May bago na naman akong problema...ewan ko kung problema ang tawag dito. Hahahahaha!
Natututunan na kse ni Pao ang kanyang genitalia. Nauna ang dibdib. Siguro dahil madalas nakikita nya akong nagbibihis. Naaaliw sa bra.
Kahit ngayon, kapag biyernes, sabay pa rin kaming maligo. Noon ok lang. Pero ngayon iba na ang tingin sa akin. (nakakahiya na nakakatawa)
Last time na naligo kami ng sabay, tinititigan nya talaga ako, sabay tingin sa sarili nya, tapos titingin uli sa akin. Iniisip nya siguro..."why mommy has layers and layers of fats!hehehe" joke. Pero nakakatawa talaga!
Ang tawag nya sa dibdib nya at sa ibaba ay 'pipay'. Kaya nga naging "Pipay" ang user name ko. Dahil nung dumalaw ang isang kaibigan ko after manganak, kamukhang kamukha daw ng ama ang bata, yung 'pipay' lang ang namana sa akin. hehehehe.
Kagabi, sabi nya sa daddy nya.."daaad, see???" Wala kasi syang diaper. Masayang masaya si Pao pag walang suot na diaper. Nga lang, hindi pa nya kayang pigilin ang pag wiwi, maliban sa nasasabi na nyang po-poop. At kagabi nga pinakikita nya sa daddy nyang wala syang diaper, and she can see her 'pipay'.
Ng mahiga na kami, biglang sabi sa akin.."mommy, show me..show me," habang hinahablot ang blouse ko. "show me, pipay" Tawa ng tawa si Panday. Ano daw ba ang trip ng anak nya.
Tuwang tuwa sya sa bras, sa stilleto, sa malalaking sunglasses, sa dangling na hikaw....feel na feel ng anak ko ang maglipstick, mag pulbos, mag cologne.
Definitely, hindi talaga sa akin namana yan.

Read Users' Comments (6)

Inuwian ako ni Tita E ng mga magazines from the Wellness Exhibition. Sya kse ang nasa stand nito last 22-24 May, sa Dubai.
I like magazines, I used to collect it. Pero ng lumipat kme ng bahay, nawalan ako ng space para dito kaya yung iba ipinamigay ko na at yung iba ay naitapon na rin ni Panday. Pero eto, nagsisimula na namang dumami ang mga magazines sa bahay. Isang araw, di ko mamamalayan ga bundok na naman ang dami nito.
One of the magazines featured Ms. Chin-Chin Gutierrez, talking about what happen to her last December 2006. Yung nasunog ang bahay nila. Nabasa ko na ang tungkol doon sa isang kilalang blog. Pero hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin. This time, she was telling about how she accepted it and moved on...
There is one para that hit me, hard.
Sabi nya, Yes, she lost her house, but not her home. Kse ang home daw nya ay si Nanay (ang nanay nya), kung saan sya nabuo at unang nanirahan. Immediately after saving her mom mula sa umaapoy na bahay, wala na raw syang ibang ginawa. Knowing that her mom is already safe, hindi na nya sinubukan pang kaunin ang natitira sa bahay.
Kung ako ang ina ni Chin, luluha marahil ako. Sa tuwa, sa ligaya.
It touched me. Kse ako, I don't know if I can go back to my 'home', anymore. I found a new place to live. I have 2 houses to share with my beloved once I get back to Philippines. I have new 'houses' to stay from my 'extended family'. Pero I long to be with the home I am used to....I miss that home.
Alam kong hindi ko na dapat pang ipagmukmok. Tapos na ang lahat. Nangyari na.
Pero hindi ko maiwasan ang lumuha paminsan minsan. Magtanong sa nasa Itaas kung bakit. Kung ano ang dahilan. Wala akong maipaliwanag sa sarili ko. Pero paulit ulit pa rin akong nagtatanong. Nagbabaka sakali na maging malinaw ang lahat. Pagkatapos, hindi na ako iiyak uli.
Kung naitatago lang ang luha, hindi na ito aagos mula sa mga mata ko. Kung kaya lang pigilin ang sakit na nararamdaman ng puso, hindi na siguro ako magdaramdam. Andami kong 'kung'...dahil kung hindi ka nawala, buo sana ang saya na nandito sa puso ko, na naabot ko ang tagumpay ng kasama ka.
Ulit-ulitin nyo man sa akin, na iwanan na ang nakaraan, hindi siguro maaari. Dahil tulad ni Chin, ang sinapupunan nya ang una kong tahanan. At dun pa rin bumabalik ang puso ko, upang hanapin ang tunay na kapayapaan.
Ang magpatawad ay kapayapaan.

Read Users' Comments (2)

I feel like writing again. Kelan ba ako hindi dumaldal? Pero for some reason last week, bigla feel kong tumigil...then after again, sabi ko sa sarili ko 'hindi ako yun'. Hindi normal sa akin ang matahimik ang utak. Ang bibig. Lalo na ang kamay.
Natural akong masayahin. Ewan ko. Miss Sunshine, oo. Sabi ni asawa, hyper. Pero kapag na drain, daig ko pa ang fake na Eveready battery.
Last friday, after my bro told me na he's waiting for me to update...sabi ko sa sarili ko...may nakikinig naman pala sa akin. May nagbabasa naman pala ng nararamdaman ko.
I don't really care about hitting hundred sa visitors list or so, kung wala namang ibang gagawin dito kundi..wala lang. Just because the visitor wants to say courtesy, bisitahin ang blog na 'to gather links, wag na lang.
In reality, i have few friends. K'se nga takot ako. Ayoko ng so-so friend. Kse nga pag minahal kita, ibibigay ko sa'yo ang kaya ko. Kaya takot ako sa opportunista at mangagamit. Iilan ang kaibigan ko, hindi naman siguro masama ang ugali ko. I always tell them na kung may galit sila sa akin, o may issue na dapat pag usapan (in case na meron akong nararamdamang kakaiba sa kilos nila), cornerin mo lang ako. Ke sampalin mo ako, basta alam kong ako ang mali, tatanggapin ko.
Pero wag, ehem, again, wag na wag mo akong gagaguhin. No. Wag. Yun ang hindi mo pwedeng gawin. Oo, sinasabi ko na ng derechuhan. Walang keber, walang chenezz. Dahil pag ganun ang ginawa mo sa akin, once..patatawarin pa kita, baka kse nabigla ka lang. Twice, sige, basta magsorry ka, tao ka lang eh. Pero yung pangatlo at saka walang salitaan? Magtago ka na. Wag ka ng pakita.
Pero pag makapal ang mukha mo. (makapal talaga). Sige, chikahin mo ako. Magaling naman akong mang uto eh. Frustrated artista ako, kaya aartistahin kita. Hindi ako gagawa ng kahit anong hakbang na makapananakit sa'yo, pero sigurado, minumura kita sa isip ko. Makapal ka na rin lang. Pakapalan na tayo.
Opps, bakit ba ganito ang nasasabi ko. Wala naman. Kilala ako ng mga kapatid ko eh, hindi ako nagagalit as in galit. Sa ganitong paraan lang ako nakakapag send ng message sa kanila. Kaya pag may kaaway ako, hindi ako sumbungera. Naiiyak na lang ako bigla tas sugod na ang mga kapatid ko.
Gaya nung bata kami, may nambato sa akin sa binti, sugod ang kuya ko. Batuhan, suntukan. Ayan na nanay ko, tas ayan na ang nanay ng kaaway ko. Whaahehehe. Riot!
Nung nakaraan, nakorner ako ng hinayupak na manyak sa lift, paglabas ko ng lift nanginginig ako sa takot. Wala namang ginawa, inakbayan lang ako. Pero hinalikan si Pao sa pisngi. Kung di rin lang baka masaktan si Pao sa lift, baka lumaban pa ako. Pero dahil nga kasama ko ang anak ko, naunahan na ako ng takot. Di pa ako nakakaisang sentence, sugod na ang kuya at asawa ko. Kung nasa pinas kami, at bale wala ang away (since kulong ang abot mo dito), sigurado, mahihiya ang aso sa mukha nung mama na yun!
Wala akong resbak dito. Walang magtatanggol sa akin. Si Panday, si Ate Ghie..iilang concern citizen. Mga kaibigang ayaw ko na ring buligligin sa mga ganitong klaseng drama ng buhay, kaya sa blog na lang ako nag sesend ng message.
Bahala na si Lord sa akin...nag p-PMS na naman ako. hehehehe!

Read Users' Comments (2)

Ehem. Ehem. At nagbabalik!!!

Syempre. After akong i-remind ng aking big brother kung bakit ako nag boblog..ay hindi para i-tsismis ang buhay ko!Ehek! Kundi ang makabalita sila tungkol sa amin dahil hindi naman kami madalas mag kausap.

Sorry Bro. Medyo sumikip ang schedule ng kapatid mong praning.
Katatapos lang ng sandamak-mak na church work. Halos himatayin ako sa puyat. Tapos nasundan pa ng gala dinner para sa aming produkto. Hindi sana sasama ang lola nyo dahil hanggang ngayon ikinahihiya ko pa rin ang aking post-pregnancy look. Hehehe. taba na talaga to eh. ehehehe. Pero syempre hindi naman pwedeng di ako makatikim ng masarap na hapunan, at makipag sosyalan na rin sa mga alta sociedad. Paminsan minsan, iwanan ang 'poor status' ko at magawang makadaupang palad ang mga pinagpala sa lipunan ng politika at showbiz.


Guest namin ang year 2000 Ms. Universe at si Nancy Ajram (sya ang model ng Coke sa Middle East, Lebanese Pop Star nila).

Nakipag picture picture ako matapos kumain ng 'caviar at quail egg'. Ewan kung ano ang espesyal sa kalahating itlog ng pugo na katabi ng salmon steak na yun. Akala nga naming magkakasama yun na ang dinner. hihimatayin na kako tayo sa pagod sa pag ngiti at pag kamay ng mga delegantes eh yun lang para ang kakanain natin dito? Kung may lugawan lang sa labasan ng Jumeirah, palagay ko...tumakbo na kami doon!!

Buti na lang nasundan ng Steak na may tatlong pirasong steamed carrot at 3 pirasong steamed asparagus yung unang inihanda, kung hindi magwawala na talaga kami! ehehehe. Sabi nga ni Panday, "sa sosyalan hindi lamon ang kain mahal!!!"

Nung una nga ay hindi ako mapakali kse kalahati ng dalawa kong reyna elena ang nakalabas! (bust!hehehe) Kaya lang dahil nga sosyalan, uso pala ang nakalabas ang unahan! ahahah! hindi ko na rin itinago, mas maganda naman ang akin eh!

Mahabang kwento, mahabang oras ng stress. Alas-dos na ng madaling araw ako ng makauwi, may pasok pa kinabukasan. Ang mabait at huwarang ina, madaling araw na wala pa sa bahay. Halos dalawang araw kong di nakausap ang ang anak. At groggy na sa antok ang asawa ko ng abutan ko sa bahay.

Kahapon, alas-6 ng gabi bilang treat kay Pao dahil halos isang linggo syang naignore ng magulang, nag beach kami malapit sa Hilton. Masayang masaya ang bunso ko...


Kung gusto nyong makita ang mga pictures, dalaw na lang kayo sa Multiply ko..

Read Users' Comments (0)

Hellllooooow!(looow..lowww..looooooww- echo effect daw!)
(Ang ganda ko ba? Mantakin nyong ang mukhang yan ay may pag iisip na malala pa sa isang luka-luka eheheheh!)


Is anybody alive there?!Este..kamusta mga friends. Pacencia na muna kayo magtatagal ang bakasyon ko sa blogging. Tambak sa trabaho ang maganda nyong kaibigan pero magbabalik syempre...

Kapag wala kayong magawa, pasadahan nyo naman ang bahay namin at agiw-agiwan nyo na rin.

Marami kasing activities mapa-church at office. Hectic ang schedule ng Mama! Kaya magkita kita na lang muna tayo pagkatapos ng ilang panahon...

Epp, pag gusto nyo pa ring masilayan ang kagandahan ko. ehehehe (kapal!)...bisitahin nyo naman ang Multiply namin..dun na lang ako mag loload ng bagong mga pictures at ng malaman nyo na rin ang mga pinaggagagawa ng lola nyo!

Ingats mga kapatid! Always remember..ahh labbs yu!

Read Users' Comments (5)

Napraning kaming mag anak kagabi....hehehe...para bang hindi normal sa amin yon?!!??




At eto ang mga ebidensya!!!!


Nyahahaha!
Isa pang Nyahahaha!


Hanep...parang totoo..hehehe. Joke....love na love!!



Click nyo ito at ng magkalinawan tayo. hehehe. Andyan ang iba pang ibidins!




Love it!!!!

Read Users' Comments (11)

Si Paolyne...
Nung lunes, kasama ko sya sa church office para sa mga paper works, kataon nandoon ang baby ni ABT (friend) akay may nakalaro. Maya maya ng makauwi na ang kalaro, itinabi ko na sya sa upuan ko ng matapos na. Andoon si Xee (friend) at tinutulungan si Pao buksan ang mga kutkutin ng biglang mahulog ang candy. Nagsalita ang mahaderang anak ko "oh my god, shit!"
Whaaa! Halos lumubog ako sa kinauupuan ko. Sabi ni Xee "mare, hindi na ata 2 years old ang anak mo. Tao ba to?"
Natutunan nya yun sa Kuya ko dahil hilig ni kuya ang expression na iyon, hanggang ngayon hindi pa rin nya makalimutan.
At kahapon! Whaaaaa! May nangyari kagabing kahindik hindik! Whaaaa! pag naaalala ko kinikilabutan ako na gusto kong batukan ang sarili ko, sabayan ko na ng kurot sa singit!
Kahapon, maagang natapos ang meeting namin sa office kaya bandang 6:00pm lang pauwi na kami ni Ate Ghie. Konting wento, as usual ang topic namin ay walang iba kundi ang baby ko. Sa dami kasing ginagawang kakaiba ni Pao (hehehehe), hindi ko matatapos ng isang araw ang kwento sa kanila, kahit nga sa blog.
Pag uwi ko, luto, linis, kain..maya-maya naisipan kong ayusin ang tokador ko...bleh, blah and so fort...isasarado ko na lang ang pinto..ano nga tawag dun? Mother's instinct ko na lang ata yun dahil nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nandoon si Pao, kaya dahan dahan kong isinara ang pinto ng aparador na usually inihahamba ko na lang bigla...at ayun nga! Nandoon ang magandang daliri ng anak ko!!!!
Kahit dahan dahan ko pang naisara ang pinto ng aparador, naipit pa rin si Pao. Matalim ang gilid ng tokador...nakita ko yung unti-unting pag nganga ng bibig sa sakit at pamumula ng mukha nya!!! Pagbukas ng pinto, naipit uli ng kaunti at saka pa lang nairelease ang daliri. Whaaaa!
Halos himatayin ata ang bata sa pag iyak. Ako man umiiyak na. Hindi na kse napigilan ang pagsara ng aparador kaya kahit papaano talagang nasaktan sya. Ng makita ko ang kuko...yupi sa bandang itaas at maputi na, ang balat ng daliri ay nahiwa at nangingitim. Hindi ko mabitiwan si Pao, yakap yakap ko lang. Bumubulong ako ng ilove you, love ka ni mommy, that's ok...maalo lang ang bata. Pero nakamputsa! Hanggang ngayon parang mamumura ko ang sarili ko.
Kse halos alam ko na eh, pero hindi ko muna itsinek bago ko pa isarado ang pinto ng aparador. Ilang beses na rin naipit si Pao sa pinto. Hanggang ngayon pag naaalala ko ako mismo napapa aringking. Ewan ko naman ba sa anak ko kung anong interesting sa mga singit singit ng kahit ano at hilig kutkutin!?
Haay, sa susunod talagang hindi na...natapunan na rin sya ng kakukulong sabaw ng sopas dahil sa kalikutan. Bumagok ang ulo sa sahig dahil umakyat sa side table. Naipit sa pinto ng 3 beses.
Ewan ko na...sa susunod hihimatayin na lang akong bigla..!

Read Users' Comments (5)

Lulululululu...hmmmnnn... pakanta kanta, wala na namang pumapasok sa utak ko. Sabihin ko na ang totoo,...wala naman talagang laman ito eh. hehehehe.

Naisip ko si pao pao kanina, habang nag didictate yung amo ko. Napalo ko na naman kse. Napakaingay at daldal ng daldal ng walang kawawaan. Basta salita lang ng salita. Walang ibig sabihin. Basta maingay lang sya. Alas-onse na ng gabi, marcha ng marcha sa kwarto. Dala dala ang lumang lata ng kauubos na gatas.

Andiyang mahulog ang lata, andiyang pukpukin ng remote control. Kanina ko pa sinasabing "shhhh. natutulog na si tita rica..."ayaw pa ring tumigil. Napalo ko nga tuloy. Sagot sagot sa akin, "alis ka jan". Nayakap ko tuloy ng mahigpit. "i love you naman" kako, "kaya lang you're too naughty, why are you so noisy...it's late already, we can't play anymore"....humaba lang ang nguso. Nakuha ko rin ang lata.

Nakakadalawang bote na ng gatas, maya-maya eto na naman. Sa kama naman nagpatalon talon. Hindi rin naman maawat ng Daddy nya. Ng nakita nyang nanlilisik na ata ang mata ko, humiga ng padapa, walang kibo...maya-maya tulog na.

Haay.

Si Pao pao na ata ang batang babaeng ang enerhiya ay sing lakas ng sa isang 5 taong batang lalaki!!! Ang mga laro rin nya ay hindi pang prinsesa. Puro talon, takbo, sipa, pukpok dito pukpok doon, sige ang daldal, sige ang ingay. Kumakanta pa kagabi ng 'Hawak Kamay' paulit ulit. Paulit ulit. Paulit ulit.

Kung anong irita ko kagabi, syang tawa ko ngayon pag naaalala ko....sa susunod, hindi ko na papaluin, bahala na.

Read Users' Comments (11)