Favorite ni Pao ang mag malling. She likes running around open spaces. Makikita mo yung excitement nya kapag nakakasalubong ng kapwa baby. She'll immediately point them out and scream with excitement! "beeebeh"
Madalas sa Abu Dhabi Mall namin sya dinadala. Dadalawa lang naman kse ang maituturing na 'mall' dito. Ang Abu Dhabi Mall at Marina Mall, maliban doon ay ang Abu Dhabi Cooperative na, pero hindi sya maituturing na mall, mas masasabing isa syang supermarket.
Last month, may show sa Abu Dhabi Mall, pirates. Ewan, basta may mga lalaki at babaeng nagsasayaw. You have to pay around Dhs. 15/- (Php. 200/-) para kunyari magtetraining kayo like pirates. aakyat sa puno maglalambitin, tutulay sa hanging bridge, face painting at iba pang art stuff.
Hindi pa naman pwede kay Pao ang mga ganon. Baka ako pa ang ibitin ng asawa ko sa gitna ng mall kapag ibinigay ko si Pao sa mga pirates para patulayin sa 2.2 meter high na hanging bridge na yun. Ayoko rin subukan ang face painting nila at baka magka rashes ang bata, bakat ng sampal sa mukha ang magiging face painting ko. (aray! joke lang!). Kaya naglibot libot na lang kami, cam-whored a bit. At hinayaan namin syang magtatakbo sa loob since it's still early at wala pang masyadong mga tao. Minsan na kseng nabunggo si pao ng nagdadaan at muntik ng tumumba, maniwala ka salamat at hindi napansin ng asawa ko at akala nya mabuway pa lang talaga si Pao dahil kung hindi, manghihiram sa bakulaw ng mukha ang babaeng yun. Hindi masosolusyunan ni Vicky Belo ang mukha nya dahil di lang sampal at sabunot ang matitikman nya sa asawa ko. Ok pa ako eh, pero si Jovel hindi sumasanto kahit sino yun basta nasaktan ang anak nya. Kahit ako.
Here's some pics for you.
Pirates' ship!
I love malls!
I'm just chekin' it out Dad. Not gonna buy you one!
Daddy's precious!

Read Users' Comments (18)



Kung may isang bagay kaming madalas pag awayan ni Pao, yun ay ang paliligo. Hindi dahil sa ayaw nyang maligo, kundi dahil sa ayaw na nyang umahon.
Nung bagong panganak pa lang sya, sa ospital pa lang itinuro na ng mga nurse sa akin kung paano paliliguan ang anak ko. Akala ko magiging napakahirap dahil sa kapuputol lang ng pusod ng bata at sadyang napakaliit nya (2.7kg lang si Pao), hindi naman pala. We usually bathe her every other day. Pero ng masipon, sinabihan ako ng doktor na gawing tuwing ika-tatlong araw. Hindi naman daw naglalaro sa lupaan ang sanggol.
Minsan nga nanghihinayang ako na hindi ko ata na enjoy yung panahong 'napakaliit' pa nya. Basta ang alam ko lang nag celebrate na kami ng 1 month tapos para na syang hinipan ng hangin to whoopping 14kgs ngayon. Hindi mataba ang anak na parang dabiana, pero siksik sya at mabigat ang mga buto.
Naalala ko kung gaano ako ka careless kay pao non (plus the fact of having PPM), kung buhatin ko, kung iugoy ko sya, alam ko.. hindi as caring tulad ng ibang nanay. And after 45 days, para na lang syang isang stuffed toy na nakahiga sa crib. Makikita sa umaga, makikita uli sa gabi.
Sa murang edad ni Pao, alam nya na ang mood swings ko. (opo. bata ang nag adjust) alam nya kung kelan sya magiging makulit, alam nya kung kelan sya dapat tumahimik.
Kagabi, at around 1am (umaga naaaah!), hindi pa rin sya natutulog at naghaharot pa rin, sinabi ko sa kanya na "papaluin na kita pag di ka pa pumikit, isa!". Gusto kong sabihin sa sarili ko..helloooo, isang taon at kalahati lang yang anak mo, intindihin ka kaya nyan, noh? Pero, tulad ng laging nakakagulat sa kanya, para akong nagsalita sa limang taong bata...pumikit sya kahit medyo kukurap-kurap ang mata at nangingiti, pero pumikit sya, at natulog.
Kapag narerealize ko kung gaano kabait ni paolyne, never nag alboroto, never naging demanding, never namerwisyo, at napakalambing, talagang lagi akong napapausal ng panalangin. Lagi ko kasing dasal noon, na sana gawin syang mabait na bata ni Lord, na matalino. dahil hindi kami mayaman, dahil tanging sipag at talino ng bata ang magagamit nya sa paglaki.
Sana, patuloy syang lumaking mabuting bata.

Read Users' Comments (13)


Mag popost na ako. Paninindigan ko na kse na hindi ako mag bablog kung di rin lang breaktime at uwian. Ayokong mandaya sa oras ng trabaho (whoooooo!), baka maisumbat kse sa akin ang ibinabayad. Baka maging kalugihan imbis na biyaya. ok, whatever.
Ramadan pero para kaming mahal na araw sa trabaho. Kasi hindi kami binigyan ng 2 hours less working time ng amo. Baket? Ewan ko rin eh. Di na maarok ng isip ko. Kaya feeling pinitensya kami dito sa trabaho. Ok, sa akin walang problema. Kasi kahit ng 12 hours hindi matapos ang trabaho ko. Continuous naman kse ang dating ng work sa akin. At since multitask ang lola nyo, walang epek ang Ramadan season kesehodang tulog ang ibang kumpanya kapag ganitong panahon.
Mas di nga ako makagawa ng maayos ngayon dahil laging nakatunganga sa office ang mga executives ko. Whaaaaa!
Ok i'll leave that, dahil di ko na teritoryo ang lugar na to. Si Paolyne ang reyna dito eh. eheheheh. Dun nyo ko bisitahin sa lungga ko kapag tungkol sa seryosong (huh?) usapin.
Kagabi, I was trying the result of cause and effect chuchuchuva kay Pao. Therefore please conclude na napapraning na naman ang nanay nya. (nyihihihi. pati anak pinag experimentuhan).
Anong experiment: Tolerance

Tatlong araw ko nang ginagawa ito, simula ng magpart-time si Panday (from 2-11pm). Isang buwan kaming walang daddy for few hours, nag tatrabaho ang asawa kong mahal as telephone operator sa same building namin. hehehehe. talking about politics. neyyeyeyeye.
Ok. Unang experiment. With Toys. Hinayaan ko syang maglaro for 4 hours (6-10pm), with toys. Hinayaan ko kung ano ang gagawin kapag buryong na. Anong ugali nya pag ayaw na sa laruan. Ano ang gagawin nya pag bored na sya sa iilang laruan sa harap nya .
Result: Hindi man lang tumagal ng 1 hour. Ayaw na. Ibinato, tinatapakan, binabalibag at umiyak. at ang ending ..."dede"(bottled milk)
Pangalawang experiment: Playing alone. Meaning walang kahit anong medium, basta kung ano lang ang mahawakan, basta laro lang sya mag isa. takbo, jumping, kalikot dito kalikot dun. Pindot dito, pindot dun. Run from one room to another room.
Result: Tumagal ito ng at least 2 hours. May pagkakataon pa na nauupo lang syang mag isa. Kumakanta. Nagsasalita. Kinakausap ang kamay. Kinakausap ang chinelas. Kinukuha ang chinelas, inihahanay uli sa magkakaibang posisyon nga lang. Pupunta sa kwarto ni Papsi, manonood sandali ng TV, kakanta. tatakbo uli sa kwarto namin, kukuha ng laruan. Itatago sa likod ng tv. Tatakbo uli, sa kusina. Titignan yung maliit na drain kung may tubig na umaagos. Tatakbo uli. Uupo. Ang ending? "dede"
Pangatlong Experiment: Playing with mom. Ay. Ito ata ang pinaka peborit nya. Pero hindi lang basta harutan ha. Playing with toys, mimicking, singing, dancing. Bubuhatin ko sya, iikot kami ng mabilis. Pareho kaming babagsak sa sahig na hilong hilo, pero tawa sya ng tawa.
Result: Masayang masaya sya talaga. Pero talagang drain ako after. Ang ending nito. Sa bed na kami, manonood ng tv, tahimik pangiti-ngiti lang. At dalawang "dede". At ako? drained.
At ang pang-apat: Ang tumahimik lang. Basa ng books. Nakaupo lang. Nood ng tv. Walang masyadong physical activities. Usap lang kami, hinahayaan ko syang magsalita kahit di ko naiintindihan. Basta kalmado lang.
Result: Nakakita ka na ba ng kiti-kiti? Kinsot-ng-kinsot ang katawan. Uupo tatayo. Tatawa. Iiyak. Masaya sa una, maya-maya inis na. Mamaya dede uli. Pag commercial tahimik, manonood. pag palabas na, bahala ka na sa buhay mo.
Haaay. Masayang experiment. Pag naiisip ko tuloy, ako ba ito? Naiisip ko pang gawin ito makilala lang ang anak ko. Hindi kasi mahaba ang oras namin para sa isa't isa. Kaya best effort ako to know her likes and dislikes. At ang tolerance nya sa mga bagay bagay to avoid ang tantrums at para mas lalo ko syang maintindihan.
Walang oras mag blog. Whatever.

Read Users' Comments (9)

Weekender post. Happy weekend na naman for us here in Middle East. Di lang yan, from Saturday (or Sunday? depends on the moon kaya pakita ka!) ay simula na ng Ramadan. Usually pag ganitong panahon half day lang ang duty ng mga workers, maliban sa mga laborers na hindi naman kasama sa mga nag pa-fasting. Kami? Fasting na nga araw-araw (gutoooom!) mahaba pa rin ang oras ng trabaho. Hmp!
Pag ganitong panahon kse nagbibigay ng product training ang kumpanya, at op kors kasama ang lola nyo. Ay ewan. Wish ko na lang na sana hindi naman para sa buong buwan para makapagpahinga naman ang lola nyo.
On the other hand, since maraming nagtatanong (kunyari.ehehehe) kung kanino ba nagmana ang batang ire. Eto ang mga naggagandahang piktyurs namin (asus!).
Mainam pa kayo na lang ang humusga!!! Sinong cuter than cute. ahihihi (ang kaaaapaaal no?)
P.s. Pasintabi na lang sa mga kumakain, kung medyo nawalan kayo ng gana sa mga porma namin. ehehehe. Pagtyagaan nyo na pleeeease.



Read Users' Comments (12)

May dumapong magandang dalaga sa bahay namin kagabi. Mmy Lei next time sama na ako sa jogging mo (narinig mo naman ang sabi ni Panday diba? ehehehe. pacute lang ako kagabi!)

May isang bagay na nakapagpatulala sa akin kagabi.

Isang sentence lang ang sinabi ko...."Pao, we'll go to sleep na ok?"....sagot ng iling sabay.."Ayaw!"

Huuuuwat? Kelan pa natutong sumagot ang anak ko? huhuhuhu. Susunod nito boypren na. huhuhuhuhu.

Parang kelan lang...

Read Users' Comments (15)

Separation anxiety. Yun na nga ang nararanasan ng anak ko ngayon. Kagabi, pagdating ko galing "ufis" (sagot yan ni Pao pag tinanong ng "where's mommy?") isang door bell pa lang daw nagtatatalon na ang bruha at kahit hindi pa nya nakikita kung sino ang nasa pinto nagsisisigaw na raw ng "mommy"! Pagkakitang-pagkakita nya sa akin takbo agad sya papalapit. Yumakap sa hita ko saka tumakbo ulit papasok naman ng kwarto namin na para bang inuunahan na ako.
Grabe yung pinaghahalong feelings ng ganong sitwasyon. Masaya dahil masarap ang yakap at halik na galing sa isang sabik na anak, malungkot din dahil kailangan nyang magkaganon sa dahilang di nya ako nakikita sa maghapon.
Lagi nilang kumento iba ang ugali ni Pao kapag wala ako sa bahay...na malikot daw, toyoin, pabuhat at minsan pa nanghahampas. Minsan din ayaw kumain. Pero kahapon habang nanonood kami ng TV, tahimik lang syang naka-upo sa likod ni "dowgie" (stuffed toy na aw-aw). Tanong nga agad ni Panday "bakit tahimik yan?". Ewan ko pero ramdam ko yung pagka-relaxed nya. Lumilingon lang minsan sa akin at saka ngingiti. Minsan biglang lalapit at saka hahalik. (alam ni Mmy Lei yan kung gaano kalambing si Pao)
Iba ang ugali ni Pao kapag nasa bahay ako, malambing, makulit pero kampante. Iba "daw" kapag sila-sila lang. Minsan nananakit pa.
Well, iba lang talaga siguro ang haplos ng ina. (ehem)
P.s. Tenchu nga rin pala sa mapagmahal na Tito Kneeko at Tita -MmyLei para sa mga goodies na ito. Tenchu sa pagmamahal nyo sa baby ko.

Read Users' Comments (17)

Nasa "clingy" stage na ang anak ko. Panahon na talaga namang napakahirap ata. Palagi na lang may iyakan sa bahay. Kung umiyak pa naman ang bata ke tinis tinis ng boses. Pakiramdam ko lahat ng nerves ko nabubuhay! Kahit umebak di mo magagawa ng walang utuan, hirap lalo na kung go na go ka na. Pag lapag talaga ng wetpaks mo kay Doro, success agad!
Kahit sa pagtulog, paiyakan.
Si Paolyne ay may sariling higaan (kutchon). Malikot kasi syang matulog at di sanay ng nasisik-sik. Di bale na sya ang sumiksik, wag lang sya ang gigitgitin. Noon ok sa kanya yon. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon!!! Di sya matutulog kapag hindi sya sa gitna namin ni Panday.
Kaya laging ngitngit ni Panday, "lugi negosyo" (ahehehehe). Kasi nga naman, lahat ng gawaing bahay at lahat ng rikutotos na pwede nyang gawin sa maghapon para "magkareward"(oppps, dapat ata sa kabilang bahay to) sa gabi eh ginagawa na nya. Pero kung nga naman madaling araw na matulog ang chikiting at sa gitna pa ang gustong pwesto, e lugi nga naman sya. (ehehehhe). Naawa naman sya sa akin na i-claim agad ang "reward" nya dahil puyat na akong lagi. Nagiging antukin tuloy ako at anlaki na ng eyebags.
May newsletter akong natatanggap thru email regarding child developments, at last week ang pagiging "clingy" nga ng isang bata at the age 1 to 2 1/2 years ang tema. Usually, ipinoforward ko ang newsletter kay Panday, para sya na lang mismo ang makabasa. Kaysa i print at dagdag kalat sa bahay.
Iniisip ko, kung yung pagpunta nga sa CR, paglabas ng bahay, pagpunta sa kusina, laging nakahabol at iniiyakan ni Pao, paano pa kaya ang mahiwalay sa higaan...at ang sabi within 1 year old till 2 going to 3 years old pinagdadaanan ng baby ang ganitong stage.
Tsk. tsk. tsk. Palagay ko, may magwawalang asawa pag uwi ko ng bahay mamaya.
(Pao holding her baby doll "bebe")

Read Users' Comments (6)

Absent ang lola nyo kahapon. Kse po ang prinsesa ko nag alburoto magdamag. Biling-baligtad, hindi makatulog. Iyak ng iyak at pinuyat ang sangkabahayan.
Dahil sa ....kabag!
Maghapon kseng nag lagalag ang mag lolo sa mall. Palagay ko dala ng humid sa labas at lamig sa loob ng mall, kinabag ang luka. Ayun! Hindi kami pinatulog mag asawa kinagabihan. Sinisinat na kseng madalas dahil sa pre molars na tumutubo. Hindi ko na masyadong pinapansin dahil alam kong 'normal' lang ang ganon sa bata.

Sinisipon pa kaya lagi syang irretable.
Pero nung mag iiyak sya ng nakaraang gabi, alam ko iba ang nararamdaman. Nung una pa ingit-igit lang. Tas umiiyak na. Si Panday ang umaasiste dahil araw araw na nga akong late matulog, di bale sana kung wala akong work the next day. Pero ng mag 4am na at irritable pa rin si Pao, halos balibagin na ako ng unan kaya bumangon na rin ako.
Alas dose pasado na kami ng mahiga, ala una na ng matulog silang mag ama tinapos pa ang dvdng pinapanood.
Alas tres y medya ng mag alburoto si Pao, alas cuatro pinabangon na ako ng mokong kong asawa. At alas sinko y medya ng mailabas ng prinsesa lahat ng hangin sa tiyan niya. Paano pa ako papasok sa trabaho non?
Tulog kami halos the rest of the day. Pahinga to the max, kaya kagabi ako na ang nauna sa higaan kasama ng prinsesa ko, dahil kung hindi baka puyatan na naman kami.
-->> ng mapatahan ko si Pao ng umaga, at magdesisyon akong di papasok, namulat ang mata ng puyat na puyat kong asawa. Ano daw ang himala? Kasi dati kahit nilalagnat na si Pao, at ngarag ako sa puyat, pasok pa rin ako sa work, monitor sa yaya by phone pero trabaho pa rin ako. Ano daw ang nakain ko at bigla akong umabsent, samantalang siguradong matutulog lang ang bata mag hapon at nandoon naman sya.
Hmp. Nanay ako. Yun ang unang role ko. Yun ang unang gagampanan ko. Maraming trabaho pero iisa lang ang anak ko (at di na balak sundan! Mahirap ang buhay), kaya wala akong pakialam kahit pa nga parating ang may ari kahapon (hinanap nga daw ako, akala papasok ako sa hapon, ganon din naman yun, isang araw na bawas sa sweldo dahil di naman sick leave at wala naman akong certificate, so bakit pa? E di matulog na lang ako mag hapon.)
Saka mas mahalaga sa akin yung mga yakap ng anak kong umiiyak no!
Nga pala...courtesy of Mmy Lei to. Nung nasa pinas si Pao, mga kuha while chatting with me.
P.s.: Wag nyong kalimutan dumaan sa aking bagong haybol ha. http://sensationalistic.blogspot.com/ tambay kayo don paminsan minsan.
Have a nice day!

Read Users' Comments (11)

Paano mo ba masasabing mabuti kang nanay?
"Kahapon, ang gaan gaan ng feeling ko. Kahapon akala ko, sa amin lang ng bunso ko ang mundo. Kahapon, naramdaman ko...isa ako ina."
Madrama? Actually, masaya.
Ito lang linggo na ito ang kahit napaka-busy, pero pinaka organisadong linggo namin bilang pamilya. Nagawa kasi namin yung mga bagay na gusto naming gawin.

Sinimulan ng busy Sabado. Prayer meeting ng linggo. Binisita kami ng mga MT sa church ng Lunes. Grocery ng Martes. Samba ng Miyerkoles. at nung Huwebes (half day ang office duty), nakapagdate kami ni Panday (special thanks kay Tatay na nag alaga kay Pao ng gabi).

Kahapon, Biyernes...ang big day naming mag ina. Madalas na late na ang tulog ni Pao, kaya kahapon (ala una na sya nag meme), alas-10 na ng umaga, humihilik pa ang prinsesa. Hilig ni Pao ang nag iinin sa higaan pagkagising (na nagbabadya ng pahirapan pag nag eeskwela na!) Gusto nya pag mulat ng mata nya, ge-greet mo muna sya ng "Good Morning", hahalikan halikan mo sya. Itataas nya ang paa nya, ikikiss mo sya sa tuhod, sa tyan, sa noo...malambing kasing bata si Pao, tawag ng kuya ko..pa pampam. (pa pamper)
Nung nahimasmasan na sa kanyang 10 hours beauty sleep, pinalitan ko na ng nappy at damit, nakaready na rin ako dahil alas-9 pa lang (2 am na kami natulog ng mahal ko, dun ko na sa kabilang bahay ko ikukwento! awww) nai plano ko na na lalabas kaming mag ina. Kami lang!
Tuwang-tuwa sya ng maramdaman nyang palayas kaming dalawa, jogging pants at sando. Inistepinan ko lang. Ready na kami!!
Kapag kse kasama namin ang tatay nya, pihado kung ano lang ang kailangang bilhin, yun lang ang kukunin, yun lang ang gagawin. Pero kahapon, pag dating palang ng entrance ng Cooperative (supermarket sa Abu Dhabi), may mga rides nang pambata (Dhs. 1/- isang ride), isinakay ko muna sya doon at ska kumata kanta. Kitang kita ko sa mukha ni Pao yung excitement! Hinalikan pa ako sa pisngi after ng ride nya. Saka ako kumuha ng cart.
Tuwang tuwa syang nakasakay ng cart. Naaalala ko na ganon din ang feeling ko kapag nag e-SM kami ng mga nanay ko noon, sakay sakay ng cart habang tulak tulak ng kuya at nanay ko.
Ilang oras din kaming palibot-libot, bili ng mga ilang pirasong damit at personal na gamit. Actually, wala namang masyadong mahalaga sa mga binili namin, ilang tuwalya at bimpo para sa kanya, mas nagtagal kami sa mga laruan. Tinignan lang naman (ehehehe!), hindi pa rin naman kse angkop sa kanya. Pero kahit iisang laruan lang ang binili namin, ramdam ko kahapon yung saya nya. Lalo na nung pakawalan ko na sa loob ng mall, dahil biyernes, iilan lang ang tao sa loob kaya malaya syang nakatakbo-takbo!
After 2 hours nagpasundo na rin kami kay Panday, inabutan kami ng sa'allah (prayer) kaya kakaunti ang taxi, mainam na may resbak at may bitbitin pa.
Pagkakain ng tanghalian, konting laro, linis na naman ng katawan...tulog uli kami. Nga gabi, dumalo kami ng pulong (church) kung saan may konting salo-salo, dinala namin sya sa mga pinsan ko. Kagabi, ang pinaka mabilis at pinakamahimbing na tulog ng anak ko, nakita ko syang ngingiti-ngiti, tinabihan muna kse namin syang mag-asawa hanggang mahimbing.

Iisang araw, iilang oras...napakabilis na mag hapon. Pero alam ko, masaya ang anak ko. Sa unang pagkakataon, nalaman ko yung meaning ng 'quality time'.
---> balik-tanaw: picture ni pao nung 7 months old pa lang sya

Read Users' Comments (7)

Hideaway.
May ginawa akong isa pang blog. Oo na. Madaldal na. Balak ko atang tumakbo sa 2007 election bilang Presidente ng mga Metro Aide sa Pilipinas. Kaya mas mainam na mas maaga pa lang makilala na nila ang magiging pinuno ng kanilang hukbo! Whahehehehee!
Wala. Nagka-oras lang ngayong araw kaya nakabuo pa ng isa (parang baby? biglang nabubuo?). Sabi ko naman sa inyo noon, nahihiya ako sa anak ko na paglaki nya mababasa nya dito sa PM ang lahat ng kagagahan ko kaya makagawa na ng sariling espasyo at ng puro update na lang kay Pao ang mabasa nyo dito. (may blogger pa kaya noon? O libre pa kaya ito?)
Dito, kahit magpapalahaw ako wala na sigurong sasaway. Aheheeh. Dito mai-popost ko na ang pinakamimithi kong 2-piece bikini ala Eva Longaria! Awoooo. (maitim na balak mga tol'!)
Pag may oras kayo, dalawin nyo ako sa bagong lungga ko. R-18, for adults only. (Baket kaya? dahil sa 2-piece?)
Kung ayaw nyo namang pagsisihan ang buhay nyo eh...wag nyo ng i-click yan. ahehehehe.
Sa mga kamag-anak ko na nagbabasa ng PM at kay Panday na laging nakikipag chat ngayon sa kung sino mang yun sa pinas at kinakarir na rin ang pagbabasa ng PM, wag mo na ring dalawin ang bago kong blog. Baka kasi annulled na pala tayo pag uwi ko ng bahay may kasama pang kutos! (wag naman mahal, ay labs yu diba?)
Have nice weekend guys!(Opps, weekend sa mga taga Middle East, pagbalik ko sa Sabado, have a nice weekend na para sa mga taga Asia, US, Europe at iba pang eklavu.)
(P.s.: Good luck sa akin kung hindi ako mabatukan ng asawa ko pag uwi kapag sinimulan ko ng dumaldal dun, aheheehhe. Bespren Anna, eto na yun.)

Read Users' Comments (6)

Busy as a bee!!! (WARNING: THIS IS A VERY LONG POST. PLEASE BRING YOUR OWN POPCORN!)
Opps, di ko kasalanan to ha. I was really avoiding blogging during duty time pero wala kaming connections ngayon at nasa meeting ang IT manager. Alangan namang tumulala ako sa isang tabi, e nakatutok sa akin ang camera. Baka mapanood ako ni amo na nag deday dreaming e di mas mainam ng patipa tipa (huuuuu! Paluuuusooot!)
Weekend na naman kami bukas. Lumipas ang ilang linggo ko na parang hinihipan ng hangin. Natatapos ang araw ko ng midnight na. Minsan, di pa ako patulugin ng mag ama ko. Palibhasa mga walang pasok (naghahanap ng work si hubby---kung kailangan nyo ng macho dancer, private lover, masahista, manicurista, taga kulot---available si Panday ko!hehehe!! Per hour po ang charges+tax+EVAT, libre isang kiss bago umuwi!!)
Nalusutan ko na ang ilan sa mga problema ko. Mejo malakas pa ako dun sa nasa Itaas. Prayers ko na lang manalo ako ng 10Thou Dhs sa Coop at ng maka uwi na.(di naman sugal yon kaya di bawal ipag pray, raffle naman yon kapag nag grocery ka eh.)
Kahapon, mejo nagkatampuhan kami ni Panday. Di naman lumaki, talaga lang pareho kaming bingi kaya madalas ang sigawan ang usapan, pati si Pao nakikisigaw, sabay ngisngis, alam nya siguro na na-aaning na naman ang mga magulang nya.
Nagkainisan kse kami about sa bagong nag aalaga. Nag aadjust pa kse kami sa pakisamahan dahil stay in sya. Lalo na si Panday na masyadong pribado ang buhay. Ang bahay kasi para sa kanya ay para sa 'pamilya'. Nahihirapan syang mag adjust kapag may ibang tao. At lalo pa nga kung intindihin pa (papers). Protocol kasi sa bahay (at bilang pag galang na rin) na magpaalam ka sa tatay ko o sa kasambahay kahit ba bibili ka lang ng kamatis. Nag pamedical kse nung makalawa ang yaya, kahapon ang release ng results at kailangan nyang dalhin sa sponsor ang papers para maitatak na ang Iqama. Kahapon, after nyang makolekta ang papers at madala sa sponsor, dumerecho pala sa kaibigan. Hanggang 2pm lang naman ang service nya sa amin, pero 12:30 pa lang kse umalis na. Nakalaba at nakaluto naman na ng tanghalian, pero hindi nagpaalam ng maayos. Kaya si asawa, nagtatanong sa akin kung tumawag at nag paalam ba.
Kaya kahapon sa kalagitnaan ng tensyon at pagmamadali ko sa trabaho, sinasabon naman ako ng isa ko pang amo (si Panday) kung binigyan ko raw ba ng tamang instructions ang yaya dahil hindi na nya alam kung nasaang lupalop ito. Alas-cuatro na ng hapon, at ni ha ni ho ay di naman nagsabi kung saan pupunta maliban nga sa ospital.
Kaya dikit na ang kaliwang tenga ko sa telepono (office main line), dikit na rin ang mobile (cellphone) ko sa kanang tenga (no wonder bingi na ako eh.) Sama na ang stress, pag aalala, kabusyhan sa trabaho, tension at lahat na ng eklavu sa buhay, nagpanting na ang tenga ko kaya kami ng mag asawa ang nagsigawan.
Tanong ko tuloy, tama pa ba na ipagpatuloy ko ang serbisyo ng yaya kung kay Panday din lang naman madalas maiwan si Pao? (mahaba pa ang wento pero si yaya kse ay yaya rin ni Pao sa pinas nung mag stay sya dun ng 2 months. Kapitbahay at kaibigan ng mother-in-law ko.)
Iniinis tuloy ako ni Panday na sya na lang daw ang bayaran ko kung laba, luto at palansta rin lang since ang trabahong hinahanap nya ngayon ay sa gabi at part time lang. Meaning, marami syang time para magawa ang lahat.
Sabi ko naman ano ang labas mo? Houseband? Hindi daw ganon ang punto, malaki kse ang Php. 9,450 na ibina bayad sa yaya (AED. 700/-) bahay at kain pa para sya rin ang gumawa ng rest ng trabaho. Naiiyak na nga raw sya at gusto nya ng patayin ang sarili nya gapag umuuwi ako ng hapon na parang nginuyang luya. Kung meron na nga daw syang trabaho at kung kaya nya nga lang na buhayin kaming mag ina ng maalwan, hindi daw nya gugustuhing makita ang naglalakihang eyebags ko, ang kinakalyong paa, at ang di maasikasong sarili.
Malaki na nga kakong tulong ang yaya dahil sya na ang naglalaba at nag luluto at nag aasikaso sa bahay. Ang sagot ng asawa ko: tayo rin ang gumagawa nyan noon, nagtatrabaho pa sya noon, kaya naman, anong nabago? Kaninong convenience ang bagong set up? sa akin o sa yaya?
Naguguluhan ako. Ending, pity na naman ako na baligtad ang lahat. Ako dapat ang nasa bahay, ako dapat ang nag aasikaso sa anak ko, ako dapat ang nagluluto, naglalaba, namamalansta. Ako dapat ang nag aasikaso kay Panday.
Pero ang lahat baligtad. Hindi naman magtatagal, makakahanap na uli ng trabaho si asawa, iniintay na nga lang yung tawag. Pero, yung nangyari kahapon, naguiguilty ako.
Umuuwi ako inihahain na lang sa akin ang pagkain. Labada na ang damit, planstado pa nga. Malinis ang bahay. Maayos ang anak ko. Ano pa ba ang mahihiling ko? Kapalit nga lang ng lahat ng kumbinyenteng sitwasyon na ito ay ang kumayod ako.
Nasabi ko tuloy kay Panday, sa susunod na taon, ayoko na muna. Mag nananay muna ako. Kasi ang mas masakit sa lahat:
-Kay Panday ang takbo ni Pao kapag nasasaktan sya.
-Kay Panday ang subsob ni Pao kapag tinotoyo sya.
-Si Panday ang tinatawag kapag matutulog na.
-Si Panday ang mas nakapagpapatawa sa kanya.
Malambing din sya sa akin, sa totoo lang kapag dumadating ako galing trabaho, maikukumpara mo sya sa tutang kakawag kawag ang buntot. Excited kapag nakita ako, sabi nga nila nagbabago ang ugali kapag nasa bahay ako, nagiging maarte at malambing. Laging nakakandong sa akin. Pero ang mga kilos nya, tulad ng nasabi ko (i.e. nadapa, nasaktan), kay Panday ang unang takbo nya. Ok fine, katangahan tong iniisip ko. Pero hindi ba dapat ang nanay ang taga comfort?
Ewan. Nalilito talaga ako. Mababaw na problema kung tutuusin. Malinaw naman sa akin ang lahat. Magkabaligtad dahil ako ngayon ang may trabaho, masakit din kay Panday pa minsan dahil alam nya na wala syang magawa sa ngayon. At ang nagiging responsibilidad nya ay ang bahay. Bagay na malaking insulto sa mga kalalakihan, lalo pa nga kung nakapisan kayo sa bahay ng tatay ng asawa mong babae. Minsan daw nahihirapan syang lunukin ang pagkain. Dahil nga baka sabihin ni tatay ko, "anak ko ang pinag tatrabaho mo". Naiintindihan ko rin naman kung bakit sya iretable, di ko na nga lang magawang mapag isipan dahil nga sa long working hours at demands sa trabaho. Masyadong nakakapit ang systema sa akin ng trabaho dahil mahalaga ang ginagampanan kong role (reklamo pa sila sa asking price ko, mga lenggua!)

Nakakalito talaga, nakakabahala. Ewan. Nakakamiss tuloy, dahil wala kong nanay na magpapayo sa akin, wala akong mapagsabihan ng mga hinaing ko. Blog na lang lagi.

P.s.: Dumating nga pala sa bahay ang yaya, alas-11 ng gabi. Nagkayayaan daw kasing mag-libot sa city. aheheheh. Sabi ni Panday --- "ang bait mong Arbab (amo), My! Ako na lang kse i hire mo, may libreng masahe ka pa sa gabi---may kasama pang "lis to lis" (kiss)" at "alam mo na", for free. No extra charges yun ha. (grrrrrrrr)"

Read Users' Comments (2)

Sari saring blog 101

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!

Hihinga lang ako. Last week was so fast na parang pumikit'dumilat lang ako. Hectic ang schedule ng lola nyo dahil month'end na naman. Kanya kanyang pulasan na naman sa office na parang mga dagang naghahanap ng keso.
Mahirap talaga ang business ngayon at kahit pa nga top-of-the-line ang quality ng aming paninda (ano yun isda?), matumal pa rin ang benta. Dala siguro ng may kataasang presyo, samahan mo pa ng walang ka-kwentang management ngayon.
Anyways, I don't want to dwell with it. Bahala na sila, basta work work work ako, kita kita kita, anda anda anda, datung datung datung...dating lang ng dating! at kailangan ko ng liglig at umaapaw na kaban ng moolah! Ilang taon na lang eskwela naman ni Pao ang iintindihin ko.
Blog-o-rama#1: Chikka espesyal!! Itong mga utol ko, kahit ke-layo-layo, parang ke-lapit na rin dahil hanggang dito inuulan nila ako ng latest chizmiz. Tama talaga na ang buhay ay parang gulong. Yung mga dating umaalipusta sa amin (at nagpapa alipusta naman kami! eheheeh parang mga basang sisiw), ay syang mga inaalipusta ngayon. Ewan, may chizmiz ang kuya ko na dahil daw sa pag-ibig isa sa mga kamag anakan namin ang kasama na rin sa listahan ng mga "delingcuente" at isa na sya sa top-nocher na erehe, kasapi na sya sa mga "ousted" sa pamiya. Hay naku. Isa sya sa mentor naming mas nakababata sa kanya. Actually sya pa nga ang pinaka close ko sa lahat naming mag pipinsan. Dala lang marahil ng kakulangan sa pagmamahal at atensyon na talaga namang isa sa pinaka mahalaga sa mundong ito. Bagay na hindi nababayaran ng salapi (pero this time yun na nga ata ang gamit nya). Ewan ko, i don't want to buy love. Ayaw mo wag mo, diba?
Ikaw ang tatanungin ko....magpapakabaliw ka ba..sukdulang perahan ka sa ngalan ng pag ibig?

(P.s. Iblog ko raw ba ang buhay ng sariling kong kamag anak? Praning talaga ako! ahehehehe)

Blog-o-rama#2: Minsan natatakot ako sa mabilis na paglaki ni Paolyne. Ambilis nyang pumick-up, ambilis din mag isip. Kahapon, habang naghaharutan (uyyyy) kami ni Panday. Bagay na nakagawian na namin, yung mag inisan, pillow fight, kilitian at pahiran ng (ahihihihi!) kulangot. Ang baboy no? Oo na, madalas naman na si Panday ang gumagawa ng kulangot fight! Akala tuloy ng anak ko na sinasaktan ako ng Daddy nya. Imagine, kitang kita mo yung pag aalala sa mukha nya, pero pagtawa ko...iba na rin ang reaction nya.
Akala nya kahapon umiiyak ako dahil nasaktan ako, actually iyak yun ng katatawa, pero niyakap nya ako sabay sabi ng "ta--an". May kiss pa. Ganon si Pao kalambing, at 1 year and and 4 months...minsan sa umaga, lalo na kapag nauna syang magising..humhalik halik na yan sa pisngi mo, sa labi. May kasama pang love (hug).
Kapag galit ka sa kanya, iiyak yan pero mag sosorry, di nga lang nya masabi yung word na sorry (wala pa syang letter R). Kapag malungkot at, lalo na kapag may tampuhan kami ni Panday, lalapit agad sa akin yan, himas ng himas sa mukha ko, tahimik lang at ngiti ng ngiti.
Iba talaga sya mag isip, parang matanda minsan. Dala siguro ng puro matanda ang nakapaligid sa kanya. An tanging isip batang nakakalaro nya ay ang Lolo nya at ang Tatay nya! Parehong retarded!
May commercial sa TV (TFC) yung..ENJAZ! Mabilis magpadala ng pera! Ay naku, timing na timing yun...basta nakita na nya...hindi sya mauuna, hindi rin mahuhuli, sabay na sabay sa pagsabi ng narrator na "Enjaz"!
Pag kinanta nya ang "Bituing walang ning ning", yung mukha nya akala mo ba alam nya yung meaning nga kanta, pumipikit, bumibirit, sama pa ang kumpas ng kamay, paupo-upo pa akala mo si Pilita.
Minsan tuloy, akala mo di isang taon. Kaya takot kami ni Panday magloving loving kapag gising pa sya. Kapag kinikiss kse ako ni Panday, kikiss din sya sa akin. Kapag yumakap ang asawa ko, gigit git din sya sa gitna namin.
Andami kong kwento, kaya lang madami rin akong work. Alam kong di na ako makakablog mamaya kaya nga ginawa ko na to'. Excited talaga ako sa mga developments ni Pao.
May picture nga pala sya, nung mga 7months old pa lang sya...babyng baby pa lang si Pao mahilig na talagang magpopose sa camera eh. Ipinadala ko yan sa TFCKat, baka sakali manalo ng $200/- ahahaha! Pero actually kahit walang panalo, mapili lang! Best smile of the week!!
Nung minsan ata, nalasing kasama ng tatay nya. Ayan, wasted ah.

Ayan, senti mode. Nag sa-soundtrip lang!

Read Users' Comments (11)