And so I have decided to continue my blogging. Bored lang ba? Hindi naman sa ganon. Pakiramdam ko lang mas tama na nga na may emotion outlet. Kesa mambalibag ako ng 'fufu' kapag nabubwiset ako ng mga itiks na to. hahahaha!
Kamusta naman world? Kamusta sa mga Bro ko na mababait at mapopogi (alam ko nag iintay ka, wag kang mag alala, di ka mawawalan...di ka rin magkakaroon..heheheh! joke)
Tumigil ako sandali sa pag bablog. Inisip ko kasi, parang masyado na ata ang naiseshare ko sa mundo. Bka artistahin na pala ako (sa barrio) dahil lahat ng kapitbahay ko alam ang buhay-buhay ko.
Pero mas mahirap ang walang outlet ng lungkot, saya o galit. Nakakapraning.
Bagong taon na. Bagong buhay na. May mga taong gusto kong makita ngayong taon kapag nagbakasyon ako. May mga taong gusto kong pasalamatan at humingi ng tawad. May mga kaluluwang gusto kong pasayahin na akala mo pasko (uli).
Gusto kong pumunta s Tagaytay..hindi pa ako nakakarating dun kahit kailan. Overnight.
Gusto kong mag-Enchanted Kingdom....sagot ko, gusto mo sumama?
Gusto kong lumibot sa maputing buhangin ng Boracay...sorry pang 2nd honeymoon to kaya off-limits ang lahat.
Gusto kong mag tanghalian kasama ng lahat ng mahal ko sa buhay.
Mag iihaw tayo ng liempo, tilapia, tahong. Kakain ng talaba, sasaw-saw sa atsara saka sa kamatis na may hilaw na mangga at bagoong.
Maliligo ako sa ulan. Magtatampisaw sa baha. Mamumulot ng kuhol...ansarap.
Mamimitas ng kaimito, kakain ng bikong bagong luto. Matutulog ako na akala mo wala ng bukas.
Mag momovie marathon, magpupuyat all the way. At saka matutulog uli!
Maglalaro tayo ng Charade! May papremyo sa mananalo!
Maglalaro tayo ng taguan, gustong-gusto yun ni Pao! Sasali ko si Tricia, si Joveck at si Jeweliza!
Magsasaya ako, samahan nyo ako kahit isang buwan lang.
Pagkatapos noon, parang ngayon pa lang nararamdaman ko na...masakit uli ang muling paglisan. Lalo na at maiiwan pa rin ang prinsesa. Kasi nga ii-school na sya. Masakit na masaya. Dahil bawat araw ng buhay ko, nanamnamin ko yung saya ng bakasyon. At bawat araw na natatapos, kasasabikan kong isang araw magkikita-kita uli tayo!
Homesick na po ako.