My dear daughter is growing too fast. Not only by size but also her vocabulary adds 5 to 6 words a day. Yesternight, while trying to calm her to sleep, she told me "Mommy..patay..ko" and pointing her fingers to the lampshade then ask me again "ok?". Its a clear conversation from her that she wants the lights off. After turning off the light, she went to her bed and dozed off.

The other day, my brother was telling me his thumb sores and there might me an ingrown inside. He took the nail cutter and checked it out. Paolyne was beside him watching her fave Barney..she saw my brother examining his thumb and in an instant--she's there beside him telling him "Ouch! Allaaayy! Chakit? ha? ha?"-- who can't resist not to laugh?
We also observed her likes with clothes. Anything. Specially pinks...last time when asked Mmy Lei for a favor to assist for Paolyne since Panday is out (Iran) to exit for his visa... she brought her to the clothes shop just down her building just to entertain her, ...in there she grabbed a sweater, a pink one, and didn't leave it without crying ends up my dear friend paying for it. Thanks Ma! She likes it so much, she wears it everyday.
As young as 1 and 8 months...talkative...sweet...I am not saying this because Im the mother. Everyone could attest to her different-to-a-normal-child-age attitude. I'm not in the house most of the time. I am not with her every hour. But every one I know shows fondness to her and always tells me how blessed I am with Paolyne.
She's known even in department stores, groceries...(my father is always taking her to this places) I sometime get suprises on people who suddenly say hi to her and tell her name and will tell me they met my baby few days ago to this place..to that place..etc.
Panday and I were so proud especially when people says she's a different kind..she knows how to say 'thank you' if you give her something, "sorry" even if you're the one who hurt her, and recently...to say "I love you"...aloud and very clear which she'll end up with a kiss on my lips.
Lovely.
She's my inspiration. She's my strenght. And by the way, she knows now how to pray. ehehe. Ok she just murmurs without a word to understand but she close her eyes and bows her head and have her hand clasps on her chest. ehehhee. (daily praying with her before sleeping...)
I love her so much.
My diva






























My Princess


















My me? What is she doing with my bra? (ahahahaha!!!)

Read Users' Comments (17)

My brother safely arrived from Phils. to Dubai last Wednesday evening @ 9:45pm and reached Abu Dhabi almost 2:00am of Thursday. He got delayed (he suppose to reach an hour earlier)due to some baggage mishap.

He patiently waited for his carry bag for almost an hour (conveyor), before deciding to report its missing...to find out that the baggage attendant forgot to load it in the conveyor. hehehe. imagine his face seeing the bag just beside the baggage staff's office door. furious-red.

Anyways. Still thankful he's ok. But even he doesn't have sleep for 2-days straight (excitement and stress), he can't have an eye-shut and just lied on his bed for 2 hours before I heard him snoring.
That means...I only got 3 hours sleep before my alarms starts shouting...whaaa. (I got work the next day)
I'm happy still, no sleep or with sleep..I'm happy anyways..he's with us now.
Next day (Thursday) and Friday was bit busy...He got up early Thursday and asked my Father to give him tour. They brought him in Corniche, visited me in the office...and went to Marina Mall to have coffee.
Afternoon, he got nap, woke up @ 5:00 and ask me to come with him for online chat...almost cry for him and his wife. Seeing both of them feel like kissing the computer monitor and Ate Chay shedding tears as he says ..."I miss you already...I can't sleep".
I can't beat it. My husband..got so worn out by the morning walk and whole day attending to my brother's needs didn't come with us and have his self some nap (some nap? he's unconscious for 3 hours! eheheh)---see? I got no one to hug that moment. huhuhu.
Yesterday was a happy day...we all chit-chat in my father's room and just listen to music (he's a catholic..hhehe he brought some x-mas cd)..relax for a while and went to church in the afternoon...all of us together.
Blissful moment, really. Only few loved ones missing and we're almost complete. (My brother, my SIL and my nephew)
Only thing I am so busy..I wasn't able to fulfill my church duties...me-on-mess!
I'll upload all the photos next time.

Read Users' Comments (2)

Another family member will be officially added to OFW Pamilya Tree this evening...my eldest brother is coming to town (not Santa!)

Welcome Bro!

Read Users' Comments (6)

Quite hard to update this days....too busy. To busy to even pee. eheheh. not really.
Hindi lang sa office. Pati sa bahay. Things are rolling up fast. Pati sa church. Mejo mellow down na naman ako. Hindi ako masyadong nagpapakita aside of days I'm required to attend.
Pati sa jogging ko. One week no jogging. But we did a lot of walking though. Ok na yun.
I lost 4lbs in one week, would you believe. I can't too. Pero hindi kse napapansin ang pagpayat ko sa mukha eh. Eversince kiddo naman chubby ako. Like Pao. Yeah. Pity. Wla na akong masyadong pictures to see the resemblance. No. Wla na pala akong pictures nung bata ako.
I made this albulm. Red-hard-covered album nung bago ako mag 18. Kse nga I want all my memories to be gathered. Maybe I knew I'll get married young. Pero I dunno. After the family clashed, and my mom moved away...lahat ng yun nawala.
Ewan.
Kanina lang I realized I don't have to worry about the food. Kse nga gusto ko tuloy tuloy na to. I just had a week jogging (last alst week pa yun). Tas, minimal sa food. Less chips. Less...very very less cola. Almost no cola. Apple juice. 55kilocalories. Ok na for a day.
Opps. Hindi ako nagiging vain ha. Pero yung maturingan kang mukhang kakapanganak pa rin, to think Pao is turning 1 and 7 months na. hello mag dadalawa na sya. Nagsasalita na nga ang anak ko in a conversational manner at eto ako, mukhang post natal pa rin.
Nakakita na nga ako ng solution. Kse nga beggars can't be choosy meaning I can't spend so much with my food. Taking grilled veggies and grilled steak everyday, naman. It cost half my salary a day. Pero kaninang lunch time..wandering around the office. Nakita ko may branch pala ng Subway malapit sa office. Whew! Ang saya ko.
I used to buy salad from resto behind the office. Charging 25Dhs per serving. Kanina sa Subway, isang service is just 12dhs. Sheesh! Pag kumakain ako sa resto, almost 30dhs ang kailangan kong bayaran. Pero kanina nga, ayun. They even have less fat sandwiches and yun nga salads. Great day.
Maya, jogging uli. Sarap ng buhay. Mahirap pero masarap. Busy pero ok lang. Bait ni Lord for keeping us alive and even letting me worried about losing weight and putting back weight and jogging and diet.
Hah!
To think some people were dying without anything in their stomach. At eto ako, isa sa mga guilty about sin glutony. Kaya nga.
Isa pa. Napapansin ko rin naman. Hindi na ako madalas madepressed. Di ko na rin naiisip pakamatay (ahahaha. gaga ko noh). Hindi na ako mainitin ang ulo. Hindi na rin pikunin. I can just laugh at anything and able to control my worries. Siguro nga. Healthy diet and good rest lang talaga ang kulang. Plus of course yung faith na God always protects and always help.
Ewan.
And Panday, he's really a great help lately. Being so patient. About taking care of Paolyne. Taking in-charge in the house. Tas he keeps on encouraging me pa on having time for my self. Tas madalas pa sumasama sya sa jogging. He holds my hand which he don't usually do in public. Ayaw nun ng PDA eh. Pero lately,...hmmn. Mas gusto nya kasama ako. Kahit sa pag gimmick. Kahit sa CR lang ahahahaha! Bahooo!
He says I love you madalas. Kahit nanonood lang ng TV. He even asks me to give him hugs in the mid day. Or call just to say hi and kamusta sa office.
He's growing up. I know. Hindi na rin kse sya mainitin ang ulo. Hindi rin pikunin. hindi na rin masyadong selfish, wag lang pagkain ang usapan. Kagabi umubos sya ng 2 mangkok ng goto. And still inaagaw pa nya yung laman ng goto ko. Ahahahah
Friday we just had some good time outside, sa park. Masayang masaya yung mag ama sa slide. Tas sa spring Dino. Pati si Panday nakasakay. Nice day. Not so warm not so cold. And then he had a 3 hours nap. Nap pa ba yun?
Di ako nakatulog. Parang suddenly everything is ok. I don't feel tired. Nakatingin lang ako sa mag ama ko habang nagsasalimbayan sa pag hilik.
Haaah. I know all of the hardship...lahat yun will pass. Malakas ang faith ko. We're being tested but we have out faith. Oo, sometimes nakakatulog kami without even praying (together) pero I know, deep in our hearts in our thoughts (I do), nag sasay thank you kami for the day.
Anyways...have a nice weekend everyone.

Read Users' Comments (4)

I love you more...Day by day...I love you even more..

Kanina naiisip ko, nagbukas ako ng isa pang blog para magtago at doon i-express lahat ng kagagahan ko. Kanina rin narealize ko,...hindi ko pa rin kaya. Ehehehe. Sa personal madaldal ako. Daldal current affairs, daldal showbiz, daldal kapitbahay. Pero daldal personal, malabo pa sa tubig-ulan-na-dumaan-sa-bubong-na-may-taeng-pusa.
Kapikon ang sarili ko minsan. Kaya lagi akong sinasabihan ni Panday na luka-luka. Marami kasing tumaakbo sa isip ko, pero di ko naman masabi. Di ko rin maikwento. May mangyayaring nakakatawa/nakakatakot/nakakalungkot/nakakapraning sa araw na ito pero dumadaan ang linggo at tahimik pa ring nakatago ang lahat sa isip ko. Pag naalala ko, saka ko lang nasasabi.
Sa blog, dito ako madalas nakabubukas ng damdamin. Dito malaya kong nasasabi ang saloobin ko. Ng hindi ko kailangang pumikit, ng hindi ko kailangang takpan ng mukha ko (maganda!ahehehe)

Whatever, chuvaness!
=======================================
Nung isang araw, narinig ko ata kay Panday ang pinaaaaaakaaa-matamis na "ahlabshu!", ehehehe. hindi ko na ikukwento kung sa anong pagkakataon at bakit. Basta ang alam ko lang, it's the best "ahlabshu" i've ever heard. amen.
=======================================
Anong gagawin mo kapag ang anak mo ang masyadong smart at matalino? Paano mo pipigilin ang sarili mo na magkamali at panatilihing maging role model para hindi nya gayahin ang masasamang ugali mo tulad ng "pagmumura"?

Kagabi nanonood kami ni Panday ng DVD, Flight 93? tama ba ako, yun nga ata yun. Yung eroplanong hindi nagwagi sa pagsira ng ano pa mang infrastractura sa america noong panahon ng 9/11. Sa gitna ng excitement, nawala ako sa sarili. Habang nakahalukipkip ako, napasabi ako ng "syeeeet".

Ano ba naman ang susunod na mangyayari kung katabi mo ang batang matabil?

Humalukipkip din ang bruha, saka sinabing..."meeeemee, erpleng...shhhheeet..sheeeet...sheeet!

Paulit-ulit-ulit-ulit. whahahahahaah!

Kung maabot lang ako ng kamay ni Panday na nasa kabilang dulo ng kama, palagay ko..masakit ang batok ko ngayon! dahil one-big-kutos ang aabutin ko.

Di ko na mabawi, hopefully makalimutan nya na yun ngayon. **grin**smile**grin**

kaya...
Young and/or veteran mothers out there, bigyan nyo ko ng seminar on "how to be a good mother" dahil talagang maisususplong na ako sa polisiya sa gawi ng pag aalaga ko kay Pao. Baka worst pa ako kay Britney Spears (pero wala akong kotse at di ako amrunong mag drive!)

Whaaaaaa!

==============================
Last but not the least, may ilang linggo na ata kaming di nagtatalong mag asawa simula nung huling malaking (as in!) pagtatalo namin. Siguro, yun na yung huling malaki, baka this time pacenciahan na nga kami. Saka mas napagpapacenciahan ko na sya ngayon. At mas napagtyatyagaan na rin nya ang mga kashungshangan ko.

(Napikon kse ako minsan, hinamon ko ng hiwalayan. --gaga raw ako! hahahaaha)

Pero palagay ko ngayon, alam na namin na mahal namin talaga ang isa't isa at wala ng ibang makakatyaga sa toyo naming dalawa. Meaning, walang tatanggap sa amin! whahaahah!

Amen?

Read Users' Comments (10)

Angels was sent to me....
Right! Ok, late na ko sa pag popost recently. Grabe kse ang bilis ng araw, and would you imagine year end na?! Kaya eto ang mother nyo, parang si kuracha..nagmamadali sa work araw araw. Syempre, I want to finish my work in time para naman makauwi ako ng maayos sa gabi ng fresh pa rin para sa aking mag ama.
Sorry I wasn't able to update you guys about what happen last tuesday sa Dubai pero eto na...ang masasabi ko lang...God has provided be all the help and blessings I need that day so here it is..
Magsimula tayo ng Monday, 6th November...day na nag post ako for Bday ni Panday. Medyo low na ang aking morale...aalis ang mahal ko papuntang Iran..at ako, kami ni Pao..maiiwang luhaan. Walang birthday blow out..walang Daddy na igi greet the next day (7th, his actual bday). Worst, I have to travel to Dubai and leave Paolyne with my friends.
Worried din ako that day, hindi ko pa rin kse natatanggap yung pinagpaguran ng asawa ko for 1month, na kailangang kailangan namin para may maibaon sya. Night before I was really praying hard na sana before man lang umalis si Panday maibigay sa akin yung pera para may maiabot ako sa kanya, dahil alam ko mahirap ng walang pera tas mag isa ka sa foreign land.
Would you believe..around 9am tinawagan ako ng receptionist sabay sabing andito na ang sweldo ng asawa mo, please take it! (I will!) haaah. Afternoon, 2pm dumaan si Panday sa office, ibinigay ko ang passport at copy ng old visa nya at ang perang nakuha ko from his part time. What a relief talaga! kala ko aalis si Panday ng pupwet-pwet dahil walang pera.
**Ding-ding! God send His first help. Alam nya badly needed kami
Ang reward ko, isang matagal at matamis na lips-tah-lips (yessssss!) Pero nung pa pinto na sya, di na ako lumingon, naiiyak ako eh. To think, isang maghapon lang naman talaga mawawala ang asawa ko, ang araw lang ng birthday nya. (huhuhuhu)
That night, iyak ako to death sa pag pepray na sana ok sya, at sana ok ang bukas sa pagaayos ko ng visa, at sana ok si pao kahit maiwan kay la Cat, wag naman sanang mag alburoto. Nag text ako kay Panday, initay ko talaga ang 12mn. Si Pao titingin tingin lang sa akin...nakikiramdam. Hinalikan ako saka sabing "ayubsshuyu" (i love you...pag nakilala nyo anak ko...ewan kung paanong 1 1/2 to pero isip 3yrs old)
Tuesday, 7th November
6:00am - talaga namang di ko maidilat ang mata ko...madilim pa at malamig ang hangin mula sa aircon. Nakasiksik pa sa akin si Paolyne, masarap pa sa ilong ko ang amoy nya na parang pinaghalong Jonhson baby powder at gatas.
6:15am - bangon na. Ligo. Konting kuskos, konting kaskas. Tapos. Lagay ng super eyes (contacts) at saka nagpatuyo ng buhok. Ok na.
6:30am - biglang parang zombieng bumangon si Pao sabay ngiti at sabing "mownin" (good morning! siguro par routine na talagang ginawa alam na agad ng bata ang sasabihin). Pupungay pungay pa ang mata, susubsob babangon, paikot ikot sa higaan. Nag talukbong pa ng comforter, maya-maya bumangon din.
**Ding-ding - God send His angels to wake Paolyne up. Everyone knows this girl gets up only @ around 9:30am, pag mas maaga dun asahan mo na ang tantrums.
7:00am - We're both fixed up and ready to go. Nag sara ako sa bahay, checked if everthing is ok, all wire's unplugged. A/c off and there we go. To Auntie Cat's house.
7:30am - di pa rin kami nakakasakay. whaaa. At ang bruha ayaw ng lumakad, kaya buhat ko ang bag nya (around 2kg...alam nyo na ang laman..all the works).
8:00am - Naihatid ko rin, di na ako pinansin sa dami ng laruang nakita (Cat is Kitten's mom, yung kasama ni Pao sa picture last post..she just gave birth 3 weeks ago, cute little boy). Sakto, kabababa ko lang dumatid din ang yaya ni Kitten, kaya alam ko safe na sila. At least dalawa na ang aawat sa makukulit.
8:20am - just in time to catch the ride to Dubai. Grabe, another God's intervention. Kse sa damiii-damiii ng nag iintay ng taxi that morning, maniwala kang sa harap ko pa tumigil ang isa. Mabait na taxi driver. At inabot ko nga ang 2mins na lang ay papaalis ng bus. Whew!
(P.s. nakatabi nga lang ako sa pagka-angas angas na pinoy (lalaki of course..matandang lalaki!), hmp! Saka ko na ikukwento sa inyo)
9:30am - Jebel ali. Konti na lang 45kms to go.
10:15am - Shk. Zayed Road. Heck! Traffic pa rin!
10:45am - Main office. I have to get my passport. Then balik ako sa immigration
**Kung nasa akin na sana ang passport ko, hindi ko na kailangang mag travel all the way to Deira, which will take you another 20mins dahil sa traffic (to think its may be 30kms from Shk. Zayed road lang...just because of traffick)
Immigration is just near Shk. Zayed rd. And here's the twist, ipina type ko yung application ni Jovel sa typing center malapit daw sa York Int'l Hotel, before reaching Jebel Ali, I called the guy para sabihing i'm near passing Immigration na (bluff, just to make sure its ready). He said, we're just behind the hotel blah blah...pero ang hindi nya sinabi sa kin, malapit lang pala sa Bus Station kung saan ako bababa ang hotel na yun kaya...
11:00am - intay ng bus/taxi whatever..going back to where I first landed dahil dun ko pa kukunin yung application for visa, nadaanan ko na yun earlier..I could have pass there and go directly to Immigration after taking my passport. Whaaaa!
**Another twist, habang nag iintay ng sasakyan. Nakatabi ko ang isang kabayan. Ok fine, mainit, nakakasunog ng balat..pero naman. Kailangan ba pag mainit nag iinarte? Saka ko an ikukwento sa inyo dahil feel ko syang batukan.
11:10am - di na ako makatiis sa kaartehan ni kabayan, kaya naisipan kong mag punta sa gasoline station since malapit lang naman. Grab a sandwich and juice dahil di pa naman ako nag be breakfast. Use the comfort room and freshen up for a while
11:20am - paglabas ko, nakita ko si kabayan na nakasakay ng taxi. Just then a taxi stop near me and of course, another rescue from heaven. (nginingiti-ngitian pa ako ni kabayan, parang siansabi na beee! may taxi na ako, just then she saw me taking the taxi... wheheheeh! beeee!)
11:40am - typing shop. dun ko nalaman na hindi ko na pala kailangan pumila sa bayaran o e-gate (which is required) dahil may dala naman akong passport. at ang payment ng application ay binabayaran na lang sa typing shop. Another rescue.
**time po ang hinahabol ko. hanggang 3pm lang nag wowork ang immigration at malapit ng mag 1pm which is lunch time dito.
12:15pm - nag iintay ng taxi. halos sunog na nguso ko sa init ng araw (mid day po), of course, its like God is guiding me where to go and where to stand. Andaming di makasakay, malapit na naman ang rush hour and everyone wants to go first (i reaaly hate Dubai, because of traffic). Ng biglang isang taxi na may sakay na kabayan (lalaki), He pointed on me na parang sinasabing dun ka pumara sa tapat ni kabayan ng makasakay na. And there I go, blessing pa uli dahil si mamang taxi ay may pakistanong may asawang pinoy..marunong mag tagalog at hindi ako tatagain sa bayad. At isa pa, he tried to find the fastest way to Immigraton office.
12:25pm - Ibinaba nya ako few blocks away from Immigration, kse traffic na raw dun at maiipit sya. Lakad na naman ang lola nyo. Sunog na sunog na talaga ako.
12:35pm - Inside immigration office. Dito ang mga lokal parang may stiff neck lalo na kung sa ganitong klaseng office nag tatrabaho, parang di tao ang kausap minsan. Parang gustong iparamdam sayo "Oy, nakikitira ka lang sa bansa namin kaya magkali-kali ka!"
Eto na ang lola nyo, wearing my best smile...information center, san kako ipapasa ang applciation for visit visa, Counter 1 daw. Nakasulat, for ladies only...lahat ng pila till whatever Counter no... puno yun, puro lalaki.
There's about 5 ladies na nasa cue, pero di nakatayo, may bench na nasa malapit sa cue. Ang lola nyong mahadera, dere-derecho sa counter, sabi ko "Good morning", sagot sa akin?...tinignan lang ako mula ulo hanggang paa sabay irap. Huminahon ako at saka nakiupo. Nagtanong ako sa indianang nakaupo, eto ba kako ang cue? Oo daw, pero down ang system (online visa), nakapagpasa na sya ng application pero nag iintay pa.
Whaaaaa! Down ang system??? 12:40 na halos!!!mag lalunch na sila!!!
Nagtanong ako sa nakaupo sa unahan, ikaw ba ang una sa cue...sabi nya oo,pero down nga ang system. Napansin ng araba ang pagtatanong ko, tinanong yung babaeng nasa unahan ng counter..sabi nya "Hada? (what), why is he asking?" Sagot ang bruha, she's asking what's the problem (grrrr. di naman ganon tanong ko ah) Sagot ang araba "If she can't wait, if she wants to go home, she can go home! Whaaaa! Pinakaiiwasan ko ma upset ang immigration officer, dahil sa bruhang yun...whaaaa!
Bigla, umandar ang cue, pangatlo ako.
Una...pangalawa...may problema ang pangalawa. Application daw may mali...usap usap...usap usap..tinawag ang tatay nya. usap usapp...2mins...5mins... konti na lang 1pm na, magpupulasan ang mga ito...sige next ka muna...may sumingit...araba lokal...tawanan..usapan...1min...tid-tid-tid, ang puso ko, parang mahuhulog....konting pray...Lord God, bahala ka na po sa akin...bahala ka na po kay Panday...patnubayan nyo po Ama.
Ako na! Halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Good morning" uli kako, di sumagot. "where's the copy of your contract" sagot ako, "it's there Madam"...No! not here!, paalisin ako nito pag di ko nakita, pero kumpleto ito...nilabas ko ang original..NO! not original. Copy.
Ang bruha, di lang pala nabuklat ng maayos, ako pa bumuklat! "How much is your monthly salary?" tanong nya... sagot ang lola nyo..mucho! mucho grande grade, blah blah plus blah plus blah..ibalik nyo asawa ko...blah! Ah ok. Sit down wait for a while.
Kinuha na ng bruha, iniscan ang bar code, napatunayan na atang nag sasabi ako ng totoo.
Balik ako sa upuan, maiihi ata ako sa salawal, kausap ko uli yung katabi ko kanina, sabi daw sa kanya isang oras...ok, kung isang oras lang walang problema, kahit dalawa pa..wag lang bukas pa o sa makalawa o sa makatatlo o sa isang buwan... whaaaa!
Wala pang 2 minuto...helelyn...henelyn...annnalene...analyn. Sagot ako Yes! madam meeh?
"What, you don't hear your name?" Sorry madam, too much people talking..sorry madam. Yes?
"O!" sabay abot sa akin ng visit visa para kay Panday. Maiihi ata ako sa salawal. Maiiyak ata ako sa tuwa. Pabulong ko na lang nasabi ang thank you...para akong nasa heaven.
See? I have trusted God will give this to us. I was even asking this to Him, kung di naman kasalanan, as a birthday gift to Panday. And He did gave us.
Tinawagan ko na ata lahat ng poncio pilato to say na nakuha ko nga. Bakit ba big deal? first time ko kseng gagamitin ang pangalan ko as the "sponsor". Sa pangalan ko naka under ang visit visa, pag di nila ini honor ang application ko, at ang qualification ko to file visit cisa for my husband, tunaw ang binayad ko sa application, tunaw ang effort ko s apag punta sa Dubai...at uwi si Panday derecho mula Iran to Philippines dahil di na sya mare renew with travel agency, after 1 month pa!
And so...yun po, sa hinaba haba ng kwnto ko, marami pang nangyari pero ito yung highlights...mahaba pa dahil may hanggang 11:00pm pa. Pero ang ending, masaya kaming magkakasama ng gabi ng miyerkoles.
Glory be to God. Amen!
(All through out the day God has sent/gave/provide/deliver assistance and abundant graces to me. Hanggang sa matapos araw mga kaibigan, as i've prayed, hanggang sa matapos ang araw.)
Ps.: One more good thing happened that day... Nakakain ako sa Chowking for lunch! Yahooo!saraaaap. (wala nun sa abu dhabi eh)--sa jollibee sana, kaya lang wala naman silang pareho sa pinas, maliban sa gravy ng chicken joy!

Read Users' Comments (3)


BUKAS...BERTDEY NG PINAKAMAMAHAL KONG KABIYAK.
BUKAS...MASAYANG ARAW SANA PARA MAGDIWANG.
PERO BUKAS...DI NAMIN SYA KASAMA....
Whaaaaaaaa! Huhuhuhuhu!
Bertdey ng Panday bukas, pero flight nya papuntang Iran mamayang 5:30pm, sa miyerkoles pa ang balik nga.
Mag eexit sya para mag renew ng visit visa.
Pray nyo sana...sana bukas, smooth ang processing ng papeles. Sana...sana bukas...o sa makalawa...o kashit sa susunod pang araw, matanggap na nya yung appointment letter nya para sa trabaho.
Malungkot sa bahay...sunod-sunod ang unos... pero kinakaya namin...ibinibigay ang lahat. Nananalangin ng taimtim...sana...sana bilang regalo ni Lord kay Panday...sana matanggap na sya sa work.
Sana rin bilang patnubay ni Lord...dahan dahanin ang agos at unos...
Sana rin...sana...hindi ko na ulit makitang umiiyak si Pao ng walang dahilan...hindi ko kaya. Nakita ko syang lumuluha (totoo...grabe) pero walang kahit anong sound. Hindi pumapalahaw, mag isa lang, nakayuko...basta umiiyak lang...walang hibik, walang tunog...
Sana...sana hindi nararamdaman ng bunso namin ang mga problema...nagiging iretable sya ng nagdaang mga araw. Nawawala ang masayahing Pao. Nagiging mainisin ata pumapalahaw.
Maliban sa gabing yaon na nakita ko syang nakahikbi, umiiyak mag isa. Ahhhh. ewan, ang batang ito...madalas kaming gulatin.
At kahapon ng tanghali, nakita ni Panday si Pao, nakaupo sa sulok,...nakauklo ang ulo...magkadaop ang palad...bumubulong...tila na nanalangin. Kasama namin syang nag pe pray gabi gabi, alam nyang sumagot ng 'opo' at amen.
Ano kaya ang ipinag pepray ng bunso ko?
P.s. bukas, aalis ako papuntang Dubai...iiwan si Pao sa kamay ng isang kaibigan. Mag isa sya pansamatala, sa piling ng ibang may bahay. haaaaah, nakakalungkot isipin, kailangang pagdaanan ng bunso namin ang mga sakripisyo sa buhay...napakaaga.
SAYO MAHAL, MALIGAYANG KAARAWAN...MATATAPOS DIN ANG UNOS...BASTA PATULOY TAYONG MAGKAHAWAK NG KAMAY...PATULOY TAYONG LALABAN.
MAHAL NA MAHAL KITA...KAYO NG ATING ANAK...

Read Users' Comments (8)