Kanugnog ng storya sa itaas ay ito, kayo na ang humusga. Free for all ang comment kaya ibigay nyo na rin ang inyong mga saloobin para naman sa ikagaganda ng working status at kalidad ng mga Filipino workers. Madalas kasing namomolestya ang mga Filipina, lalo na ang mga kasambahay. Tingin ata sa mga filipina eh malinamnam na desert. Ewan.
Hindi ako palabasa ng dyaryo. Ayoko kse sa mga kawalang puso at kawalang kwentang balita. Pero dito sa UAE, palibhasa regulated ang balita. Meaning walang mahahalay na tabloid o balitiktik na naglalabasan sa mga pahina ng dyaryo, walang matitinding krimen ang nasusulat at pawang mga solusyon, bagong infrastraktura at issue patungkol sa labor law ang mababasa. Kaya nakagawian ko ng tignan ang mga bagong developments sa bansa. Pero mostly scanning lang, hindi talagang todo basa.
Hindi ko lang akalain na mababasa ko ang balitang ito ngayong araw. Wala naman akong magiging kinalaman sa balitang pagkakataong ito. Hindi na rin naman naituloy ang balak namin na dalhin si Don, ang bunso kong kapatid dahil nga sa pag aalalang hindi naman sya makapag tatrabaho pa at disi-syete lang.
Pero hindi para sa pinsan ko, si Ate Ghie. Nandito kasi ang asawa nya. At naka visit visa. Kung matutuloy na nga ang panukalang ito tungkol sa visit visa. Medyo alanganin ang sitwasyon ng bayaw ko sa pinsan. Masaya pa naman na silang nagsasama. Paganda na nga ng paganda ang pinsan ko dahil kasama na ang mahal nyang asawa. Pero paano kung hindi pa makakita si Kuya ng trabaho sa loob ng ikalawang visit visa?
Kanugnog ng storya sa itaas ay ito, kayo na ang humusga. Free for all ang comment kaya ibigay nyo na rin ang inyong mga saloobin para naman sa ikagaganda ng working status at kalidad ng mga Filipino workers. Madalas kasing namomolestya ang mga Filipina, lalo na ang mga kasambahay. Tingin ata sa mga filipina eh malinamnam na desert. Ewan.
Kanugnog ng storya sa itaas ay ito, kayo na ang humusga. Free for all ang comment kaya ibigay nyo na rin ang inyong mga saloobin para naman sa ikagaganda ng working status at kalidad ng mga Filipino workers. Madalas kasing namomolestya ang mga Filipina, lalo na ang mga kasambahay. Tingin ata sa mga filipina eh malinamnam na desert. Ewan.
Sana nga hindi maging masama ang epekto ng mga bagong panukala ng UAE at POLO para sa mga kababayan natin dito. Kilala nyo naman ang mga pinoy, madiskarte. Ang hindi makuha sa legal, kinukuha sa illegal. Hehehehe.
11:56 AM | Posted by Ayie
Haay. Natapos ang birthday. Pacencia na sa mga hindi na na re-invite Dala ng hiya ko na wala 'totoong' handaan, dahil nga sa *ehem*..kakapusan. Nag ambag-ambagan ang mga pinsan ko, para sa handa ni Pao. (pero alam ko mali pa rin kaya sorry ha., nahiya talaga ako sau eh--alam mo na yun, love mo naman ako eh..este si Pao!)
Click na lang kayo dito.
P.s. alam ko lilitanyahan mo ako. huhuhu. wag na, nanginginig na nga ako sa takot eh...nahuhulaan nyo ba kung sino? ahahahahah!
Salamat sa sponsor ng birthday: Ate Ghie at Kuya Ives para sa Cake, kay Leony at Ate Winnie para sa Pancit, kay Ellen at Jan at kay Bendol na rin para sa lobo, at kay Rica para sa suot na damit ni Pao!
Ahahah. Pansin nyo ba? Sila ang may dala ng party? Wala na sana kaming balak dahil kulang sa pondo (actually, wala talagang pondo). Original na balak ang mag McDo party, kse dun naman yung kakainin ang babayaran. Pero dahil nga..yun na nga yun...at mukha naman nakaramdam ang mga tiyahin ng bata, kaya sila na ang sumalo. Kaya, sila lang din ang kumain ng handa nila! ahahahaha!
Eto ang mga snaps ng event. Highlights ang mga lobong gawa ni Jan-jan, ahahaha. Halatang walang food at gutom ang mga bisita kaya yung lobo ang napag tripan. 'Special friend' sya ni E, sa events nagtatrabaho bilang designer kaya yung mga baloons parang maning binalatan lang nung ginagawa nya sa bahay minsmo. Hanep noh!
Click na lang kayo dito.
P.s. alam ko lilitanyahan mo ako. huhuhu. wag na, nanginginig na nga ako sa takot eh...nahuhulaan nyo ba kung sino? ahahahahah!
10:52 AM | Posted by Ayie
Maagang nagising ang prinsesa kanina, parang ramdam na yung pagka espesyal ng linggong ito. Bukas pa ang birthday nya, pero araw-araw nanghihingi ng 'one happy day' (meaning: light a candle and she'll blow it out).
Whenever, I'm hearing my daughter asking me, "Mom, one happy day please"...naluluha-luha ako. Masarap kasing isipin na ako rin, o ikaw o kahit sino ay may karapatang humingi ng isang masayang araw. Nadadala ako ng kainosentihan ng bata. Gumagaan ang puso kong nabibigatan sa dala dalang mga suliranin.
Kagabi sa pagsamba, isinama na namin sya ni Panday dahil hindi ko na sya espesyal na madadala sa pagsamba ng kabataan. Habang nakapikit ako at nananalangin, kung sa ano ba't ako napadilat, nakita ko si Paolyne na nakapikit ang mga mata at tila umuusal. Pwera biro, ginagawa nya ito lalo na bago kumain at bago matulog. Ipinakikita talaga namin sa kanya ang kahalagahan ng pananalangin. Wag kayong magulat na marinig sa anak ko ang salitang "Amang Diyos" sabay pikit. Espesyal nyang ginagawa yan lalo na pag may banta na sya ng palo sa akin eheheheeh! Kinokonsensya ako ng bruha!!
Kagabi, hindi ko alam kung ano ang ipinag pepray ng anak ko, pero napahilig ako sa balikat nya (kandong ko sya), tinanong nya ako "Ma, hhhnong mmmblema", pabulong..naiiyak na kasi ako. Sabi ko, "wala po, I love you..you're my best friend!"...napa-awww ang mga katabi namin sa upuan sa sumunod na aksyon ng anak ko, dahil isang halik sa labi sabay sabi ng "big hug, Ma" ang ibinigay nya sa akin. Parang wala lang.
Mahal na mahal ako ni Pao, ganon din ang Daddy nya. Tumaas lang ang boses namin, nakalapit na yan saying "tama na, no usap, please..." Nangyari to, matapos nya kaming makita sa aming biggest fight, lumilipad ang mga gamit sa bahay parang flying saucer! Hindi ako ha. Hmp!
Si Paolyne ang lahat sa amin. Biyaya ng Diyos upang mas patibayin ang paminsang sinusubok na relasyon namin ni Panday. Hindi kami iilang beses na natigil sa tampuhan dahil sa mga 'diskarte' ni Pao. Kahit nung isang gabi, pagkatapos nya akong i-kiss, hinawakan nya ako sa batok at pilit na inilapit kay Panday, "you, kaw naman!" sabi nya.
Kahit siguro ngani kong tirisin ang asawa ko, hindi ko mahihindian ang pagmamahal na ibinibigay ng anak ko.
At sa araw ng bukas anak ay ika-dalawang taon ng ating pagsasama...dalawa at walong buwan at dalawang linggo to be exact! Mahal na mahal ka ni Mommy at Daddy. At para sa'yo ang laban namin ni Dadddy. Wag kang mag alala, kahit madalas ko syang binubugbog, mahal ko ang ama mo! Ahahahaha!
9:31 AM | Posted by Ayie
Nagiging super daldal na ng anak ko. And this time hindi na sya basta 'word' lang, sentence na ang nasasabi. Sa friday ay birthday ng mahal kong prinsesa. Officially 2 years old na sya.
Pero kahit ako ang nanay nya, na we-weirduhan pa rin ako..hahahaha. sa sarili kong anak!
Bakit? Kasi si Pao very sweet and approachable. Antawag nga ng lolo nya dun..'walang hiya', as in di nahihiya.
Nung nakaraang friday, off ko. Nagising kami ng bandang 8:30am na ata. Pagmulat ng mata, dede agad ang hiningi. Wala pa atang 5 mins halos 3/4 na ang naubos sa gatas. Pero bago pa masaid ang bote, iniabot na ito sa akin. Sabi ko.."why don't you finish your milk?" Sumagot ng "No". Akala ko end na kami dun..bago pa ako makatayo para ilagay sa lamesa ang bote, sumagot ang bruha ng "I don't like". Madaldal ang anak ko, pero tulad ng sabi ko sa inyo noon walang sense ang mga words nya maliban sa iilang 4-5 letter word.
Akala ko nabibingi lang ako. Maya-maya, binigyan ko ng biskwit, sagot na naman ang prinsesa, "Mom, i don't like". Napatalon ata ako sa tuwa eh, naitext ko agad si Panday! Marami pang sumunod..as in nakikipag usap na sya sa akin. "I want tomato", "anong sabi mo", "it's ok", "where's mary (yaya nya)?" at ang huli habang nagluluto ako ng tanghalian, bigla na lang sumulpot sa likuran ko sabay tanong ng "what chu doing?" Para na akong hihimatayin!!
Para akong tanga no? Gulat na gulat sa developments ng anak ko. Patunay lang na hindi ko sya nakakasama ng madalas at every Friday ko lang nakikita ang mga bagong nalalaman nya. Ahehehehe.
Ang pang huli, nung Sunday kasama ko sya sa Bible study. Sabi ko sa kanya, "you behave well and don't run around". May isang dalaga na nagmalasakit na ibaba muna sya ng building since marami ng tao at may tungkulin akong dapat gampanan. Pagbalik nila after Bible study, tuwang-tuwa ang nag alaga, kse daw iniupo nila sa couch katabi ng ibang bata, nagulat daw sila ng sa katahimikan bigla na lang nagsalita ang anak ko sa ibang mga bata na "Hi, how are you? Kamusta?" Mas nakakagulat daw na napakalinaw ng mga words na binitiwan ng anak ko, for a 2-year old kid. Maya-maya heto na ang takbuhan nila, nadapa ang luka...sa tabi ng Ministro namin. Sabi ng Ministro sa kanya, "cutie, sinong nadapa?" Pero hindi inaasahan ng lahat ang sagot nya..with matching facial expression! " Di naman ako iyak!"
Tawanan ang lahat!!! Ang liit liit ni Pao. Matabang maliit. Ang mukha maliit. Sa pictures lang mukhang malaki, pero sa personal petit ang anak ko. At ang makarinig ka ng ganung sagot sa isang maliit na bata?
Masaya ako, dahil alam ko ok yung nag aalaga sa kanya ngayon. Meron pa syang "Today is Monday" "The frog says reeeebeeet" "The cat says Meow" and so on. She sings "ako'y alipin mo kahit hindi batid...." at syempre pa lahat ng theme ng Wowowee (TFC). Fave nya ang Going Bulilit at ang summer VTR ang Kapamilya!
Ay ang anak ko. Bata na!
5:30 PM | Posted by Ayie
May assignment ako galing kay Tita Melai, ang assignment ay ang tanong na “Why do I blog?”
Bakit nga ba?
> Simula ata ng matuto akong sumulat, mahilig na ako ikwento ang masasaya at malulungkot na paksa ng buhay ko. Weird ba? Pero kahit kelan hindi ko natutunan na ikwento ito sa paraang mas naiintindihan ng iba. Nakuha nyo? Sabi ko na sa inyo magulo ako eh! ahahahah!
Nung bata ako, kahit sa dahon, kahit sa bato, sa palapa ng puno o sa lumang kwaderno, gumagawa ako ng tula, sumusulat ng liham. Madalas pasasalamat kay nanay. Minsan akong gumawa ng love letter, para sa crush ko sa hayskul, isinulat ko sa tissue paper, nagkataon na naipangpunas ko sa naalikabukang sapatos saka ko itinapon sa basurahan. Anong swerte ko naman, napulot pa rin ng iba. Ang nakapulot, yung crush ko pa! Kakahiya. Pero simula noon naging kaibigan ko na sya..sayang daw. Kasi ang hinayupak, bakla pala!
> Malakas ang tama ko sa utak. Hinde. Emosyonal akong tao. Mapagmahal pero matampuhin. Madalas akong magdamdam. Kaya para hindi mapuno ang puso ko ng halo-halong emosyon, isinusulat ko na lang.
> Frustrated akong tao...period na. Ahahaha. Frustrated writer, frustrated singer, frustrated artist. Parang Jack-of-all-trades..turuan mo ako ng isang bagay, hindi ako hihindi. Kapag nagustuhan ko, hindi ko titigilan. Kapag natutuhan ko, gagawin ko hanggang sa makakayanan. Tulad ng blogging. Kinaaliwan ko na.
> Madaldal akong tao. Sa sobrang daldal naka-1,845,672 blogs na akong nacreate...at delete! Joke. Neyehehehehe. Makwento ako sa labas. Palangiti, palatawa. Mababaw kasi ang kaligayahan ko. Pero pagdating sa secret, sa bagay na seryoso, sa problema, sa hinanakit sa ibang tao, sa sarili kong saya. Hirap akong magsabi, mag express. Ewan. Basta ganon, sa blog lahat ng nagbabasa sa isinulat ko, nakikinig...nagbabasa...ninanamnam ang nararamdaman ko. Parang kasama ko rin sya. Kaibigang totoo.
> Kapag dumating ang araw. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, sa hindi inaasahan sitwasyon, bigla kong lisanin ang mundong ibabaw...hangga't hindi umaayaw ang blogger.com, mananatili ang history ko sa mundo ng blogging, sa world wide web. Mababasa, makikita, malalaman ng mga taong mahal ko, kayo...ang laman ng puso ko, ng isip ko. At nakatatak sa bawat pahina ng blog na ito, naka flash sa computer screen ninyo ang mga huling talatang sinabi ng puso ko.
Therefore, i conclude, hindi nyo ako makakalimutan.
Kasama ng assignment na ito ang maipasa sa limang blogger ang katanungang ito. Hindi ko alam kung katulad ni Tita Melai, may mas pa sa lima na nagmamahal sa akin para tumanggap ng assignment at mag comment sa post na ito. Kung meron, ay! salamat. Kung wala, kawawa naman pala ako...*sniff*drama*..hehe.
11:48 AM | Posted by Ayie
Nga pala, bago matapos ang linggo...pakilala ko lang sa inyo ang bagong blog ko. Pag feel nyong sayangin ang oras nyo, daan naman kayo dito....salamat!
http://kurongluka.blogspot.com/
Sige, enjoy your weekend!
http://kurongluka.blogspot.com/
Sige, enjoy your weekend!
10:59 AM | Posted by Ayie
It was a tiring week. From Satuday till today. i hope tomorrow will be much better dahil off ko naman. I can do whatever I want.
Ngarag ang lola nyo simula pa ng week na ito. Kaiisip kung saan makakahanap ng pamasahe para kay kuya. Konting tampuhan with my husband dala ng pressures namin sa buhay (nyehehe. bigat!) at kung ano ano pa.
Martes ng gabi para akong si Da Flash (baka flush!whahehe), pagkagaling sa trabaho, luto agad ng aking famous (na ngayon!) kaldereta, linis ng kwarto at sampay ng labada. Tiklop ng labada, ligo si Paopao at syempre ang pag aasikaso sa mga bisita (parang ke dami!).
Puyat dahil nag inuman all the way ang dalawang barako. Kahapon, Miyerkoles ng umaga, gising hatid lang si Kuya sa sakayan ng taxi, pasok sa office, biyahe pa-Dubai around 11am, seminar tapos uwi ng 5pm, pahinga ng 30mins, church naman, tapos uwi---natapos ang araw ko ng 1am na--nacross ko na ang oras for the next day! Whahhhaaaa!!!
Today, we supposed to check the nursery for Paopao, ewan ko lang kug may enerhiya pa ako to do it later. Gusto ng pumlakda sa kama at matulog hanggang kinabukasan.
Haaaay. Maayos namang nakarating sa pinas ang kuya. Salamat naman.
Wala naman naishare ko lang...haaaahhooohuuummm (**antok na**)
10:27 AM | Posted by Ayie
Happy Birthday to my dear father today! Yes. yesterday is my youngest brother's 17th Birthday and on 27th will be my Kuya and Paolyne's B-day. They're all celebrating birthday this month of April! One big happy family...yet destined to live scattered in this world.
My brother flew back to Philippines this morning. We had a simple dinner (house lang!) with my cousins and friends. Bilang celebration na rin for my YB's and Tatay's bday.
And then there is one....hahaha. I mean I am alone now. Not really alone alone. Pero 'alone' means wala na akong kasama from my original family.
Ok lang. Hindi nga ako umiyak today. Kse syempre hindi naman yun goodbye. See you lang...hahahaha. Basta ganon.
I feel like another problem has been solved. Not that my brother is a problem ha. Pero mabigat kse sa loob seeing him sobbing everyday, contemplating on the idea why he he left his family to be on the land of the golden sand.
Ngayon mas marami syang problema (at utang) na haharapin sa pinas. I hope matapos ang lahat. Anyways, kaya nya yun. Balwarte nya ang pinas eh.
Before I end this post (I have to go to Dubai today for a seminar!!!)...i would like to mention a few names. Thank them for being with us thru this hard fall. Thank you sa pagtitiwala at pagmamahal nyo. Salamat sa hindi nyo pag iwan sa akin. at sa mga kaibigan ng kuya ko...salamat dahil kahit sa sasandaling panahon, ginawa nyong meaningful ang stay nya dito sa Abu Dhabi. By gaining friends, true friends..
To Ate Ghie (my cousin) para sa lagi mong pakikinig sa lahat ng reklamo ko. To Elln, for your kind words... to my Husband, kahit praning ka...mahal mo ako, gago ka talaga! To Marie, for keeping the booking open, at pag hahanap ng murang pamasahe..heheheh. To Cecil (Bel Mondo), s tiwala mo kay Kuya at sa suporta (salamat sa pautang! sabi ni Kuya nagbabasa ka eh). Sa lahat ng staff ng Bel Mondo Resto-cafe, salamat sa pagkakaibigan. Sa staff ng Dot.com cafe, salamat...kahit alam kong may pagnanasa kayo sa kuya ko, ehehehehe. Sa boss nya sa Dot.Com, dahil sa tiwala mo at pagpapadala kay kuya sa training para maging Barista, may trabaho agad ang kuya ko sa Starbucks! ehahahahah!
Salamat sa inyong lahat. Wag kayong mag sasawa!
Yun lang at baka maiyak pa ako. God bless Bro! Keep the faith!
12:17 PM | Posted by Ayie
Delicate as a flower, fragile as a glass
My broken heart cries, my tormented soul passed
Upon this tragic moment where I see you eyes frown
My love hurts like a million knife throbs
Mahirap pala yung may nararamdaman kang galit, inis, pagtatampo pero hindi mo masabi o ni maipakita. Mahirap pala yung nagmamahal ka pero hindi mo makuha yung tamang timpla ng pagmamahal na hinahanap mo.
Hindi naman sobra ang hinihingi mo, hindi rin kakaiba. Pero kapag hindi kayang ibigay sa'yo na para bang 'isa ka lang sa..', ke sakit pala.
Minsan nakakapagod ng isipin pa kung ano at sa papaanong paraan mo pa maipadarama, yung hinahanap mong pagmamahal na hindi mo makita sa kanya.
Kahit nga alam mo sya ang buhay at ligaya mo, pero kapag ang pakiramdam mo walang effort ang ibinibigay sayo. Katumbas na rin yung pakiramdam ng 'basta ka na lang'.
I'm very insecure at the moment, aminado ako. After all what's happening para na akong bato. Mahirap kiskisin, matagal matumba. Kumbaga sa lasenggero kailangan na ng mas matinding tama.
Pagod lang ako alam ko. Pero putsa, ang ganda kong ngumiti. Pare, hindi mo ko makikitang mukhang ibabagsak ng problema. Nananaba pa nga rin ako kahit sa kabila ng lahat. Halos hindi ko makuhang sumubo sa maghapon. Dala na lang ng pag aalala sa sarili kaya ako kumakain. Kung di rin lang masarap sarap ang lalamunin wag na lang.
Magulo ba?
Ganyan lang kse ang laman ng kukote ko ngayon eh. Mababaw. sobrang babaw parang sabaw na lang ang natitira sa utak ko. Pero mabigat ang puso ko. Punong puno ng dalamhati at pag aalala.
Putsa daig pa namin ang na holocaust. Daig pa namin ang na tsunami o na ipit sa gitna ng gyera. Hindi matuloy tuloy ang papatak na luha ko sa mga mata. Habang sinusulat ko ito para akong may nakapatong na bato sa ulo. Ang panget ng repleksyon sa salamin ng taong maluha luha pero hindi makaiyak.
Tapos hindi mo pa ako maintindihan. Wala akong kailangang materyal na bagay. Pag unawa lang. Hindi na nga nabibili parang ke hirap pang ibigay. Pambihira.
Pinakamahal talagang bilhin ang pagmamahal. Ewan ko na lang.
++++++==========++++++
Sa kabilang banda. Maligayang kaarawan sa kapatid kong si Don. Deysi ka na. Deysi Sieyte. Ingat ka lagi Bunso. Mahal ka ni Ate.
8:20 AM | Posted by Ayie
"...when you stuble and fall and need a shoulder to lean on...I'll be on your side to keep you warm, for my love will see you through..."
Ansarap pakinggan ng mga words. So affectionate, para bang sinasabing.."pare, sagot kita".
Alam nyo naman guys kung nasaang limbo ako ngayon. At ang recent events of course, still trying to pull my energy down. May mga moments na parang di ko na gustong mag isip and just let go. Go with the flow. Kung saan ako dadalhin, ewan ko na lang.
I never tried to put my self in trouble. And always, I'm used to (and have to) being responsible for any actions I've taken. Laging sagot ko ang sarili ko. Never pa ata, or seldom let say na may ibang sumasagot para sa akin. Pero lagi, ewan ko ba, damay ako lagi sa problema ng iba. Nasanay na ata akong maging 'human shield'.
I wish people see this point...that they have to be careful of whatever decisions they make, especially if those decision can affect other people's life.
I've been answering to other people's "decision", putting me on odd situations. Hindi ko lang alam kung nakikita nila yung ginagawa nila sa akin. Kung saan nila ako inilalagay. It is really hurting me inside, and to think kapag naiisip ko to stop doing this, I find myself feeling selfish. Tama ba yun?
Sa problema ng iba, ako pa ang nakaramdam ng pagiging madamot dahil gusto ko ng huminto?
Nakakapagod ang sitwasyong kinalalagyan ko. Though, it's not my choice, pero parang 'no choice' nga ako. And I can't understand it. I can't.
Nahihirapan ako to the extent na hindi ko na maihiga ng maayos ang sarili ko sa kama. Hindi ko na maipikit ang mata ko sa gabi. Ilang magdamag ko ng iniyak ang mga ito. Iniiyakan ko ang idea na naghihirap ako sa problemang hindi ko dala.
Minsan tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, baka kasi nagbago na ang itsura ko. Madalas na nga akong magwalis sa bahay pero wala pa rin akong makitang bato. Kapag pumapasok ako sa trabaho, kapag mabilis akong nakararating sa opisina, dali dali akong lumilingon sa likod ko. So far, wala pa naman akong nakikitang pakpak o kapa. Kapag nagbubuhat ako ng timba sa banyo, tinitignan ko agad ang mga muscles ko kung lumalaki, hindi pa rin naman ako nag kukulay berde.
In short, hindi pa ako si Darna. Hindi pa ako anghel, buhay pa ako. Hindi pa rin ako si Wonder woman. Hindi rin ako si da Hulk.
Wala akong special powers. Wala akong espesyal na kakayahan. Never pa akong tumama sa lotto. At hindi ako tatakbo sa Congress.
Pero eto ako, daig ko pa ang representative sa UN sa dami ng issues and 'related' problems na tinatalakay ko mag isa. Ako ang presidente, ako rin ang member. Ako lang ang nakikipag meeting sa sarili ko. Ako rin ang gagawa ng solusyon....bakit?
Habang sinusulat ko ito...naghahalo ang sakit ng damdamin, pagtatampo, hirap ng loob at luha. Nangangarap ako, na isang araw maramdaman nila yung hirap at pasakit na ipinapasan nila sa akin. Sa loob ko, napaka unfair, napa ka selfish, na hindi nila nakikita kung anong sitwasyon ang pinaglagyan nila sa akin.
Pero hindi ako nag ku-quit. Hindi dahil sa isa akong tonta. Hindi dahil sa nangangarap akong agawan si Rizal ng lugar. Kundi dahil sa nagmamahal ako. At ang pagmamahal na yon ang patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas. Pero hindi ko kakayanin ang lahat, dahil hindi nga ako si Darna.
"..my love will always be with you, in everything you, in every step you make, in every road you take...don't be afraid to follow your dream, for my love....will..see you..through..."
Nasan kaya ang bato?
8:39 AM | Posted by Ayie
Naaalala ko ap nung bata ako at katoliko pa (INC po ako eh), kapag mahal na araw ang isa sa pinakamasayang panahon sa buhay naming mag pipinsan. Nye? Kakaiba diba? Pero bilang mga bata, masaya sa amin yung mga panahong pag iipun ipunin kaming mag pipinsan para payapa silang makapag pabasa.
Sa araw, syempre laro laro. Sa gabi kung kailan mas maraming bumabasa, ay! syempre ang saya. Pwede kayong abutin ng madaling araw ng walang sisita. Libre ang kape, libre ang biskwit. Nakakapag 'taguan pong' kami hanggang sa oras na gusto namin. Sa pinas pa naman, lalo na noong panahon mas safe pa ang lugar, at lalo pa nga sa probinsya (Bulacan) na lahat ng tao sa barrio ay magkakakilala, hindi gaanong kailangan ang ilaw sa poste. Ok na ang sinag ng buwan sa gabi. Kaya ansarap mag takutan!
Lumaki ako sa lugar na tinatawag na "looban". Kilala sa lugar namin ang "looban" namin. Isa syang compound na puro magkakamag-anak ang nakatira. Meron kaming sariling half court Basketball na ang board ay nakakabit sa puno na Kaimito. Bale ba, mga kapatid ng Lola ko at pamilya nito na inihalo ang pamilya ng Lolo ko at mga kapatid nito. Kakaiba no?
Hindi sya basta 400 sqm na looban ha. Ang sinasabi kong looban ay composed ng may anim na bahay na may tig-600 sqm na bakuran ang bawat isa (sorry technical ako eh). Sa may likuran ay may umaabot na 2000-3000sqm na bakanteng lote na may ilog, antawag namin noon ay "Ocean Deep". Kse uso dati yung kanta. May mga puno ng talisay, buko, kaimito, maraming bogainvillea, santan. Maraming alagang itik, pato, bibe, manok (tagalog at panabong), aso ang mga lola ko.
Napakalaki ng lugar para sa amin. Sa harapan ng bahay ay may humigit kumulang na 2000 metro cuadrado kung saan dun kami habulan ng habulan. May balon pa kami at puno ng sampalok na talaga namang hitik sa bunga.
Masarap ang panahon ng Mahal na araw sa amin. Naghahanda ang bawat bahay ng minatamis. Biko, gintaang laman lupa (kamote ika nga), laing na ang pinatuyong gabi ay galing din sa bakuran namin. Ganon din ang kuhol at adobong kangkong. Galing lang sa likod bahay.
Ansaya ng kabataan ko sa lugar na yon. Kahit pa nung panahong nagdadalaga ako. Syempre kapag pabasa, dumadayo ang mga taga labas. Paminsan ang mga barkada ng mga pinsan ko o ng kuya. Pa cute na ang mga pinsan kong dalaga to the max!
Haah. Masarap sariwain ang kabataang nagdaaan. Bagay na hindi ko alam kung kailan ko makikita muli o madadalaw. Sa huling kwento ni Kuya, wala na ang looban. Inilit na ng may ari ng lupa, wala na ang matatanda (lolo at lola), dahil ipinahiram lang ang lupang iyon sa kanila. Iginagalang kse ng barrio ang lolo. Pero ngayon, wala na raw tao dun maliban sa mga kapatid ng Lola ko na may ari ng unahang lupa. Iba na rin ang mga nakatira sa looban at nakakalungkot na ang mga sumunod na kwento kaya wag na lang.
Kakaiba ang ala-ala ng mahal na araw sa akin. Iba dahil masaya pa noon, mayroon akong pamilya.
9:45 AM | Posted by Ayie
I could say that this morning was one of the best morning of my entire life! Ahuh! you heard it right. Epp. Hindi dahil sa sex. Baka sex na naman ang iniisip nyo. Puro na lang sex yan! ahahahahaha!!! (-ang taklesa ko talaga!**shy**)
Whooohooo! Kung pwede lang na kapag masaya ka mailabas mo ang puso mo at pwede mong ipakita kung gaano ito kapula o kasaya (o ka green! *wink* eheheh- brains yon diba?), ipakikita ko sa buong mundo! wheeeeeeee!
Baket ako masaya? Gusto mong malaman?
Dahil sa isang email! Oo ng dahil sa isang email. eppp! hindi ako nanalo sa lotto o may na wire transfer na kadatungan sa account ko. wala po. Broke pa rin ako. Isa pa rin akong poor. Pero feeling Donya ako today. Mayaman ako talaga. At yumaman uli ako....sa kaibigan!!!!!!
Whaaaa! Shout for joy! Ahhhh. Ang sarap talaga ng feeling. Kse ang puso ko pag maidedescribe ko parang cactus. Opo, cactus. Dahil sa dami ng nakatusok, medyo namamanhid na nga sa sakit eh. Pero today, isang malaking tinik ang natanggal. Hindi ko na babanggitin ang name ng friend kong ito, pero whahehehe! Pinasaya mo ang araw ko! At alam mo ba na simula umaga puro kapalpakan ang ginagawa sa akin ng ibang tao (i mean Client at mga kaopisina), pero hindi nila matatanggal ang ngiti sa mga labi ko. shooo fly sila sa akin today! Coz' today is a great day to celabrate. Isang rason kung bakit I Love Philippines pa rin ako! ahahaha.
Mr. Bee, salamat sa patawad. Sabi ko naman sayo kung hihilingin mo na humingi ako ng tawad sayo para sa mga sinabi ko patungkol sa inyong dalawa. Hindi mangyayari yun in hundred years, pero kung sinabi mo na I should be sorry co'z it will create a division sa friendsships natin, then I AM VERY VERY SORRY.
I don't want to lose you guys. Kahit baduy na ngayon ang pangalan ng grupo nating 'Grown Ups' (whahehehe) still. ISA PA RIN AKONG FULL PLEDGE GROWN UPS Barkada. Sa pangalan pa lang ng grupo natin, sana nag dalawang isip na tayo to behave like kids. Grown ups, eh?! ahahahahaha
Haaay! Salamat sa iyo, kaibigan. Sana nga mabuo na uli natin ito. You, among any other sa barkada ang unang nakakakilala sa totoong ako. Ikaw ang sandigan ko non (kopyahan kamo). Hindi ako papasa sa Laboratory noon kung hindi mo ako ginawan ng Prog Project. Kung hindi mo ako kinocompete sa mga subject, I won't bother giving my best. Ikaw of all people believed on my talents and backed me up all the way.
I don't know too what happen to us. Pero siguro pagdadaanan talaga natin to, just to be stronger.
I love you all guys. Wish we could be all together soon! I miss you all!
=========>>>>>.........========>>>>>>.....
Sa isang banda... salamat Tikey sa mga freebies! Simply Gorgeous! Nyeheheh! Next time padadalhan kita ng mas maganda gandang picture ko. I airbrush mo na rin at ng mabawasan ang mga taba sa pisngi at baba! whahahaha!
Salamat!
Whooohooo! Kung pwede lang na kapag masaya ka mailabas mo ang puso mo at pwede mong ipakita kung gaano ito kapula o kasaya (o ka green! *wink* eheheh- brains yon diba?), ipakikita ko sa buong mundo! wheeeeeeee!
Baket ako masaya? Gusto mong malaman?
Dahil sa isang email! Oo ng dahil sa isang email. eppp! hindi ako nanalo sa lotto o may na wire transfer na kadatungan sa account ko. wala po. Broke pa rin ako. Isa pa rin akong poor. Pero feeling Donya ako today. Mayaman ako talaga. At yumaman uli ako....sa kaibigan!!!!!!
Whaaaa! Shout for joy! Ahhhh. Ang sarap talaga ng feeling. Kse ang puso ko pag maidedescribe ko parang cactus. Opo, cactus. Dahil sa dami ng nakatusok, medyo namamanhid na nga sa sakit eh. Pero today, isang malaking tinik ang natanggal. Hindi ko na babanggitin ang name ng friend kong ito, pero whahehehe! Pinasaya mo ang araw ko! At alam mo ba na simula umaga puro kapalpakan ang ginagawa sa akin ng ibang tao (i mean Client at mga kaopisina), pero hindi nila matatanggal ang ngiti sa mga labi ko. shooo fly sila sa akin today! Coz' today is a great day to celabrate. Isang rason kung bakit I Love Philippines pa rin ako! ahahaha.
Mr. Bee, salamat sa patawad. Sabi ko naman sayo kung hihilingin mo na humingi ako ng tawad sayo para sa mga sinabi ko patungkol sa inyong dalawa. Hindi mangyayari yun in hundred years, pero kung sinabi mo na I should be sorry co'z it will create a division sa friendsships natin, then I AM VERY VERY SORRY.
I don't want to lose you guys. Kahit baduy na ngayon ang pangalan ng grupo nating 'Grown Ups' (whahehehe) still. ISA PA RIN AKONG FULL PLEDGE GROWN UPS Barkada. Sa pangalan pa lang ng grupo natin, sana nag dalawang isip na tayo to behave like kids. Grown ups, eh?! ahahahahaha
Haaay! Salamat sa iyo, kaibigan. Sana nga mabuo na uli natin ito. You, among any other sa barkada ang unang nakakakilala sa totoong ako. Ikaw ang sandigan ko non (kopyahan kamo). Hindi ako papasa sa Laboratory noon kung hindi mo ako ginawan ng Prog Project. Kung hindi mo ako kinocompete sa mga subject, I won't bother giving my best. Ikaw of all people believed on my talents and backed me up all the way.
I don't know too what happen to us. Pero siguro pagdadaanan talaga natin to, just to be stronger.
I love you all guys. Wish we could be all together soon! I miss you all!
=========>>>>>.........========>>>>>>.....
Sa isang banda... salamat Tikey sa mga freebies! Simply Gorgeous! Nyeheheh! Next time padadalhan kita ng mas maganda gandang picture ko. I airbrush mo na rin at ng mabawasan ang mga taba sa pisngi at baba! whahahaha!
Salamat!



Next time yung naka two piece bikini na ako while lying on the white sand para magulantang ang buong mundo!
Whahehehehehehe! Pangarap lang po! Malay mo magkatotoo! Ilan lang yan sa mga weird dreams ko maliban pa sa maging isa na akong super hero at ng matapos na ang mga problemang ito.
Happy weekend guys. Sa mga may Mahal na araw, pakabait kayo. Sa mga tulad kong wala, tara mag enjoy tayo! whahehehehe!
P.s. Salamat sa lahat ng nagpapasaya sa buhay ko. Inaari kong mga anghel kayo mula sa Diyos. ipinadadala kayo sa akin para pagaanin ang pasan kong krus. Kung may mga pagkakataon na nakasakit ako sa inyo, patawarin nyo ako. Tao lang kumbaga, nagkakamali. Pero hindi ko kaylan man iisipin na makasakit ng mga taong dahilan ng masasayang araw ko sa buhay.
kahit pa nga ang mga magulang ko na syang pinag mulan ng lahat ng ito. hindi man nila maamin sa kanilang mga sarili na naging makasarili ang mga ginawa nilang desisyon sa buhay. Nagpapasalamat pa rin ako, hinayaan nila kaming lumaking may malaking takot sa Diyos. Iyon lang ang bagay na pinakamahalagang pamana na naibigay nila. Sana lang maalala nilang sila ang nagturo noon. Sana maalala nilang gamitin muli yoon sa buhay nila.
Hindi kami perpekto Ina, Ama...tulad ng dati, mga inakay pa rin kaming sisilong sa inyong matitibay na pakpak. Ngunit sa mga panahong tulad nito, saan kami susulong?
Ngunit ganon pa man salamat. Salamat dahil binigyan nyo kami ng pagkakataong mabuhay. Kung papipiliin ako ng mga magulang, kayo pa rin ang pipiliin ko, pero this time hindi na kami papayag ng ganito ang magiging sitwasyon nyo. Mahal ko kayo. Mahal na mahal. Pero hindi lahat ng magulang ay tama. --ngayon alam ko na kung bakit 'magulang' ang tawag sa nanay at tatay. hmp!
12:12 PM | Posted by Ayie
Sheesh. I'm feeling super tamad. Ewan. Cguro kse almost all of our projects (work) are going smoothly. Walang masyadong hassle sa office (since I started to learn not to meddle on other people's work, which my boss describe as being 'lazy' - sama noh?!). I could relax on time I want dahil on time lahat ng work ko. Hindi ako na o-overload at hindi rin nag ka cram.
======>>>>.....
Napansin ko lang lately, gumagaling na akong mag luto ha. Or should it coz' I'm interested (and having fun!) of doing it. Ipina plano ko na lang ang dishes sa Bday ni Pao. Ano kaya?
======>>>>.....
Walang masyadong mai-blog. Maya na lang. O bukas. Ei! Want to see the view outside my office window?
Eto sha!



Mejo marumi yung glass window hehehe. Anyways have a fruitful lenten season at magpakabait kayong lahat. Btw, may Red Bull Air Race show sa Friday. Post ko na lang ang pics after.
God bless!

P.s. Halata bang happy ako? Nyeehehehe. Happiness can really be found even on the simpliest things (or instance) in life.
======>>>>.....
Napansin ko lang lately, gumagaling na akong mag luto ha. Or should it coz' I'm interested (and having fun!) of doing it. Ipina plano ko na lang ang dishes sa Bday ni Pao. Ano kaya?
======>>>>.....
Walang masyadong mai-blog. Maya na lang. O bukas. Ei! Want to see the view outside my office window?
Eto sha!
Mejo marumi yung glass window hehehe. Anyways have a fruitful lenten season at magpakabait kayong lahat. Btw, may Red Bull Air Race show sa Friday. Post ko na lang ang pics after.
God bless!
P.s. Halata bang happy ako? Nyeehehehe. Happiness can really be found even on the simpliest things (or instance) in life.
12:15 PM | Posted by Ayie
Random thoughts...
Ok na naman kami ngayon. (ehem). Pero palagay ko mas ok na talaga kami ngayon. Sobra ng dami ng paliwanagan para hindi pa magkaintindihan. Alam nyo ba kung ano ang problema? Sobrang mahal namin ang isa't isa. We can't get enough of each other. And since lagi kaming busy, namimiss na namin talaga ng sobra ang isa't isa.
Bluntly I'll speak, we miss each other so much, not only the kwentuhan, dates, harutan at syempre yung making love (a.k.a sa mas taboo pero naiintindihan ng lahat...sex) ahahahah! Major problem ito for the last few months na. Coz' either I'm too weak (tired) to do it, we don't have much privacy (si Kuya kse eh! ahahahaha!) Pareho pa naman kaming mahiyain. Hindi rin sya mahilig sa PDA. Kaya kahit kiss minsan patago pa kami (goodbye kiss na lang, pa secret pa rin).
Hindi ko na nga matandaan ang last passionate(torrid kamo! bwahahaahha!) kissing namin. Ay naku, Ice age pa ata. Ska si Paolyne kse nakakaintindi na ng Kiss at Hug at of course maipakita daw ba namin sa bata na...heller!
So, you see gutom na gutom na ang asawa ko. Kaya mga misis, totoo pala ang chizmiz...nakakainit ng ulo ang kawalang sex! ahahahahaha!
Ps. wala akong pakialam sa mga manang ahahahah! blog ko to, maghanap kayo ng blog na walang sex! ahahahaha!
===========================>>>
On the other hand, na post poned ang alis ng kuya ko from 4th to 24th. hindi pa namin alam pero sana ok na ang lahat. Naawa na rin ako sa mukha ng loko, pumayat talaga. ska kulang na rin yun sa ano! ahahahahaha!
=========================..........>>>
Gusto nyong makita ang mga pose ng anak kong pang Next Top 10 Models of the world? Nyeehehhehe


Ok na naman kami ngayon. (ehem). Pero palagay ko mas ok na talaga kami ngayon. Sobra ng dami ng paliwanagan para hindi pa magkaintindihan. Alam nyo ba kung ano ang problema? Sobrang mahal namin ang isa't isa. We can't get enough of each other. And since lagi kaming busy, namimiss na namin talaga ng sobra ang isa't isa.
Bluntly I'll speak, we miss each other so much, not only the kwentuhan, dates, harutan at syempre yung making love (a.k.a sa mas taboo pero naiintindihan ng lahat...sex) ahahahah! Major problem ito for the last few months na. Coz' either I'm too weak (tired) to do it, we don't have much privacy (si Kuya kse eh! ahahahaha!) Pareho pa naman kaming mahiyain. Hindi rin sya mahilig sa PDA. Kaya kahit kiss minsan patago pa kami (goodbye kiss na lang, pa secret pa rin).
Hindi ko na nga matandaan ang last passionate(torrid kamo! bwahahaahha!) kissing namin. Ay naku, Ice age pa ata. Ska si Paolyne kse nakakaintindi na ng Kiss at Hug at of course maipakita daw ba namin sa bata na...heller!
So, you see gutom na gutom na ang asawa ko. Kaya mga misis, totoo pala ang chizmiz...nakakainit ng ulo ang kawalang sex! ahahahahaha!
Ps. wala akong pakialam sa mga manang ahahahah! blog ko to, maghanap kayo ng blog na walang sex! ahahahaha!
===========================>>>
On the other hand, na post poned ang alis ng kuya ko from 4th to 24th. hindi pa namin alam pero sana ok na ang lahat. Naawa na rin ako sa mukha ng loko, pumayat talaga. ska kulang na rin yun sa ano! ahahahahaha!
=========================..........>>>
Gusto nyong makita ang mga pose ng anak kong pang Next Top 10 Models of the world? Nyeehehhehe
Pwedeng model ng Pamper's diba? Nyahahaha!
8:18 AM | Posted by Ayie
Days are passing by, silence kept us divided
We're living on both worlds, were two of us only know
I am grieving inside, and you are hurting too
But then pride makes us stone cold, suppress us to say the right words
I love you
If this is the end, then why can't we just say it
If this is the last drop, then let's just agree with it
If there's no more inside, let's just keep it simple
I'd walk away with tears but I wont hold you back, no more
I love you so much, all is said and done
But I can't force you to love me, no that's not what I want
I love you so much, I'd rather set you free
Than hurt you with my words and make you hate me
I love you so much, though I know you can't see
You know deep inside, I am flooded with tears
God helps us if so...
Thought of letting you go...killing me softly inside
I would let you go, just ask for it...you should know
I love you once more, I love you once again
Let me know, if this is goodbye...let me know...
We're living on both worlds, were two of us only know
I am grieving inside, and you are hurting too
But then pride makes us stone cold, suppress us to say the right words
I love you
If this is the end, then why can't we just say it
If this is the last drop, then let's just agree with it
If there's no more inside, let's just keep it simple
I'd walk away with tears but I wont hold you back, no more
I love you so much, all is said and done
But I can't force you to love me, no that's not what I want
I love you so much, I'd rather set you free
Than hurt you with my words and make you hate me
I love you so much, though I know you can't see
You know deep inside, I am flooded with tears
God helps us if so...
Thought of letting you go...killing me softly inside
I would let you go, just ask for it...you should know
I love you once more, I love you once again
Let me know, if this is goodbye...let me know...
9:21 AM | Posted by Ayie
Kapag ganito ang pakiramdam ko...kapag malungkot at walang gana (sa buhay)...bumabalik ako sa lumang ugali, hindi magsasalita, hindi halos humihinga. Pakiramdam ko, ang puso ko nakalagay sa ginta ng dalawang nag uumpugang bago. Pinipiliit pigain ang natitirang emosyon kung may natitira pa.
Pasensya na sa mga nagbabasa. Parang lagi na lang lungkot ang naikukwento ko. Parang wala man lang excitement ang buhay ko.
Kaya lang, kung kilala nyo nga ako, at alam nyo ang nangyayari sa buhay ko...hindi nyo na rin marahil gugustuhing ngumiti.
Ang huling kwento....nagdecide na ang kuya kong umuwi sa pilipinas. Hindi nya nakayanan ang lungkot, hirap at pagod ng isang OFW. Malayo sa pamilya at mga mahal sa buhay. Lalo na nga at nasa pilipinas na rin ang tatay ko. At ang bunso naming kapatid ay natigil sa pag aaral (promise Don babalik ka sa school..magiging Nurse ka promise). Kapapanganak lang ng hipag ko (asawa ni kuya) at ang huli, may luslos daw ang bata (babae ha). Kailangang operahan.
Hindi na kaya ni Kuya, na malayo sa pamilya nya. Hindi rin nya kaya na ganon ang sitwasyon sa pilipinas na wala sya.
Kung hawak ko ang Abu Dhabi (meaning mas kabisado ko ang buhay dito), hawak naman ng kuya ko ang Malabon. Kanya kanyang teritoryo. Dito wala syang diskarte, pero sa pinas alam nya ang laban nya. Sa pinas wala akong diskarte, pero dito mabubuhay ako sa paratha!
Malungkot ba ako? Oo, pero nalilito na ako sa emosyon ko eh. Mas nakakalungkot ang madalas naming tampuhan ng asawa ko. Mainly, ako naman ang problema. Hindi pa lang kse naiintindihan ng asawa ko ang sitwasyon ko ngayon.
Naranasan nyo na ba yung pakiramdam na tulad ng ganito? Yung para kang nasa limbo ng kamatayan? Yung parang sa bawat paghinga mo, nababawasan ng isang bara ang buhay mo. Na parang hinihigit ang bawat himaymay ng laman mo na kusang sumasama ang mga ugat pero wala kang maramdaman dahil manhid ang utak mo. Wala ka ring makita dahil maga na ang mga mata mo sa kaiiyak. Ubos na ang luha mo at nararamdaman mo na lang ang sakit mula sa sentido mong pumipintig.
Pagod ang isip ko, pagod na rin ang kaluluwa. Hindi ko nga alam kung ano pa ba ang hindi ko kakayanin. Hindi ko na alam kung training pa ni Lord to o pinapalo na Nya ako. Kung training to, daig ko na ang Masteral, degree holder na ako sa problema. Pero kung palo ito, nasasaktan na po ako. Latay na po ang puso ko.
Hindi ko alam kung gaano bang kalawak na pag iisip ang kailangan kong tamuhin para ilagay ako sa sitwasyong parang hawak ko ang mundo. Isinusuko ko na po ang lahat sa kamay ng Mas May kapangyarihan.
Anong meron ako? Mahal na mahal ako ng Diyos, kailangan Nya akong linangin, kailangan Nya akong subukan kung hanggang saan ang pagmamahal ko sa Kanya. Napaka swerte ko.
Naiintindihan ko, hindi ako ang pinaka kawawang tao sa balat ng lupa. Kapag ganito ang naiisip ko, biglang nawawala ang lungkot sa akin. Bumabalik ang dati kong sigla. Pakiramdam ko bigla isa akong Donya! Kung ikukumpara ako sa mga nakahandusay sa lupa, at isang hibla na lang ng buhok ang pagitan ng buhay at kamatayan dahil sa gutom. Pakiramdam ko isa akong prinsesa. Dahil nakahiga ako sa malambot na kama. Napalalamigan ng de kortenteng hangin. Kumakain ako ng piling sangkap na niluto pa ng mga nagpakabihasa sa pagluluto. Nakaupo ako sa isa sa pinakamagandang opisina sa bansang ito. Natatanaw ko ang gawa ng kamay ng Diyos. Asul ang langit sa paligid ko.
Ano pang ikalulungkot ko?
Sa ganon ko na lang ipinalalagay ang lahat. Sa ganoon para sumaya ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)






