Pagod pero masaya, puyat pero nakangiti, ngarag pero high pa rin. hehehe. Ano bang pinagsasasabi ko. Kanina k'seng 5am, officially nanumpa na po kami ni Jovel as Kalihim ng Lokal.
Oo, mga friends, mga kapamilya at mga kapuso--opisyal ng may tungkulin si Jovel (isa na syang MT)--opisyal na ito...bumabait na talaga ang asawa ko. (Nakapadulot nawa kami ng napakaraming kaligayahan sa puso ng Ama--ang nag-iisang pinaka tatay ng buhay ko--sa Diyos ang kapurihan! Amen.)
O, wag na kayong tumaas ng kilay ay sabihin nyong "itaas ang mga kamay"---hehehe! Hindi ako banal na aso. Ang gawa ko ay gawa ko, ang mali ko ay mali ko--at least ako hinaharap ko. We've been too busy from day 1 ng July--actually simula pa lang ata ng June--paglipat namin sa bagong bahay (to post pics soon).
Nga pala, you'll see below few pics of Pao's first salon experience--ang taray diba!?
nakakatuwa k'se feel na feel nya talaga yung ginagawa sa kanya ni Ate Weng (hairdresser). From shower to gupit to blow dry...parang little dalaga.
Sabi ko nga masamang impluwensya ito...hahaha!
Nung niloko sya ni Ate Weng--Why Pao, do you have a date today? Papasaloon ka pa? Sagot sagot ng bruha--Yes! Sabay ngiti na para bang naiintindihan nya yung meaning ng salitang "date".



Yan naman sa baba ang regalo ng mahal kong asawa noong bday ko--well, pinakamagandang regalo na para sa taong ito yung may bigay at may dala ng regalo...the best gift God gave me this year!

Pagod man, puyat man, hirap man...may pag asa pa rin naman ako sa buhay---hangga't may hininga--may ticket pa rin ako para lumigaya!
Simplest things in life can make you fee heaven...







0 Response to " "
Post a Comment