9:01 AM | Posted by Ayie
Masama bang maituturing ang isang tao kapag kakaunti lang ang naituturing nyang kaibigan?
Hindi ko rin alam.
Ilang linggo ang nakararaan nagsabi ako kay Panday na sa darating na Disyembre ay magpapaalam ako para sa isang maikling bakasyon. Matagal ko na k'seng hindi nararanasan ang Bagong Taon sa Pilipinas...hinahanap hanap ng tenga ko ang masasayang araw ng putukan, kainan at mala piyestang ambiance.
Pero bigla kong naisip na hindi magiging masaya dahil wala naman ang kabiyak ko at ang kuya sa pilipinas...wala rin. Oo, naroon ang bunso namin, si Tatay at si Ate Chay. Ibilang pa ang mga pamangkin ko at ang mga biyenan. Isa sa mga dahilan naman ng pag uwi namin ay ang pangako ko sa aking biyenang lalaki na magkikita kami sa Bagong Taon. Simula kasi ng ikasal kaming mag asawa ay hindi pa kami nagkikita (opo. never pa)
Ng ikasal kami ni Panday ay nasa Saudi si Tatay. Ibinigay na lang niya ang consent nya thru phone.
Sa pag iisip na mag iispent ako ng bagong taon ng wala ang aking asawa sa aking tabi...parang hindi talaga masaya. Suggestion ni Panday, gawin ko na raw ang lahat ng namimiss ko ng wala sya. Spa, gala till umaga (since siguradong maraming mag aalaga kay Pao), clubbing...outing..swimming lahat na! Then sabi nya, 'go out with your friends, have lunch, dinner o kahit mag starbucks lang kayo' (mag coffee ibig nyang sabihin)...
Paano ba ikako yun...I don't have much friends and friends' relationship to rekindle.
My bestfriend Anna is still in Papua and I don't think she have any intentions of going back to Philippines ever. Juvy, my husband's closest girl friend...ay may work naman which for sure she'll be available only by weekends. Two of my trusted and loved friends have become like 'ghost of the christmas past', for a very petty reason at hindi ko alam kung boycott yun. ewan. Another girl, Flor, is of course too occupied having 2 children and she's working mom too. Florence and Jenn, best friends are in Dubai. Their too sexy, I can't compete. I'll look like their mother if I go out with them! hahaha!
Few names I could state. They are my friends from AMA days.. I have few close friends from grade school (yes. solid) Pero hindi naman pwede, si Ana na ang isa dun. But fact of going out with the other one would be too hard...baka magwala ang asawa ko. yup. He's of male species..A very special male species! Baka iba ang ma rekindle nun! ahahaha...lagot.
And of course, last..Ellen and Ate Ghie, my two closest amiga are here. Mmy Lei, is somewhat like a ghost too..susulpot, lilitaw-lulubog! ahahahaah! Asan ka ba Ma?
Marami akong acquaintance, marami akong ka-chikka...madaldal akong tao. Accommodating. Pero iba pa rin para sa akin ang salitang 'Kaibigan'. Malalim ang word na hindi ko kayang basta na lang lumundag. Nakakalungkot isipin paminsan, hindi ako makalayo sa tinatawag kong 'teritoryo'. Minsan takot akong buksan ang sarili ko sa mga bagong karanasan na hindi ko alam kung ano ang bagay na idudulot. Control freak.
Gusto ko mang mag explore, gusto ko mang palawakin ang mundo ko..., para sa akin ang pakikipagkaibigan ay may malaking tungkuling kaakbay. Mahirap na bastang hawakan. At para sa akin ang kaibigan ay tulad ng ginto...kayamanang hawak ko hanggang sa pagtanda. Sana matutunan kong palaguin ang hawak kong ginto...
P.s. Nga pala, may isa pa akongkaibigan...si Catherine. Ang nag iisang kaibigan ko sa church. Ahahah. Girl, di kita nakalimutan. Bka sakaling gusto mong umuwi sa December, samahan mo akong magliwaliw. Sa pinas marami tayong yaya. Mag mall tayo, mag shopping, manood ng comedy shows. Kahit wowowee patusin natin. Kalimutan natin ang problema.
9:04 AM | Posted by Ayie
Pao's update...


Malaki ang nagiging developments ni Paolyne recently. She could reconize and remember animals like elephant, birds, bear, cat and dogs. Mas madalas nga lang na napapagkamali nyang cat yung dog at dog ang cat! Ewan kung bakit? Magkamukha ba ang dalawa?
Marunong na rin sya when in comes to fruits..orange, apple, banana,..yan lang ata kse yan lang ang amdalas kong mapakain! ahehhe.
Profficient na sya sa numbers per oral pa lang hindi pa nya narerecognize by seeing it though she knows the difference of numbers and letters.. kaya na nyang mag count from 1 to 10.
Ang lahat ng parts ng mukha nya pati tummy, fingers, hands, hair, at pati 'pipay' nya ay alam na nya
Kaya nyang i recite ang ABC to Z. May 5 kanta syang paboritong kantahin maliban pa sa kaya nyang sabayan ang kanta sa Barney's at Teletubbies. Fave na rin nya si Dora!
Pero meron pang ibang bagay na kayang sabihin at irecognize si Pao. Ang 'kamot' (insect bites), 'palo ka
lagot' (pag galit ako), 'kuninin' (akina or ibigay mo sa kanya), 'behave good girl lang' (sitting down and being silent), 'wag ingay nga' (shhhh).
At marami pang iba! Madaldal si Pao. Daldal yung iba na walang sense ang words basta lang nagsasalita. Minsan nasa aktong nag kukwento pa with matching irap at ikot ng eyeballs!
Eto ngayon ang siste. Ehehehe, call us whatever. Pero nung isang araw habang naglalaro si Pao at nakatalikod sa amin, mejo pinasukan ata ng malamyos na hangin ang asawa ko at naglalambing (asssusssh!), sabay talukbong. Maya-maya may nararamdaman ata akong tumabi sa akin sabi ko kay Panday. Pag angat ko ng kumot, nagulat ako sa mukha ni Pao sabay sabi sa amin ni Panday "whaaaa! Tago-tago..."ahahaha! ang lundag ni Panday! Kandahulog sa kama ang Daddy!
thrusday evening ay off ng lahat. Ang landlord namin ay nasa kasing edad ni Tatay (ko). Nakagiliwan na ng mga landlord/lady namin si Paolyne. Basta nasa bahay sila sigurado na nandoon si Paolyne sa kwarto nila (ang sala ang kwarto nila, tinabingan lang ng kurtina). Kain ng kain ang luka basta nandoon ang mag-asawa.
Pero may araw tulad nung Huwebes palibhasa ay balikan Abu Dhabi-Dubai-Abu Dhabi ang trabaho ni Kuya (yung landlord), pagod pa marahil sa pag da drive ng pumasok sa kwarto nila si Paolyne. Nasa kusina ako at nagluluto, narinig kong sinabi ni Kuya na 'wag Paolyne, don't touch that, it will fall. Stop"--maya-maya nakita ko ang anak ko lumalabas ng kwarto may bitbit na mga biscuits..sa pagitan ng pag nguya at pag check sa mga biscuit sabi na lang sa akin..."Mommy, galit..hungmmm...(tinuturo ang kwarto)..galit..(sabay irap at ikot ng mata!)" Narinig ko si kuya na napahagikgik. Nahihiya siguro sa akin na nakapagsusumbong na pala si Paolyne (marahil inasikan nya.hehehe).
Buti na lang halong ingles at tagalog ang alam ni Paolyne, hindi nila mauuto ang anak ko.
Nga pala. Freebies mula kay Tita Analee (TK). Salamat kagandahan sa mga cute layouts na pinadala mo.
9:08 AM | Posted by Ayie
Relax..relax..



Play at the park last Friday (16.02.07) as post Heart's Day celebration with newly weds Ate Ghie and Kuya Ives, Ate Win, Tita E, my boo and Paolyne. A nice day for picnic, sunny with cool breeze of post winter.
Tomorrow might be much exciting (shhh. kakausap ko kang kay Mmy Lei, batukan ako nito)...an overnight stay near the beach. Barbeque, steamed rice...pasta...toasted marshmallow...ahhhh. (meron ba Ma?)
I'm looking forward to finish our February with tons o'fun!!
4:47 PM | Posted by Ayie
How do we....?
may nagtanong sa akin once, bakit daw yung blog ko parang paiba-iba ng tema? Tamang dal-dal lang daw ba talaga ako? Kse minsan daw parang di na related sa family ko ang kwento...
..ang totoo, lahat ng sinusulat ko dito are usually emotions, happenings and events na nangyayari sa isang pamilay. For me friends are family... kung ang tinutukoy nya ay ang mga segway ko tungkol sa ibang tao.
At isa pa, family matters pa rin naman ang mga kwentong isinusulat ko. Mas shallow lang siguro ang pagkakalahad, pero wow naman, ang bigat na ng buhay eh, pabibigatin ko pa ba?
So there u go, I hope malinaw ang storya.
+++++++++++++-----------------+++++++++++++++++
On the other hand, may nakilala akong girl sa net. Opps, not officially, I just bumped on her blog. Disturbing ang mga nakalagay dahil palagay ko in distress ang dalaga. Sana makita agad ng family members ang problema. Pero naiinggit ako sa kabataan nya. bata pa ako I know, pero naiinggit ako sa liberty na meron sya to put those words and writing it in bold letters so everyone can see how she feels *sigh*.
I know the feeling tho, since my family did shatter apart right before my very eyes in such suprising manner, hindi ko alam kung ano ang iaakto ko. How should I say it...hmmn.. naging numb ako. Or should I say na lang na, i tried to hide from it. Then suddenly like a game of peek-a-boo nagulat na lang ako na nasa unahan ko na pala!
Ahhhhhhh. ansakit. after long 27 years, na eexcavate bigla ang mga butong animo bangkay sa harapan ko. Ngayon ko lang nararamdaman yung sakit.
Sad. actually, minsan hindi naiintindihang ng partner ko yung hostility na naipapakita ko ng hindi sinasadya because of the traumatic feeling which I can't endue sometimes..tao lang eh.
True. i'm becoming more frantic about 'marriage'. May mga feelings na pumapasok sa akin paminsan-minsan. Nasasamahan pa ng pagod at pag aalala.
Praning.
Back to her, she's cute. Sana paglaki ni Paolyne kasing bubbly nya. tho, natatakot akong isipin na magiging kasing bold nya ang baby ko. Thinking of her having boyfriend at age of 15...? whaaaa! That's unfair. I think, pero hindi ko masabi..I will apply the same method that my mom used to me. Become my best friend (haaay). With her kse before, I could say my feelings. My crushes, who's hot, and most specially...I was able to tell her what's inside me. And letting me have bf at age of 18, at least mas matured na ang isip about situations. Am I then?
Hindi rin. Actually, she shielded me so much I wasn't able to make my self ready for such na biglang ok na..pwede na akong mag kaBf, ni hindi ko nagawang namnamin ang tamis ng bawat isang pag-ibig. (bigat! aeheheh)
My mom knows me very well. Alam nya pag inlove ako, pag inis ako, pag tamad, pag antok..pag galit..pag malungkot.
Nagbago lang yon before...
Na parang hindi na nya ako kilala.
One thing I found, na ikinalulungkot ko...I have accepted the fact we cannot be together anymore pero yung feeling ko (bilang anak, kutob) na hindi pa rin sya masaya sa kinalulugaran nya ngayon. That makes me really sad.
Masakit isipin na after na isinuko nya ang lahat to the extent of losing her family, and found out that it doesn't worth it...and you're not able to fix it anymore. o'f**k! Parang ganon. parang ...ewan.
I know some people reading this doesn't know what happen to my family...but I won't lie. I won't project a happy face. I won't say till today that I'm ok.
If I could just turn back time. Really. I won't leave her. I won't leave her and make her feel alone and unwanted. i won't make her feel ugly coz' she's fat. I won't make her feel less because I know how precious she is to me. How she made me complete.
I am much like her. Emotionally. Not saying a word or even show the real face of how much hurt you are inside. Like a chameleon I'm always hiding my tears to everyone. Sometimes, I'm feeling so insecure, I could even hide my happy face. Im a total motherf**ker somehow (haha!).
Swerte nga lang siguro ako, with proper guidance and grip to my sanity I could still say na iba ako sa kanya. Na hindi ako tutulad sa kanya, dahil...takot ako sa impyerno. Takot ako sa Nasa Itaas. Takot akong maiwan mag isa sa grave ko. Ayokong makitang lahat sila nasa kabilang linya at ako lang ang nasa mapangit at mainit na lugar. I'm not telling she's going there huh...may panahon pa naman eh.
Pareho lang sila...pareho lang silang mali. Ayokong sa amin mangyari yon. Hindi ko siguro kakayanin pa. Pero, tang'na lalaban ako. Kung sakali, lalaban ako. Pero hindi ng agawan. I love my partner so much, I would let him go. Kung saan sya masaya diba. Saka ako lalaban sa buhay. Mag isa. Walang problema. Masakit ang maiwan, yung feeling na yon hindi ko makakalimutan. Hindi lang isang beses nangyari na muntik na akong maapon eh. Hindi na ako natatakot ngayon.
Lagi kong sinasabi kay Jovel yun, hindi ako natatakot mag isa. Mas natatakot ako na kung kelan kumportable na ako saka pa ako mawawalan. Ayoko ng ganon. One time one shot. Pag masakit ngayon, yung sobrang sakit...wala ng kasunod don. At lahat ng kung ano pa man ang susunod pa wala ng hihigit. At kung sa lahat ng hampas sa akin nakatayo pa rin ako, at nalampasan ko, wala ng tutumba pa sa kin kung ganon. Ang Diyos na ang may hawak ng buhay ko, natuto na akong magtiwala sa Kanya. Kung may gugusto pang sumagupa sa akin, sumagupa sya sa may hawak ng buhay ko. Sabayan tayo!
Nakakapagod ang buhay. Pero hindi pa ako give up. Hindi rin ako magpapa tattoo at magpapakalbo. Malayo pa ako sa level na yon. At wala akong bilyon. Tanga nya kung ako merong ganong kalaking pera di ko idedepress ang buhay ko. Ang gaganda ng anak ko, at ang ganda ng oportunidad para sayangin na lang. Baka araw araw nagpapakain ako sa Payatas. O bebesprenin ko si Angelina, maglilibot kami sa lahat ng depressed area. Kung yun lang ang tanging paraan para marealize ko kung gaano ako ka blessed. Diba? (kilala nyo na siguro ang celebrity na tinutukoy ko.)
Hinabaan ko talaga ang post ko...mas nakakatamad basahin ang mahabang post. Para hindi na pag tyagaan. At least nagawa ko pang ilabas ang nararamdaman ko.
Uwian na naman. Nanay na uli ako.
1:28 PM | Posted by Ayie
12:49 PM | Posted by Ayie
Ok, so ayun na nga. And so, and so forth na ang kwento. Ang matimtimang babae, nagtiis pa rin na maging misis ni lalaki.
Hanggang sa nagbunga na nga po ang kanilang pagsasama. Pero dala na siguro ng lungkot at pagdaramdam, nawala ang kanyang baby...nung 3 months old pa lang ito sa tiyan.
Dun na nga daw sya napraning praning eh. Kung idedetalye ko pa ang kwento nya sa mga sama ng loob nya after nilang makasal eh baka abutin din tayo ng maghapon.
Masakit man daw sa damdamin nya kahit halos wala pa silang isang taon na mag asawa bumalik na sya sa mga magulang nya. Hindi nga makapaniwala ang pamilya nya na nag sa suffer na pala sya sa matinding depression kasi nga hindi naman nya ito pinapakita (naalala ko tuloy ang ang pelikula ni Sharon Cuneta, ano nga ba yun? Yung sila pa ni Gabby sa Baguio?)
Pag naiisip daw nya na sa tinagal ng panahon nila bilang mag kasintahan, kahit nakakakita na nga sya ng konting hint na may sa a**hole ang ulangya, dahil sa mahal nga nya kaya pikit lang..tas...ganun pa.
Hindi rin naman sya nakatikim ng magandang suporta mula sa pamilya tho hindi naman sya inalila na mala Bella Flores, yun nga lang talagang dedma ang beauty nya sa bahay. Whaaaa! Imaginin ko na lang na bato na nga ang asawa mo, puro dracula pa ang mga biyenan mo..inangkopow!
Tinanggap na rin ng pamilya nya ang nangyari. Ng lumakas lakas daw sya go na agad sya sa pag aabroad, para nga lang daw matabunan na ng bagong direksyon ng buhay ang mapapait na ala-ala. Lagi nga syang 'very good ' sa boss nya kse wala syang ginawa kundi sumubsob sa trabaho at mag overtime. Kulang na lang ng isang dipa, bisor na sya sa trabaho nya kahit pa nga wala pa syang isang taon. Concentrated sa trabaho, walang social life. Routinary ang buhay ganon na lang.
Pag naaalala daw nya na sana may 1 year old na sya (noong panahon na yon), para daw gusto nyang pumalahaw ng iyak sa sakit. Kung maari nga lang daw nyang ipakita sa akin yung sakit na nararamdaman nya. Yung klase daw na parang pinipiga ang puso mo na hindi ka makahinga. Gusto mong iluha lahat at parang bibigay ang katinuan mo sa sakit na nararamdaman mo gusto mong humandusay sa sahig, ipalo ang ulo at saka mamatay na lang (bigaaat!)
Noon naibsan ang nararamdaman kong lungkot. Sabi ko sa sarili ko, wala sa level ng naranasan nya ang iniiyak ko. Minsan pag nagugutom at di pa nakaluto sa bahay umiiyak na ako (nung dalaga pa ako..minsan na lang ngayon, efficient ang partner ko eh). Pag siguro ako ang nasa lugar nya, sa kangkungan na ako pupulutin ng mga kaanak ko, nilalangaw na at kinitil ang sariling buhay. Pero bago ako, yun munang ulangyang lalaking gumago sa buhay ko syempre na ako rin ang pumatay!
Hindi ko alam kung bakit kami pinagtagpo noon.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit muli kaming pinagtagpo ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi man nagtagal ang kwentuhan...nasabi nya sa akin ang mga detalye.
Hindi pa rin daw sya umiibig hanggang ngayon, lalo pa nga't nasa isip nya na kasal pa rin sya legally hanggang ngayon. Gustuhin man daw nyang mag move on after 4 years...parang may isang parte nya ang nakatanikala hanggang ngayon.
Gusto nyang humingi ng tulong sa akin, wag lang kako pera kahit giyera pa yan reresbak tayo, walang problema. Hindi naman daw (ay salamat!), pero concern nga rin ang pera.
Hinihiling kse nya na ma-annul na ang kasal nila, pero wag naman daw na sya na ang nawalanghiya, sya pa ang gagastos, ayaw daw kse ni lalaking gumasta (biruin mo?!), pero willing na ipawalang bisa ang kasal. Balita nga daw nya may pamilya na ang loko (sorry sa mga bata pero.. Tangna! nakahanap siguro ng katapat ang gago!!! Maging masaya sana buhay nya...sa impyerno!!)
Gusto kong tulungan ang one-day-friend kong ito. Gusto kong makitang masaya uli ang maganda nyang mukha, ang ngiti sa labi nyang mapula. Gusto ko uling makita ang mahinhin nyang tawa. Ang malamyos nyang kilos-bata.
KUNG MAY MAITUTULONG KAYONG INFORMATION, NOTE: HINDI PERA (HAHAHAHA!), INFO, O KAHIT MAN LANG WEBSITE NG MGA NGO GROUP NA MAARING MAKATULONG SA KANYA SA PAG AASIKASO NG ANNULMENT NG KASAL. PAKI EMAIL NAMAN PO AKO. KUNG MAY SINGLE LAWYER, lalaki (na pogi na matino na may maayos ng buhay na naghahanap ng makakasama sa buhay na ang tanging tinitignan ay magandang puso...help! aheheeh! exploitation na ito.) o MGA PRO BONO NA LAWYER NA MAKAPAG AASISST SA KAIBIGAN KONG ITO...tulong naman.
Uuwi sya sa susunod na buwan, Marso...kung maari. Makakuha kami ng info bago ang panahon ng pag uwi nya. Maihanda nya ang sarili nya sa bagong hamon na ito.
Wala kaming Valentines Day. Pero everyday sa akin ay Hearts Day. Sana matulungan ko sya. Pakitulungan naman ako. Salamat sa inyo...
At sa iyo kaibigan, salamat sa tiwala mo. Pag pray ka namin! Go! Go! Go!
Salamat!
10:34 AM | Posted by Ayie
Marriage is such a big word, isn't it?
If it isn't so complicated, why does it comes with 1 original and 6 copies of contract with terms and conditions applied plus a a "No Return, No Exchange" policy? Duh!
Am I complaining? Not so..so-so but not so! (ahahaha! lagot ako.)
This just occur recently after having a little time for recollection. Alam nyo naman, after having Pao it seems like 'rest' is for dead people na lang! yihihihi! no complains tho, masaya naman ako playing with her after long hours of work, nakakarelax. May bagong habit pa ngayon na pag sumasayaw na sya with Barney, she wants Mommy to dance too! (whew!)
Back to the above, I've a recent convo with an old friend. Medyo complicated at serious ang tema ng usapan. Pahahagingan ko na lang ang kwento...
Mga 3 years na rin sya dito sa UAE, nagkakilala kami sa Corniche habang nag fefeeling ako (senti mode) at ganon din sya (much senti mode). Pag ang mga babae pa naman talagang burned out at paiyak na, kahit pa sa gitna ng karamihan ng tao hindi na nakakayang pigilin ang luha. Iiyak at iiyak ka.
So imagine both of us, sitting near the beach, iniisip na baka sakali dalhin ng alon ng tubig sa dagat at lahat ng bigat na dinadala.
Nagkatinginan kami saka natawa, alam naman kse namin na kung ano man ang iniiyak namin, sigurado tungkol sa pag-ibig.
Ng medyo komportable na kami sa isa't isa, ska sya nagbukas ng loob. Siguro iniisip nya na hindi naman kami mag-kamaganak o magkakilala talaga, at since parehong office ang trabaho namin, siguradong madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto ang chance na muli kaming magkita.
Inamin nya na may asawa na sya (to think na mukha pa syang nene), pero hindi maganda ang lagay. At sinabi rin nya na hindi ang paghihwalay nila ang iniiyakan nya, partly daw siguro, pero mas iniiyakan nya yung nagyari sa buhay nya.
They were a happy couple (meaning mag syuta), inabot din ng 3 years ang relationship nila mula pa ng nasa college sila. Nung malapit na silang magtapos, saka lang daw nabago ang sitwasyon. Ewan, basta na lang daw iba na. Dahil siguro mas mataas ang ambisyon ni lalake. At sya nagbalak na if ever sila na nga (na sya naman nyang iniexpect) ay mag pu-full time house wife na lang sana.
Nagbago daw ang ugali ni lalaker right after graduating from college and receiving huge $$$ remuneration. sya naman daw noon ay working as office assistant sa isang hardware shop (mejo kilalang company). sa kanya nga naman, masaya na na suamsahod ng minimum + benefits dahil una malapit lang sa bahay nila ang office at isa pa sapat naman ang kinikita to save for her self at makatulong kahit papaano sa family.
Pero si lalake ay feeling sikat, hindi kuntento na wala syang ka-career rival at ewan, sabi nga nya...boring siguro ako, kse hindi ko sya ma compete, or should I say iba ang level ng takbo ng career nya that time.
Tho, ganon na nga. Natuloy din ang lahat sa kasal. Noon lang nya nalaman na against pala sa kanya ang mga magulang ni lalaki. Hindi naman daw nya naramdaman yun nung panahong mag-on lang sila. Sana nga daw ipinakita na noon pa. Mga titulado kse ang magulang nila lalake at achiever naman ang mga kapatid. May pwesto sa local government ang mga kamag anak at mejo may sinabi sa buhay.
Pag naaalala ko sya, simple lang pero maganda. Yung gandang pag tinitigan mo at nakausap..mas nakakahalina. Natural na malambing ang boses, may kahinhinan ang kilos at parang laging mababasag. Makinis ang maputi nyang balat, magandang bagsak ang buhok. Kumbaga, pasado sa panlasa ng lalaking pinoy. Hindi ko nga maintindihan noong nagkukwento sya kung ano pa ang hinahanap ni lalaki?
Sana daw kse, she could pursue higher education and sana daw kse sa isang 'corporation' nya i-aspire na makapasok, Makati girl something like that. Sana daw she could use little make up, and sana daw...sana daw..sana daw.. Yung lungkot ko ng oras na yun parang nagbago at naging inis. Kung ako kako ang nasa lugar nya, matagal ko ng ipinasok ang ulo ni lalaki (whichever) sa tumbong nya!
Sabi ko di mo ba tinanong kung mahal ka nya....?
--->>Tutuloy ko bukas, andito na ang Dragon eh!
P.s.--kaya ko kaya kung sakaling ipasok ang ulong 'whichever' nga nya sa tumbong nya? Ewan! ahahaah!
8:16 AM | Posted by Ayie
Sun is shining brightly these days!!! Nakalagpas na naman ang pamilyang ito sa isang malaking problema. Though, alam kong pagdating ng katapusan (due to huge financial instability), mejo uuga na naman ang mundo ko. Pero mas ok na ngayon, at least na iintindihan na kahit papaano ng support team ko na hindi ako si Wonderwoman. Akala lang nila yun. Sing seksi kami pero wala akong powers eh.
Alam ko na ang iba sa inyo, hindi maiintindihan ang ibig kong sabihin. Hindi ko na rin kse magawang idetalye, but for sure nasa tabloid lang ang kwentong ito, hindi man headline mababasa nyo pa rin sa dyarayo (nyahahahaha!) o bka sakali maisipan ni DJ Mo na imbitahin ako to answer "Forbidden Questions"! (whahehehehe).
Iniintay ko na rin ang MMK na ipadala ang request interview just in case...(praning!)
Ewan. Siguro nga tulad ng sabi ng pinsan ko, kung sya raw ang nagdaraan sa problemang tulad ng hawak ko, malamang daw na pupulutin na namin sa ground floor ang pira-piraso nyang katawan, una ulo! (ano ba yan!) Kaya nga lang daw mukhang malakas ako sa Nasa Itaas, at parang mga anghel na nagsisidatingan ang life support ko. In some ways and the other, very odd. Hindi ko rin alam kung paano ako nakalampas pero siguro nakita ni Lord na yung kakaunting katinuan na hinahawakan ko kung saan yun na lang ang tanging naghihiwalay sa akin bilang isang classified na luka-luka ay malapit na ring malagot, kaya hinawakan na ako panandalian.
Struggles, pains.. tas mas mataas pa ang angst level ng mga nakapaligid sa akin, lalo na nung kauuwi lang. Minsan tuloy nakapaghihinampo, hindi na talaga sila naniniwala na hey!, babae po ako. May hangganan ang kakayahan ko, hindi ako super hero, at higit sa lahat marunong akong matakot, malungkot, umiyak at mapagod.
Pero nga siguro, inihinahanda ako ni Lord sa isang big bang. May nakapagsabi nga sa akin na marahil tunay na hinahasa ni Lord ang isang tao sa pamamagitan ng pagsubok, tulad ng kahirapan o paghihirap. Para subukin ang katatagan di lang sa pangangatawan kundi pati ang emosyon at pag iisip. Bagay na naiintindihan ko...
Naaalala ko, ilang taon pa lamang ako noon. Ng mula sa pagkakapisan sa mga magulang ng aking tatay, sa kung ano mang dahilan (o pag aaway, parang ganon), bigla nagkaroon kami ng sariling sibi ng bahay sa tabi ng bahay ng mga magulang ng aking nanay. Kagagaling lang ng tatay noon mula Saudi, at syempre pa, sa salitang 'kanto' ang tawag doon, paldo! (madaming anda, pera, moolah!).
Murang edad nagkapangasawahan ang mga magulang ko, at mula noon hanggang sa magkatrabaho ang tatay ay nakapisan sila sa mga lolo na syang humahawak ng intrego ng tatay ko. At bigla nga, 'pinalaya' sila ng lolo (kasama kami syempre), at ibinigay ang kinita nya ng panahon na iyon..malaking halaga kung tutuusin. Pero naglahong parang bula ang lahat...sa loob lang ng isang buwan!
Nakita ko ang sitwasyong iyon, naaalala ko mula sa aking kabataan...hindi ko ipagkakaila. Mishandling, at dala ng kawalang kakayahan at kulang sa ekspiryensa sa mga pagkakataon na tulad ng ganon. Ansama ko ba? na ang mga magulang ko ang ginawa kong example ngayon? Hindi siguro, dahil nakita ko ang sitwasyong iyon at dahil sa sitwasyong iyon natuto ako ng maaga sa buhay, hindi ko na maalala kung anong edad ako noon. Siyam? Sampu?
Basta ang alam ko lang pagkatapos ng unos na yun, ng unti-unting nauubos ang kabuhayang ipinundar ni tatay mula sa Saudi, nakita ko uling nagtatrabaho si nanay, at nakita ko rin ang sarili kong nagtitinda ng manok sa madaling araw at lugaw sa karinderia sa hapon kasabay ng pag-aaral sa elementarya.
Sabi ng asawa ko may pagka kuripot daw ako. Hindi ako kuripot. Kuripot lang ako sa mga bagay na hindi naman tunay na pangangailangan. Pero hindi ako kuripot sa mga sitwasyong tulad ng kinalalagyan namin ngayon. Kung hindi ko inilagay sa tamang lugar ang pag gastos, san pa kaya kami pupulutin ng matagal na.
Natupad ko ang mga pangarap ko. Ang mabuhay ng maayos sa bansang ito, ang makatulong sa pamilya ko kahit pa nga sa loob lang ng 2 taon, ang madala ang asawa ko at makasama sa pagtatrabaho, ang magkaroon ng masayahin at mabuting anak (at ang maianak sya ng matiwasay), ang matulungan ang mga kapatid ko,...at ngayon, palagay ko naman sumobra pa sa mga pangarap ko ang naging accomplishments ko. Ang makapagbertdey ng engrande ang anak ko sa pinas, ang makapagbakasyon ng maayos, ang magkaroon kami ni Jovel ng mga pundar.
Ilang panahon pa, malampasan lang namin ang mga problemang kinahaharap namin ngayon, matutupad rin ang iba pa naming pangarap. Ang magkaroon ng bahay at lupa at sasakyan na kami ang nagpundar, ang maiayos si Pao sa pagtuntong nya sa eskwela. Ang makatulong sa pagpapatapos ng bahay ng magulang ni Jovel, ang makatapos ng maayos si Don at maging nurse...at marami pa marahil.
Lahat ng ito, naisuma-total ko, ay napakalaking accomplishment na nangangailangan ng masusing pagpa plano at maingat na pagpupundar. Ang mga pagsubok na pinagdaraanan namin ngayong pinansyal ay nagbigay sa akin ng panahon na makapag isip at hasaing maging matalino, sa pagdedesisyon sa buhay, pagtitiwala sa mga taong nakapaligid sa akin, ang iwasan ang pag aaksaya at ang maging mapagmahal.
Opo. Napakalaking leksyon. Ngayon alam ko, kailangan kong maging matalino at matatag sa mga desisyon na ginagawa ko. Noon ang hindi ko ay katumbas ng pwede o oo. Ngayon, ang hindi at hindi at ang oo ay oo (ewan kung naiintindihan nyo ang ibig kong sabihin).
May isa pa nga pala akong gustong i share sa inyo. Noong araw na talagang halos lumuhod na ako sa paghihirap ng loob, naisip kong buksan ang Bibliya. epppp, hindi ako banal na aso, please lang. May sarili akong kawalanghiyaan at kagaguhan. May sarili akong bait at kasalbahihan. Meaning tao ako. (may iba kse na akala dahil malaki ang takot ko sa Diyos kaya na akong gaguhin, sorry farewell sayo friend, magdusa ka..p.s. marunong din akong magmura at wag mong intaying murahin kita.. pak..wan!)
Wala akong magulang na katabi, at sa mga sandaling ito ay 'under extreme maintenance' sila kaya 'out of order' muna. Wala naman akong ibang pinakikinggan kundi ang payo ni Lord sa mga oras na litong-lito na at walang 'makaosap'. At doon sinagot nya ang mga katanungan ko.
Pagbuklat ko ng mga pahina, bumukas ang libro sa pahina 471 (New International Version) Epilogue: THE WIFE OF NOBLE CHARACTER.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang gumana ang mathematics sa utak ko (matagal ng nilulumot yun) limi-limi, kuro-kuro. pagkatapos ng ilang payo na nabasa ko...sabi ko sa sarili ko, hindi ako bibitiw, hindi ako babagsak. Anong ipinag-aalala ko? Kung noong panahon na ako ay sampu, inilagay na ng Diyos sa pagsubok ang mga magulang ko. At sa murang edad kong iyon ay ipinakita na nya sa akin ang gayong sitwasyon. Espesyal ako sa Kanya, dahil maaga pa sa panahon ay ibinigay na Nya sa akin ang pagpapayo. Anong ikinababahala ko? Maaga Nya akong inihanda. At ngayon, dapat alam ko na ang gagawin ko. At anong ipinagtatampo ko? Ibinigay ng Diyos sa akin ang isang prebilehiyong ang iba ay ipinagpapanata pa...ang maging mabuting maybahay, ang maging mabuting Ina!
Nasa akin ang lahat ng panahong upang bumangon, nasa akin ang lahat ng oportunidad. Ibinigay sa akin ng Diyos ang mahalagang responsibilidad. Hindi Nya ako iiwan hanggang hindi ko natatapos ang misyon.
Mas matatag ako kesa kahapon. Mas matalino ako ngayon. Mas may tiwala ako sa sariling sa tulong Nya ay kaya ko. Mas matibay ang loob ko ngayon.
Hindi ko sinabing hindi ako iiyak. Hindi ko sinabing hindi ako masasaktan. Pero mas alam ko na ang gagawin ko, mas may paggalang ako sa sarili ko ngayon.
Sinong makapagsasabi ng pagkakataon. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa napakaraming biyaya na nasa akin ngayon. Mabuting tabahao, mapagmahal na asawa, malusog na anak, malusog na pangangatawan, piling mga kaibigan na alam kong nasa akin ang tiwala at pagmamahal, magagandang araw ng buhay. Maiikli ngunit masasayang panahon na nasa aking ala-ala.
Sinong makapagsasabi ng nakatalaga...ang buhay ko ngayon ang magsisilbing matatag na pundasyon ng kung ano ako magiging sa hinaharap.
Sabi nga ng kuya ko,..
"namnamin na natin ang kahirapan, dahil bukas makalawa, pag yumaman ka na, mamimiss mo ang buhay payak, ang kang-kong at bagoong, ang tuyo at suka, ang mantika at patis sa kaning mainit. Mamimiss mo ang maglakad dahil wala kang pera. Mamimiss mo ang maupo lang sa kanto at kwento-kwento para less gastos. Mamimiss mo ang umiyak habang sumusubo ng kaning lamig at ulam na tira. Mamimiss mo ang lahat. Ang fishball sa kanto, ang halo-halo sa tag-araw. Dahil pag yumaman ka, mas disente ang lahat, mas grande ang lahat. Ang halo-halo mo ay may ice cream. Ang fishball mo ay Odd Balls. Ang kang kong at bagoong mo ay Chowking...hindi galing sa tabing bahay, hindi gawa ni aling Enshang, hindi mo isinasawsaw sa sukang pinagsawsawan na ng limang libong tao sa buong baryo...mas de klase na ang lahat.
Sa araw na yon, mamimiss mo na pinaghirapan mo ang bawat himaymay ng isdang isinusubo mo. Na ang kamang hinihigaan mo gawa sa pawis at luha ng iyong paghihirap. Na ang magarang damit na suot mo ay hindi lamang basta bigay ng kun-sinong poncio pilato, kundi nanggaling sa iyong pagpupundar. Mas magara ang suot mo kung ganon...dahil suot nito ang pride mo.
Magdiwang ka dahil mahirap ka pa...dahil marami ka pang gagawin. Hindi boring ang buhay mo, dahil bukas marami ka na namang appointment. Bukas gagana pa ang utak mo, bukas lalakad ka pa ng milya milya.
Saka mo na alalahanin ang pag upo sa malambot na alpombra, dahil ang magarang upuan ay para sa mga luno at matatanda nang wala ng kakayahan. Pero ang ang kahirapan at kabataan na binabata natin ngayon, walang makapapantay.
Exciting ang buhay mahirap! Maraming schedules. Busy ang life.!"
P.s.- Palagay nyo yayaman ako? ahahaaha! Joke lang! Masaya ako, pasensya kayo sa mahabang post. Dala ng nagbabagang damdamin,...sana naiintindihan nyo ako. Pasensya na sa mga talinghaga. Di ko man masabi ng tuwiran, alam kong kahit ano pa man, may makakaunawa.
9:09 AM | Posted by Ayie
Nagdaraan ang mga araw na talaga namang hinahasa ang aking katatagan at pananampalataya. Sa oras na ito, habang tinitipa ko ang mga katagang nababasa nyo...puno ng hirap at hapis ang aking puso. Pagdaramdam na ako lang ang nakaaalam.
Dumaraan ang aming pamilya sa matinding pagsubok...pinansiyal at emotional.
Kahapon bigla kong naalala ang masaya kong kabataan. Kung saan linggo-linggo nagkikita-kita ang pamilya.
Malaki ang pamilya ng aking ina. At walang linggong nagdaan na hindi nagsama-sama ang 9 na magkakapatid.
Tuwing araw ng linggo naaalala ko, ang pinakamasasayang araw ng buhay ko noong kabataan ko.
Dumarating ang lahat ng tiyahin at tiyuhin ko, ang mga pinsan ko na talaga namang kinasasabikan kong makalaro. Kapag araw ng linggo, hindi magkamayaw ang tawanan at halakhakan sa lumang bahay. Lalo na kapag oras na ng tanghalian at ang lahat ay nagsasalo-salo sa isang masagana ngunit payak na hapag kainan. At sa oras bago magdapit hapon, naalala kong nasa harapan kaming lahat ng aking aguelo, walang sawa nyang ikukwento muli ang panahon ng hapon, ang panahon ng taghirap, ang masasayang araw nya bilang golf caddy ni late Pres. Marcos., yung mga panahon ng kabataan ng aking mga tiyahin at tiyuhin at ang mga kalokohan nila sa eskwela.
Sa meryenda, kakain kami ng champorado o arroz caldo. May palitaw o sapin-sapin. Mga lutuin ng aking aguela o dala-dala ng aking mga tiyahin.
Sa meryenda, kakain kami ng champorado o arroz caldo. May palitaw o sapin-sapin. Mga lutuin ng aking aguela o dala-dala ng aking mga tiyahin.
At pagdapit-hapon at oras na ng paalaman, makikita mo silang isa-isa na lalapit sa aking lola, magmamano, yayakap, hahalik pa ang iba. At may mga pagkakataon, kung mabigat ang problema, makikita mo sila na nagbubukas ng loob sa aking lolo.
Mabait ang lolo ko, walang makapagsasabing hindi. Matatag syang haligi ng tahanan kahit pa nga pingki, ang lolo ang tanggulan, ang sanggunian ng kanilang suliranin. Walang mabigat ng pagsubok sa pamilyang may pagmamahal at damdamin.
Naaalala ko ang lahat ng ito, at ipinagdaramdam...napakahirap sa panahong tulad nito ang walang mapuntahan. Walang magulang na yayakap sa oras ng pagluha, walang masasayang tawanan na nakapagpapalubag ng lahat.
Nagdadaan ako sa pagsubok, ngunit patuloy na nagpapasalamat. Hinayaan ng Diyos na magkasama kami ni Kuya. Binigyan ako ng anak na anong lambing. At nariyan ang aking asawa na maaalalahanin.
Dumaraan kami sa pagsubok, ngunit patuloy na magkakahawak. Walang bibitiw, walang iiyak.
Sana sa mga darating na araw muli ang Diyos ako'y pagbigyan...maayos na ang lahat at mawala na ang mga ito sa kinabukasan.
Sana pag gising ko...mas maliwanag na ang paligid. Sana bukas,...
P.s.: Yumaman lang talaga kami ni Kuya, mag titig lima daw kami ng anak. Masarap ang malaking pamilya lalo na kung sama-sama sa hirap at ginhawa.--sana...
1:44 PM | Posted by Ayie
Skate Freaks!
First pa lang to... para lang sa Ate Chay kong namimiss na ang Kuya ko ng sobra. Tatlo ang video na ito.. post ko uli mamaya. Mejo mabagal ang uploading at time na. Kaya uwi na ako.
First pa lang to... para lang sa Ate Chay kong namimiss na ang Kuya ko ng sobra. Tatlo ang video na ito.. post ko uli mamaya. Mejo mabagal ang uploading at time na. Kaya uwi na ako.
8:53 AM | Posted by Ayie
Whew! Natapos na naman ang isang buwan. Pero tulad ng New Year's Resolution naming tatlo..."make good and lasting memories"...heto ang mga naging activities namin for the month of January 2007..
- Tita Ellen's Bday - January 6
- Ice Rink mania - January 13
- Park Addiction - January 18 & 19
- House Attack - (hehehe! linis ng bahay) - January 27
Babad kami sa park lately. Kse mas maganda na ang panahon ngayon at hindi na ganoon kalamig. Masaya ang naging experience namin sa Ice Rink, palagay ko mauulit. Pumili lang ako ng iilang pictures to post. Pero popost ko dito yung Ice Rink escapades namin, hahaha! Matutuwa ang hipag ko pag na upload ko na sa Youtube ang video.
Ang galing kse mag ice skate nung dalawa (kuya at jovel), lagpak ng lagpak! Kaya ayoko eh, dahil sugatan silang dalawa at paltos ang paa pagkatapos ng 3 oras ng paikot ikot! ahahah!



Sana this February mas marami kaming maging adventure pero na less gastos! ahehehehe!
Happy February!
Subscribe to:
Posts (Atom)










