Whenever I am wary, lost and alone, I always find my self holding the Bible and reading verses, proverbs mostly. Yes, I believe God would always communicate with me thru His written words.
I am a worry-wart. I don't deny that. Naniniwala naman ako, every person have their own kapraningan. And this is my kapraningan. I do worry a lot. Work, Life, my daughter, my family. They are the few factors that could put me in my death bed or insanity.
Our last few months was very crucial. Financial and emotional stability. I could not put grip, everything is coming out of my control.
Alam ko, its not mine. This life nor this moment. Lahat ito I should rely to Him. The mere fact of my existence.
But of course, I don't want to make it as a reason. Na pag out of hand ang situation, parang laging kay God lang. I have to move, i have to decide. I have to pray of course, but the latter is mine.
Truth, I don't have any regrets that I am on this situation, having the known fact why things went out of hand. Hindi ko na kailangang i-elaborate, alam na ng lahat ng nagmamahal sa akin why my life is falling in domino effect.
Kaya nga, chances lang ang kailangan ko. Ska pang-unawa, kung bakit minsan tawa ako ng tawa. Minsan iyak ako ng iyak. Minsan para wala na akong buhay. Minsan pagod na pagod sa walang kadahilanan.
Mahirap maranasan yung situation na parang ikaw lang ang nakatayong matatag. Where everyone else in front of you are sobbing if not lifeless and unwilling to fight. Mahirap kapag yung foundation ng family ang nawala. Ngayon, alam ko na, na tama palang Ilaw ng Tahanan ang Nanay at Haligi ng Tahanan ang Tatay. It's true. And those are very important.
Kapag naiisip ko ito, at nakikita ko ang mala pusang mata ni Pao. Kapag nakikita ko yung lungkot sa kanya whenever she see me crying. Doon ako nagigising sa reality, that I have a home. And I have to be the 'light' for it. And I have to help my husband to stand firm, dahil sya ang matatag na sasandiganan ni Paolyne.
I have read this passage again...hindi ko alam kung bakit laging sa proverbs na yun bumubukas ang Bible everytime I open it, lalo na pag ganitong magulo ang isip ko...sabi doon God knows the heart of every man. The diligent reaps the good harvest pero the fool gets nothing. And God much appreciate the 'righteousness' of your work, than to do sacrifices...this might not the exact words in the Bible..hindi alteration. Ito lang ang pagkakaintindi ko sa nabasa ko.
Parang He's telling me, I don't want you to do sacrifices for me...I want you to do what you know is right and justice. Naaalala ko tuloy yung nagtanong, one time sa doctrine lesson. Paano daw ang mga bata/tao na namatay ng walang pagkakaalam sa mga salita ng Diyos...sinagot ito from the Bible telling that their acts will be judge according to the purity of their hearts. Ibig sabihin, kung wicked ang iniisip mo ng ginawa mo yun, then it will be of course judged accordingly.
Pero paano daw yung mga taong alam na mali yun pero ginawa pa rin? Ang sagot sa Bible is...walang kapatawan mula sa Kanya. Pero, alam mo naman si God, mabait. Kaya laging may options,...na magbago at of course, if He see that your repentance is pure, He will accept you back.
Bakit ko ba nababanggit to. Well, blogging one of my ways of reflecting. Dito nababasa ko ang sinusulat ko. Therefore, I am able to recall it and make it as a reminder to my self.
Oo na nga freak ako. Pero mas mainam na yung freak at nabubuhay ng may pagnanais na maging acceptable kay God. Kesa tahimik pero maitim ang isip. At least alam ko, tao pa ako. Nasasaktan, nakokonsensya, nagmamahal, nahihirapan at nangangailangan ng tulong. Sa awa ng Diyos, actually sa kabutihan Nyang ito, na patuloy Nya akong ipinasasandal sa Kanya.
Isa pang mahalagang lesson ng paghihirap, pinakamagandang nangyari sa akin...is I see my true FRIENDS...no actually FAMILY...that matters to me.
Sa pagbabalik ng isa sa mga kaibigan ko, na matagal tagal ko ring di nakausap. Sa pag aalala ng mga kaibigan ko out there...na kahit na hindi kami nasasabi ng totoong nararamdaman and still they sense me. Sa mga mahal ko sa buhay dito..sa BesCuz ko, sa mga 'legion of Ayie' (ahahah! Sino ko si Dumbledore?). Sa mga kapatid ko, na hindi ko akalain na dadating tayo sa level na ganito, feeling ko bigla akong nagkaroon ng maraming barkada dahil iba na tayo ngayon. Sa asawa kong kahit nahihirapang intindihin ang kanyang eccentric (para sosyal!) na asawa, (alam ko papansin ka lang sa akin, kse patay na patay ka sa akin)...sa mga hindi ko na nabanggit...pero alam ko kilala nyo sarili nyo..salamat pow!
Parang ano yan eh. Langgam sa asukal. Yung iba, itinatabi ang sobra para sa tag ulan. Yung iba, sipsip lang ng sipsip hanggang meron. At yung iba, wala lang. Nakidaan, nakidampot. Tapos wala na.
Salamat sa milyon, milyong (??? heheheh. feelingg) taong naging impluwensya, nakaimpluwensya, (yung iba nangbwisit lang!) sa buhay ko. Bahagi kayo. Di ko kayo malilimutan.
Sa panibangong pakikibaka. Sabi nga, the best is yet to come! Ahlavet!






