LIFE IS BEAUTIFUL...
Tulad ng iba pang mga Sabado ng umaga, particular na nakakatamad ang araw na ito. Wala na k'seng pasok ang Habibi ko at parang ke'sarap pa ang matulog ng kayakap sya. Trabaho day na naman. Sa totoo lang, kung hindi lang kailangang kumita at kumayod...ayoko ng pumasooooook!
Dala marahil ng darating naming bakasyon at dahil nga sa ang aking mahal ay walang trabaho, ansaya sanang mag gala-gala ng magkasama.
At tulad uli ng iba pang umaga sa opisina,...mataas ang tensyon at tambak ang trabaho. Bakit nga ba? Maniwala kayo at sa hindi...masaya rin naman ako sa ideang...natetensyon sila dahil pagbabakasyon ko... at feeling abandoned ang mga loko!
Naaalala ko pa last 3 years ago ng pauwi rin ako para magbakasyon...sabi ng kalbo (BM).."Why are u doing this to me Anna, when you're not here already..I don't know what will happen... in'shalla we will survive!"
Masaya sa pandinig knowing na kailangan ka nila, pero masakit sa ulo at katawan dahil tulad ng pangyayari 3 taon ang nakakaraan..tambak ako sa trabaho (buti nga nakaka-blog pa!) at halos di na humihinga. Pag papalit-palit at palipat lipat ka pa naman ng mga kinukwenta, eh halos magbuhol buhol na sa isip ko ang mga numero...nalilito na rin ako sa pangalan ng mga proyektong hinahawakan ko...minsan pakiramdam ko..lumulutang na ang utak ko sa loob at parang pumipipis...sasabayan pa ng mga walang ka kwenta-kwentang utos at tanong na animo ba life and death ang dating samantalang nasa kanila na mismo ang file na makakasagot ng mga katanungan nila. Para bang anlaking kaibahan ng isang bagay kung ikaw ang sasagot at ikaw ang magbibigay. Hindi dahil sa reliable ako, kundi dahil sa mga 'utak talangka' ang mga walanghiya na minsan, akala mo ba mapipigtas ang braso kung aabutin o bubuhatin ang files. Pag naman sinabi mong ayan na sa tabi mo, o busy ako at hindi ko na kayang maghanap pa nyan! Aba eh, feeling prinsesa na ang dating mo sa kanila.
Maraming hirap sa pagta trabaho sa opisina. At mas mahirap na dito ka sa ibang bansa kumakayod, alila ng mga 'ulangya (alam kaya ito ni Madam G?). Nakalulungkot isipin na inaakala ng ating mga kababayan na masarap ang buhay natin. Masarap oo, kung ako ang amo at pamando mando ako sa mga reliable at matitino at matatalinong trabahador. Pero paano kung ikaw ang laging inaasahan na maging 'reliable', matalino, pacencioso at masipag na tauhan? Sa totoo lang, ang trabaho ko ay saksakan ng conflict. Baket?
Minsan, gusto kong sisihin ang sarili ko sa pagiging pakialamera! ehehehehe. Mula sa pagiging Receptionist/Telephone operator. Tinuruan ako ng simpleng trabaho bilang BM assistant. Pero hindi satisfied ng mga walanghiya. Kailangan daw sulitin ang bawat baryang ibinibigay sa palad ko. Kaya, ng sumunod na taon, tinuruan ako bilang Execution Coordinator. At dahil sa iilan lang naman ang mga tao sa branch namin, ako na rin ang nagsilbing Administrator, di nagtagal...naisip ng amo ko, kaya pa ng brains nito...hmnnn... parusahan pa yan, hindi pa naluluka eh! Ginawa akong Estimator/Sales Coordinator. At ngayong taon na ito. Hindi na 'label' o posisyon ang pinahawak sa akin (amin! dahil lahat kami)...wala na kaming exact na posisyon...instead (aside of the job responsibility na nakasulat sa isang papel na sya kong pinirmahan nung nag join ako dito)...binigyan kami ng (sa tagalog na lang ha! Bka may makabasa eh)...
5 NASUSUKAT NA GAWAIN PARA SA BUWAN
- Alamin ang mga on going projects at mga new proposed projects sa taong ito
- Gumawa ng reports ukol sa mga tagabenta at i conduct ang sales meeting ng maayos at nasa tamang oras (every week ito op kors)
- Tulungan ang Sales dept at showroom kung may mga nag eenquire (upang makabenta, shempre!)
- Tapusin ang manual na kwenta ng bawat proyekto at gumawa ng comparison sa actual na nagastos (wateber!)
- Tawagan ang mga dati mong Cliente ng magkabenta naman tayo (ano o bangenge?)
AT ANG PARA SA TAON
-Ma master ang sumukat, magkwenta at mag specify ng paggawa ng Stadium, Coliseum at kung ano ano pang gigantic projects kung saan merong Running Track, Seating, Artificial Grass at kung ano ano pang pang athletang palaruan (huwaaaaat?)
- Makumpleto ang comparison ng estimated cost at actual cost ng lahat ng projects sa taon na ito (tsiken pid!)
- Magkaroon ng clarong coordinasyon between Sales a Execution dept. (kunyari ka pa, gusto mo lang akong magtrabaho ng trabaho mo!)
- Assure na mapapadalan mo ng I luv u emails(joke) at news letter ang mga cliente natin upang di nila tayo makalimutan (sure!)
- Mag imbento ka na ng bagong submittal format, i revise mo na ang mga specifications at imbentuhin mo na ang bagong quotation module. (nek-nek nyo to the bones!)
As you can see, hindi na sila siguro lugi sa binabayad nila sa akin. Wag na kayong magtaka kung bakit nagkasayad ang utak ko. Pagod na pagod ang isip ko sa araw-araw while ang katawan ko naman ay sumasakit specially my bump, sa kakaupo. Malabong malabo na ang mga beautiful eyes ko sa katititig sa monitor. Masakit na ang mga kamay ko sa kakatipa, kaka pindot sa calculator. At sawang sawa na ako sa kakarinig ng "i need a favor from u!"
Whaaaaa!
But at the end of this, nais kong magpasalamat kay God. For lending me strength, patience, knowledge at giving me comfortable life(much compare to others). Salamat at kahit na halos magkakadikit na ata ang pantog, bituka at matris ko sa kakaupo eh eto, nag kababy pa rin ako (nagka UTI na nga ako last year). Salamat din po dahil binigyan nya ako ng good brain cells to upkeep files sa utak ko from 2001 till present na syang madalas gamitin ng amo ko to recall projects na gusto nyang ungkatin na akala mo ba nakatago sa bahay namin!
Salamat sa lahat ng biyaya na ibinigay nyo for the whole year. Sana this year wag Nyo pa rin po kaming pabayaan.
And last but not the least...salamat sa mga magulang ko na kahit papaano ay iginapang ang pag aaral ko. Kahit pa nga gusto kong maging de kampanilya na hindi na natupad...ok na sa akin ang magiging sekretarya...sa ngayon! Bahala na si Lord sa akin kung ano pa ang kapupuntahan ko...bka kse maging sikat na Labandera at Planstadora pa ako (may ari ng Laundry shop!) O kaya naman ay Mekanika (CEO ng isang malaking Automotive co.), o bka naman maging isang kilalang Mangkukulot cum Manicurista cum Masahista ako (ehehehe, may ari ng isang sikat na Spa!)
Hindi naman masamang mangarap so go for it, 'Yie!
At isa pang tenk u sa aking Alma Mater. Ang maliik ngunit kapitapitagang eskwelahan... ang AMA CLC sa Meycauayan!
Sa totoo lang po, walang natapon sa itinuro ninyo! Mapa Math, English, HTML, Visual B...lahat ng yan nagagamit ko. Wala akong pinagsisisihan sa pag pasok ko sa 2-year course, wala akong remorse or whatsoever. Yun lang, kung maipagpapatuloy ko pa na sana in the near future para naman mas may maituro pa ako sa anak ko...sana!