**Note: This will be a very long post (trilogy nga ata eh!), kaya kuha na kayo ng popcorn at softdrinks. Eto na.
I'm supposed to be in gym right now and running my ass on the treadmill. I'm suppose to be there sweating my pits pero eto. Feeling sick. Can't move.
Lethargic as usual na para bang 'normal' na sa akin to...to delay and postponed things. I'm sick and tired of being my usual self (nyaheheh). Nakakapagod tumakbo ng tumakbo...hindi sa treadmill kundi sa buhay.
I'm wanting to leave things in the past and move on...but still they are hunting me down. Parang hindi pa sapat na butchered na ang puso ko.
Sa totoo lang napapagod na rin akong mag blog ng mga ganitong kwento. Why do I feel writing whenever I am distressed and in pain? Shit. All this time I was here at peace kahit sandamakmak ang problema, hindi ko na nga masyadong tinititigan...tinitignan ko na lang.
My New Year's resolution will start today. Yes, just today. I know, its half of the year at anong pinagsasasabi ko.
Naalala ko tuloy yung pelikula ni Toni Gonzaga at Sam Milby...my Big Love. She have this 5 Steps to lose weight. Apparently became the 5 steps to better and happier life.
Rule No. 1: Start Today
Today I want to start on things that will make me happy.
The truth that no one could ever understand a person so eccentric like me, nakakalungkot. Kahit nga yung mga taong malapit na sa akin eh, they could not still accept the fact that I am different. hahahah! Sa totoo lang, isa ako sa pinaka common na tao. Napaka transparent at totoo. Yun ang palagay kong hindi nila matanggap...kung pagsasabi ko ng totoo. haaaaay.
I want to be more positive in life. Start focusing on what is important and stop listening to other's opinion (or lessen may be) and start doing things on my own.
I understand that I cannot rely my happiness to the happiness and satisfaction of others. Matagal ko ng pinagtitiisan ito. I was trying to stay positive for them. Stronger to lift them up. Protect them so they won't get hurt. But the fact is, they are the ones who keep on dragging theirselves down. Down, till they pull everyone down.
Hindi ko alam kung may lunas o gamot pa sa sakit na dala nila dulot ng pinagdaanan sa buhay. Ang paulit ulit na pag sisisi dala ng mga pagkakamali nila.
Ayokong danasin ang tulad ng ganon isang araw. At ayokong dumating ang panahon na iisipin kong muli ang nakaraan para mabalikan ang sitwasyong ni hindi ko na mawari kung saan ako nagkamali at sa kung papaano pa ako makapagsisimula.
Hindi marahil yon ang gusto kong gawin kapag dumating ako sa edad na disin sana'y pahinga na ang aking loob. Mahirap gawin ang muli pang bumangon lalo na kung ayaw mong tulungan ang sarili mo. Walang magagawa ang kahit sino na nasa paligid mo kung ikaw mismo ang ayaw umiwan sa nakaraan na paulit-ulit mong ikinadadapa.
At darating ang araw, hindi ako matutulungan ng kahit ano o sino...kundi ang Disyos lang. Ngunit kahit pa nga, ang pagdedesisyon at patuloy na agos ng buhay ko ay lalaging nasa aking kamay. At hahatulan ako ng Diyos naayon sa intensyon ng aking gawa.
Kaya pa, nais kong maging masaya ang buhay ko dala ng mabubuting gawa sa sarili at sa kapwa.
Bukas na yung Step 2. Baka makatulog na kayo eh.
xoxo