintay intay ko lang na mag mellow down ang mga asungot ko.)
Ngayon sabihin nyo sa akin, ano ang gagawin ko? Iiyak, mag sisick leave bukas kung kelan dadating si big boss, o tatalon mula dito sa 18th floor pag ini-hit na nya ang tanong sabay pindot ng buton at tanong na "where's you fu**ing reports?" Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Sasagot ba ako ng, monseur, mah cpu just got burn out and its under repair! or sasagot ako ng, sir, i am not able to finish the following due to heavy traffic of work. Or sir, please excuse me for a moment..my stomach is aching. I think i got LBM.
O magpakatotoo ako at sabihing...those reports will not help us reach our target for this month and it is just fooling you! sabay ngiti sabay bye-bye! Whaaaaa!
Hindi ko ma i aalibi na wala akong kopya ng kahit ano dahil wala akong "backup". Palagay ko, sasamplain nya ako ng 5 zip drive pag sinabi ko yun at sa akin din i chacharge. Whaaaaa talaga. daig ko pa ang nasagasaan ng pison.
Nagpaparamdam na ata sa akin ah. Camera...burned cpu...what's next? Bakasyon ko na noh! wag nmang forever.....whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Read Users' Comments (0)

Love quest...love question...

May mga sitwasyon sa buhay natin na napakahirap sagutin, even to deal with it. Para bang pilit na inilalagay sa pagsusulit ang kakayahan ng utak na mag isip (ng kung ano ang tama) at ng puso upang timbangin at limiin ang pagkakataon.

Have you ever heared the word "platonic"? Platonic love.

Marahil, kung susumahin..hindi lang mahigit sa milyon ang nakaranas at nakararanas ng ganitong sitwasyon. I've been to this, yes. And till now we're friends. And we still have 'that' platonic relationship thing!

Ansarap sanang ikwento...kung paanong magkaibigan kayo...pero minsan nalilito ka na kung ano ba talaga kuya. Pero mauna na kayo. Huh? Bakit?

Daan naman kayo sa http://www.our-walkabout.blogspot.com/

Maari nyong ilahad ang inyong kwento, at may balentayms gip kami sa inyo. At mailalahad nyo pa ang inyong kakakilig-superdupertothemax na kwento....see you there!

Read Users' Comments (0)

Home Bound!

Okei! I got my vacation approval yesterday,though, 30 days lang ang ibinigay sa akin due to 'order' constraint. mag eend ang first quarter and boss asked me to be 'considerate' enough to give my support to our team. Para sa kanya 45 days is too long for a vacation, kaya kahit 3 fucking years na akong di nagbabaksyon eh wala syang pakialam. As if naman daw forever na akong di nakauwi. Ang sensitive nya noh? Very 'considerate'.
Anyways, it's God's blessing for me na. whoaaaah! 30days of nice spa, good food and happy moments with my brothers and sisters-in-law and pamangkins (i got 2, one from my side and 1 from panday's). Sana rin I'm able to repair the bridge between my bros. and mahder.
Para naman masaya kaming makapag Enchanted Kingdom, 8 Waves, etc. Di na siguro matutuloy ang Puerto namin ni Panday dahil nasira ang sched namin, dahil nga sa 30 days lang ang bakasyon ko. Di naman pwedeng i-extend till May dahil pauwi naman ang pinsan ko (sec namin sa main auh). Pinagbigyan nya ako last vacation nya when she took 45 days lang dahil nga kagampan na ako noon, at this time eh ako naman ang magpaparaya dahil 'magpapasakal' na rin sha.
Another good blessing came yesternite when Panday told me that his company will arrange the air ticket for him, coz eventually they told us na he's not entitled to this dahil ni wala pa shang 2 years and originally they don't provide this. Anyways, that is a good sign na talagang pumayag si Lord. Haay. I was praying kse na if ever hindi maganda ang result ng paalam ko kahapon, maybe hindi ito ang right decision. Pero eto nga, less sa sasagutin naming gastos ang ticket ni Panday and Pao naman is like 10% lang ng adult ticket so that'll like cost Dhs. 400 lang return na.
May isa pang blessing sa amin, dahil starting this month...mag-ooperate na ang Etihad Airways with a very good cost. Bago ang airplane kaya mabango pa yun. ehehehe. Di na rin kme kailangan mag travel to Dubai for either Emirates or Gulf Air. Meron maring service ang Gulf Air sa Auh pero dadaan pa ng Bahrain. Napakahirap para sa tulad naming mag tatravel ng may bata. This one is a non-stop flight Auh-Mla. 8 1/2 hours of travel. Since may bata, maganda ang seating area naminkung saan nakalagay ang cot (I checked all of this kahapon, i'm not that excited u know!). One more, night of my last day sa work eh may flight sila, so the next day starting of my vacation eh nasa pinas na kami kumakain ng tanghalian sa Jollibee! Whaaaanasarap! Another good things is may shuttle service Ang Etihad from from Auh city to airport pero of course magpapahatid kme kay Tatay at Tita E, Mmy Lei, Tita G at Tita R...masarap ata yung may nagbababay habang naluluha sa inggit na parang gustong pumasok sa maleta mo! ahahaha.
As you can see God is favoring us. All I have to do is clear up all my backlogs, choose the person I need to seat to this chair and give the directions and pile up the work that she needs to do. Most probably, si Ate ang kapalit ko, pero dahil hindi papayag yung tatay nya na mawala sya sa kanyang piling...hindi ko alam ngayon kung sino ang manonominate. Kung sino man sya...basbasan ka! ehehe ng maraming pacencia at tyaga!
Please pray for us that it'll be one of our greatest trip. Sa mga nakakakilala sa akin (personally) alam nyo ang unang agenda ko sa pag uwing ito aside of introducing my baby to the Republic of the Philippines and attending my brother's graduation. It'll be my greatest joy and the biggest turn of my life...kung mangyari ang nasa isip at puso ko...mapapayapa na ako! Sana... (note: aabutan ko ang b-day nya pag uwi ko! 'masalam!)
God has given me so much of blessing in just a day. He is showing me His greatness in each and every minute of my life. I trust na hindi Nya ako pababayaan. He will let me have my heart back. My life, my joy.
I want to let go of this sorrow im keeping...almost 2 years na. Ayokong nasasabihan ng masungit at tough...I want to go back to being sweet and nice and gentle (ayiehehehehehe).
P.S.
Sa mga may padala...cash at sulat lang po ang tinatanggap namin...bahala na kayong habulin kme ehehehe. Seriously, chocolates, sulat, pictures at yung maiipit lang ng maayos sa bagahe ang kaya namin, mga Abu Dhabians at Dubailets...ayoko ng ref, ayoko ng tv, ayoko ng component, at ayoko ng De lata! Ilalagay ko sa bahay ko yang mga yan pag nagkataon! Ayoko rin ng cash, bka madale pa yan sa akin! Alahas pwede, isusuot ko lahat kay Paolyne.>> Pwede rin ang alak! Malaklak sa party ni Pao! ahahahaha
Bigay nyo ang address nyo sa amin at pagdadadalawin namin ang mga kaanak nyo, Sisiraan namin kayo at ibubuko ang mga kalokohang pinag gagagawa nyo dito! Bwahahahaha!
I'm giving you, 3 weeks to handover your padala! Gets!?Mwaa!

Read Users' Comments (10)

Tinawagan ako ng ni tatay ng mga bandang alas dos ng hapon. Nasa Filipino restaurant daw sila ng anak ko at nag tatanghalian. Tumawag sya particular dahil sa balitang "Wowowee". Alam kong anibersaryo ng naturang palabas ngayon, akala ko nga ibabalita nyang may kakilala syang nanalo, pero iba ang balita ng tatay ko...
Nagkagulo daw sa ULTRA, stampede na ikinamatay ng halos 79 katao...hindi ako makapaniwala....
Kaninang umaga kasi, sinabi ng amo ko na maraming namatay sa manila, akala ko another sunog o krimen na nangyari...sabi ko..."it happens everyday in Manila dear"!
Ng magtanghali nga na tumawag ang tatay ko, at ibinalita ito, dun ko lang nalinawan ang binabanggit ng amo ko. Ng dumating din isa-isa ang mga Sales Executive namin, nagsabi sila ng condolence...sa mga namatay daw at nakikiramay sila sa aking mga kababayan.
Nakakalungkot na balita.
Kanina lang headline sa diyaryo dito ang paglubog ng barkong galing Egypt at may nawawala pang 900 na katao. Tapos yung lindol sa India at ang huli nga ay ang sa Pilipinas.
sabi ko nga kay Tita E na online kanina, "nagbabawas" lang. Ewan. Hindi mo na alam kung matatakot ka pa o hihintayin mo na lang.
Palubog na ang araw dito ng isulat ko ito, binabalot ng malamlam na kulay dilaw ang buong paligid ko. Pinaghalong berde at asul ang kulay ng dagat. Binabalot ng puting ulap ang bughaw na langit. Kumikinang ang puting buhangin sa natitira pang sinag ng araw at unti-unting lumalamig ang paligid.
Napakagandang paraiso nawa ang naghihintay sa mga nasawi, at tulad ng tanawing nasa aking harapan na animo nagbibigay ng walang kahulilip na kapayapaan, nawa makita nila ang kanilang lugar sa langit. Saan man naroon ang mga nasawi, nawa ay payapa ang kanilang kaluluwang sapitin ang lugar kung saan magkikita-kita ang bawat isa sa ating muli.
Sa mga naulila, taos pusong pakikiramay po. Nakikidalamhati ang aming mga puso.
------------------------------------------------------------>>>
Bakit ganon na nga lang ba ang attachment ng aking tatay sa palabas na ito? Araw-araw kse nilang pinapanood ni Pao to. Ang anak ko, titigil pa sa paglalaro pag narinig na ang opening number ng palabas.
Patunay ang nangyaring stampede sa kahirapan ng pilipino. Parang mga haenang sisila sa inakay upang maibsan ang gutom. Libo-libong salapi sana ang ipamimigay sa araw na ito. May bahay at sasakyan pang ipararaffle.
Pero ano ang napala ng ating mga kababayan, hayun...iisipin naman nila sa pagkakataong ito, saan sila kukuha ng ipagpapalibing sa mga nasawi. Naulila ng mga inang pumila kasama ng kanilang mga anak. Balita pa nga na may batang namatay sa nangyari.
Ang inaasahang masayang programa ay naging kahindik-hindik na sakuna! Bakit?
Dahil sa iang gago na sumigaw ng "Bomba"!
Isang walang katuturang biro an ikinasawi ng marami, ikinaunsyami ng mga naghintay at ipinagdadalamhati ngayon ng mga naiwan ng namatay.
Kung sino man yung gagong yon! ewan ko na lang sayo. Kung hindi sya namatay kasama ng stampede,...makatulog kaya siya o sila sa birong ginawa nila? Hindi lahat ng biro nakakatawa. At definetely, ang isang ito ay hindi katawa-tawa!
Saan kaya sila mapupunta? Sa dagat ng kumukulong apoy at asupre! Blaaaaaah!
Sana lang di ko kayo makita don at bka masipa ko kayo!!!! Teka, anong ginagawa ko dun? Ngiii!

Read Users' Comments (8)

Mushy month of February...hearts month!

February na! Pero I got my gift from my loving hubby a week ago pa! eheheh. Sa sobrang excited daw nya that he got me this...it's a neclace with a heart shape pendant na may maliliit na diamonds (as in maliliit eheheh! Ok lang!)

Kse daw, kung itatago pa nya at makikita ko rin lang, maiispoil lang daw ang kilig moments so better to give it early!

Haay. maglilipat na kme bukas, buti na lang marami akong resbak kundi para na naman akong isdang bilasa sa saturday dahil sa pagod. It's a 2-days lipatan/hakot na!

Tenks in advance kay Tita E, Tita F at Mmy lei (sayo ang ref!) Paparemeryendahin ko na lang kayo ng sago't gulaman with lugaw tokwa...walang baboy. Bawal!

Happy weekend.

Read Users' Comments (4)