Life is unique. Everyday of my life is unique. God has so many ways to say 'I love you'. Yesteday, I was crying. Today, is like clear/calm water. And tomorrow, could be the best day of my life.
I don't know what is God's plans for me. For my family. But still, I keep my faith.
Hiniram ko sa Diyos ang aking buhay. Ibabalik ko ito sa Kanya ng buong pagmamahal.
Umiiyak ako ngayon dala ng lupit ng tadhana. Nagdurusa ang puso ko sa mga ligalig na nadarama. Hanggang ngayon, tinuturuan Nya akong magtiwala. Sadyang napakatigas ng ulo ng tao.
Mula pa ng oras na pili ako ng Diyos para mabuhay...alam ko na at naiintindihan ko, mahal Nya ako. At kung ano man ang dahilan o plano Nya para sa akin, malugod ko itong tinatanggap. Dangan lang talaga, dala ng kahinaan..madalas masubukan ang katatagan ng tiwala at pagpapakumbaba. Hindi magawang tuluyang maisuko ang damdaming lumalaban sa pag amok ng buhay.
Kung ang buhay ay tulad ng laban ng 'boksing'. Matagal na akong 'knocked-out'. At dala rin ng pagsasariling isip, matagal na siguro akong tumba. Ngunit ang Diyos ay mabuti. Binibigyan Nya akong ng pagkakataon palagi.
Tulad ng alipores ni Madam sa politika, binibigyan Nya ako ng pagkakataong mag-'revamp'. Mag isip. Mag limi-limi. Mag bulay-bulay. Buti kahit ano pa man ang sitwasyon, hindi ako pinapatulan ng Diyos. Buti kahit sandamakmak na walang kawawaang tanong ang umuukilkil sa isip ko, hindi Nya ako sinasagot ng sagot na gusto Nyang sabihin sa akin. Dahil pag nagkataon at hindi ko nagustuhan, baka malaglag ang lahat ng ipin ko sa galit Nya.
Sige na. Sasabihin ng iba, mala luka luka na naman ang pinag sasasabi nito. Bagay na walang kawawan at binibigyang paliwanag ang hindi maintindihan. Maaring ipinaliliwanag nya sa sarili nya, pilit na ipinaiintindi ang hindi maunawaan. At ang tanging paraan na magkaroon ng kasagutan ang malalalim na pighati at katanungan ay ang ipasubali ito na mula sa Diyos...hindi ko alam.
Pero hangga't hindi ko napaliliwanag kung saan nagmula ang damdamin at kung paano ito nakapasok sa puso ko...hangga't nararamdaman ko ang sakit, ang kirot sa damdamin ng walang pagdurugo o bagay kung bakit nasaktan....hanggang gumigising ako sa bawat umaga kahit pa nga halos tila ako pinapatay sa paghimlay...hindi ako susuko sa pananampalataya.
Kung palo ito Ama, sa akin at sa aking pamilya...nasaktan na po ako...at patuloy na nasasaktan. Humuhiling akong tama na. Kung ito ay pagsubok sa pagmamahal ko sa iyo, Ama. Kitilin mo na po ang buhay ko kay sa ako lumakad sa buhay ng hindi ka kasama.
Pagod ang puso ko, opo. Pagal ang katawang laman. Ngunit hangga't nagagawa kong magmahal...hindi ako susuko. Pangako, saIyo ako hanggang wakas. Wag Mo lang akong iiwan.