Eid Al Adha, Vacation, Holidays
2:12 PM | Posted by Ayie
It is always nice to have a few days of rest. You come back to office with new eagerness and a wide smile on your face....ahhhhahaaaaa...another day for blogging/blog hopping. (hehehehe)
Kamusta mga kaibigan ko? Sa mga kapatid kong lurker?
I had a nice chat with my brother and SIL last Friday--ehem. Hindi ako si Clawie (dahil sa new hair style--bangs kung bangs!). Wala ako sa Milan --nasa Dubai ako, at hindi si Piolo ang kasama ko..eheheheh! Pero Kuya, masarap marinig na ehem, maganda ako sa paningin mo. That was the not-so-first time na pinuri mo ang beauty ko. Sabagay, sino pa nga ba ang maglolokohan kung hindi tayo. Yan ang tinatawag na Kapamilya. Whaheheheeh!
Yan si Clawie--ang model ng Dettol antiseptic spray--isang spray lang tanggal ang libag!
We decided not to go anywhere (aside of the supermarket) this holidays. Anyways, alam naman na namin ang magiging eksena--like every year--puno ang daan, walang taxi, mahirap mag bus (puno rin) at crowded din ang malls.
Ibinigay na lang namin ang pagkakataon sa mga totoong nagdiriwang.
One of the nicest (in architectural view) Mosque here in Abu Dhabi (near St. Andrew's Community Church)
I had all the chance noong Thursday para matulog ng till late morning at ayusin ang dapat ayusin sa bahay. Friday was of course as same as any Friday except wala ng pasok ang habibi ko at nagkaroon kami ng bonding time--at yun nga, to chat with my kuya and ate chay.
Kahapon--again, we tried to finish whatever we can para naman mas maganda ang mga darating na araw--though I am not yet satisfied with it (cleaning our room) pero masasabi ko naman na naayos ko naman talaga ang mga closet at hindi na sya mukhang ukay ukay. Curtain na lang ang kulang--pwede na.
We went to Khalidiya Mall for grocery--since nandun na rin lang kami, pinagbigyan na namin ang chikiting for an hour of fun and bonding--
Biker Babe
Rambo and daughter of Rambo
Cueing for Roller Coaster
Ayun na sila!
After nilang magpahilo ng daddy nya- derecho na kami sa grocery.
Nga pala, I found someone's baby in the Department store---and I took the liberty of taking her pictures.
I touched her, caressed her, carried her in my arms...and boy, she's really lovely--medyo may weight issue ng lang--but still....hehehehehe. now I dream of her too.
Yun lang muna....
Happy Eid Al Adha to our brothers and sisters...
12:11 PM | Posted by Ayie
Nagpapaka global ako. Kaya batiin natin ang ating mga Muslim friends. Happy Eid Al Adha po sa inyo.
Bago mag holidays at mag hiatus for a moment eh eto ang latest pics ng baby ko...meron kasi silang program today. There will be singing and dancing and face painting--at mag tatumbling ng bonggang bongga si titser! ehehehe! Joke lang. (Baka sasayaw si titser sa saliw ng Nobody!) Whaheheheh!
Eto po ang aking tsikiting with all her school mates!
Bago mag holidays at mag hiatus for a moment eh eto ang latest pics ng baby ko...meron kasi silang program today. There will be singing and dancing and face painting--at mag tatumbling ng bonggang bongga si titser! ehehehe! Joke lang. (Baka sasayaw si titser sa saliw ng Nobody!) Whaheheheh!
Eto po ang aking tsikiting with all her school mates!
I hope she had fun...I'll know later..
Bible Exposition November 2009
11:24 AM | Posted by Ayie
Yesternight was a wonderful time to be together with family and friends as we held a Bible Exposition in Kaniza (St. Andrew's Community Center), Abu Dhabi.
The weather is great and the mood is feastive. The whole session was short but engaging.
However, since we've come from whole day of *hard* work and tremendous traffic (yeah, uso na sya sa Abu Dhabi ngayon)~everyone look sluggish in the beginning...a lot of visitors came late too.
Anyways, all ends well--and everyone is hoping to have another chance to be together again--soon.
I got few pictures to share..nakalimutan ko nga lang i-on ang night mode, so pasensya na (tao lang--hehehe)
Traffic
Seksitaries
Members and Guests
Ate Ghie (in B/W prints) and Joy (white cardigan)--pasensya na blurred! Tawa kse ng tawa eh
Ate Florence and Ka Rochelle with guest
Ako ngayon--ngarag! ehehehe!
Thanks again everyone who shared their time with us. God bless and hope to be with you guys again!
Pixel Bug Monday #4
11:03 AM | Posted by Ayie
Yeheyyyy!!! Sa wakas, maging on time din ang Monday kwento ko.
Heheheh. ANg corni ko--kse sa totoo lang, late kami dun sa Class 1 Powerboat event..itino tow na yung mga powerboats nung dumating kami. Tulog kasi ang Mommy! Whaheheheeh!
Sa mga nagtatanong kung bakit lagi ata akong tulog pag Friday, well, ganito kse yun. Una, dahil Friday ang weekend dito--friday din ang church day ko. Actually, nmeron namang ibang church day. However, yung duty ko sa church ay every Friday--at 4:00am gising na po ako.
Dahil panggabi si Habibi ng Thursday at ako naman ay half day from work, kinukuha ko na ang opportunity to take a nap on the afternoon of thursday. Kaya pagdating ng Thursday night mga around 12pm na kami natutulog para may konti pa kaming bonding moments ni asawa (dahil 10pm ang uwi nya). So, I only have 4 hours to sleep bago ako bumangon for the Friday church--gets?
Kaya ang afternoon ng biyernes ay mahalagang oras para makapagpahinga--since Paolyne is also going to school for the week rin naman at lagi ring pagod--we only have the afternoon to rest and have time together.
Mas masigasig si asawa sa paggawa pag Friday afternoon--kaya habang natutulog ako, sya naman ang naglilinis ng bahay. Off kasi nya ng Saturday kaya alam nyang meron syang whole day to unwind kasama si Pao dahil wala namang school ang bata. Habang ako naman ay may pasok na ng sabado kaya ibinibigay na nya ang nag iisa kong off sa akin para makapagpahinga.
Last Friday dahil nga late kami, tumambay na lang muna kami sa tabing-dagat bago mag grocery sa Carrefour (Marina Mall)--tutal wala na rin kaming makain.
Pero iseshare ko sa inyo ang mga pics namin from Thursday! Eto na!
The weekend table (cramming up! pang construction worker na talaga)
The Gang (Rose, Maricar, Junie, Devy)
Isa pa!
At home (chillin' while mom's preparing lunch)
Zee Weekend (I want one of those!--that's UAE flag)
Habibi (Pao hiding at the back)
Zee view --eheheh!
Let's go to the mall (red brick road)
Little Miss Paolyne
It might not be a grand weekend--but t'was fun!
This week is full of activities too. Kaya stay put ka lang.
P.s. Hello to my SIL and Kuya and Don and Kids--we miss you guys! Kelan kaya kami makakabakasyon?
Eid Al Adha
12:04 PM | Posted by Ayie
Private sector holidays announced for Eid Al Adha
According to the first circular the private sector will have a three day paid holiday on the occasion of Eid Al Adha beginning from Thursday 26th November until Saturday 28th November.
Abu Dhabi: The Eid Al Adha holidays for the private sector will be from 26th November to 28th November, while the UAE National Day holiday will fall on Wednesday the 2nd of December.
Photo credits: Google Image
Minister of Labour Saqr Ghobash Saeed Ghobash issued two ministerial circulars announcing the holidays for private sector on the occasion of the Eid Al Adha and the UAE National Days.
According to the first circular the private sector will have a three day paid holiday on the occasion of Eid Al Adha beginning from Thursday 26th November until Saturday 28th November.
The second circular announced a one day paid holiday on 2nd December on the occasion of the 38th UAE National Day.
Photo credits: Google Image
The minister offered his greetings to President His Highness Shaikh Khalifa Bin Zayed Al Nahyan, His Highness Shaikh Mohammad Bin Rashid Al Maktoum, Vice President and Prime Minister of UAE and Ruler of Dubai, Their Highnesses the Supreme Council Members and Rulers of emirates and the people of UAE on this occasion and prayed to God Almighty to shower His blessings on the Arab and Islamic nations.
News credit: http://gulfnews.com/news/gulf/uae/government/private-sector-holidays-announced-for-eid-al-adha-1.529640
Ang ibig sabihin nito--bonding moments! Panahon ng pagtulog ng mahaba. Panahon ng paggala, picnic at kung ano ano pa! Masaya na naman si Pao nito! Yahooooo!
At eto pa:
United Arab Emirates Capital, Abu Dhabi to host Class 1 Grand Prix
This will be held starting today, 19 November till 21 November 2009.
Guess we are up for a great weekend! I'm so excited for Paolyne!
So, see you guys next week--have a great weekend!
BORACAY, Puerto Galera o Bohol? Seair o Super Ferry?
11:04 AM | Posted by Ayie
Low na naman ang Ate nyo...hindi na naman mapakali at parang gustong manabunot. Ang buhay mag-asawa naman hindi talaga laging heaven...madalas ang pagtatalo, madalas ang hindi pagkakaunawaan.
Kayo rin naman ang mag-isip, ang magkapatid nga since birth nang magkasama, nagrarambulan pa rin. Yun pa bang dalawang tao na walang kaalam-alam sa isa't isa, walang parehong dugo na nananalaytay--pagsamahin mo yan sa iisang bubong--parang Pinoy Big Brother style--lalabas at lalabas din ang tunay na ugali...
...at oo, kahit mahal na mahal nyo pa ang isa't isa. Si God lang talaga ang mainam na referee. Dahil kung hindi dahil sa takot nyo sa Kanya--aba eh todo rambulan na talaga. Ang siste kasi pagdating sa gabi, bago matulog--magpe-pray kayo diba? Alangan naman, mag sumbungan kayo sa Nasa Itaas?
..."sya po kasi eh, kinain yun natitirang hotdog...hindi man lang inisip di pa po kumakain ang kabiyak nya"..."pwede naman pong magpirito uli"...,parang ganon?
Minsan na kaming nag away mag asawa na super childish ang dating...ng dahil sa Dance Revo! Nagbakasyon kami sa Pilipinas, year 2006--opo, meron na kaming Paolyne. Tulog ang bata kaya pwedeng maglaro (ehem). Pagkatapos maglaro, naisipan uli naming maglaro--dance revo nga. Kaya lang may hugasin pang mga pinagkainan sa kusina kaya pinipilit pilit ko sya na tapusin muna ang hugasin (its not because I'm the wife eh ako na nga ang maghuhugas ng pinggan--syempre relyebo yan!) bago kami maglaro.
Pero sige, nauto nya ako kaya naglaro na nga muna kami--nung una masaya. Sayaw lang ng sayaw--maya-maya natatalo na, napipikon na at tinutukso kong "tuod". Ilang minuto pa, pikon na--nasasapawan na sa mga dance moves-nyahahahaha!
Sinabayan ko pa ng "ako muna kasi, hugasan mo muna ang mga pinggan--nakakahiya sa nanay". At dahil ayaw pang tumayo, nag walk out na ako--sya na lang kako mag isa maglaro at ako na ang maghuhugas ng pinggan. Dun na sumabog ang inis...galit na galit sa akin--pang asar daw ako!
Yun po ang away dahil sa Dance Revo, bow!
Mainitin naman talaga ang ulo ng asawa ko--madalas nya akong pagalitan. Ewan ko, trip lang nya. Yung mga tipong "wag kalimutang nakabukas ang cylinder gas", "wag gagamitin ang underpass lalo na kung walang ilaw", wag ito..wag yan..control freak sya--na maypagka nagger. Ahuh. "Mas" sya ang nagger.
Mahal ako ng asawa ko, sobra. Pero yung ugali nya--minsan hindi ko kaya. Yung sigaw--malakas lang talaga ang boses nya. Yung tantrums--mainitin lang talaga, kulang sa sports. At marami pa.
Minsan na akong nagwala---hinambalos ko sya ng bonggang-bongga! Anyways, sya ang nagturo sa akin na sumuntok, eh di gamitin!
Hehehehe! Ansaya namin no?
Pero lahat naman yan natural lang--napagdadaanan ng mag-asawa. Actually, compatible kaming mag-barkada--which is what we are before--barkada.
Compatible kami sa kalokohan--trip namin ang maupo sa isang lugar at pintasan ng pintasan ang mga nagdadaan. Feel na feel namin ang kumain ng ice cream sa cone tas hahayaang matunaw at saka mo hahabulin ng kakadila! ehehehe.
Gustong-gusto namin ang maglakad ng maglakad at pag usapan ang mga tao sa buhay namin noon--mga nakalipas, mga memories ng kabataan.
Mahilig rin kami sa movies. Mahilig kami sa lumang pelikula lalo na kung FPJ o basta kasama si Pacquito Diaz.
Marami mang bagay na opposite kaming mag asawa, isa lang ang napagkasunduan namin--hanggang kaya, hanggang huli--hanggang mamatay--tayo ang magkasama.
Hindi namin anniversary, hindi rin monthsary--nag-away pa nga kami kanina eh...gusto ko lang ipaalala sa kanya--sya ang pinili ko dahil mahal ko sya! Yun lang naman.
P.s. Kasi nga diba...hindi lang patalim ang nakakasugat at hindi lang lata ang maingay.
Ekkk...nakalimutan ko, ba't nga ba ganyan ang title ng post ko? Kasi nag iisip isip ako--baka kasi mapagdesisyunan ni God na, super nice naman ako--at hindi naman ako ganon ka naughty--at kung sakaling bigyan Nya ako ng reward..ano ba ang gusto ko...trip to:
a) Boracay (Discovery?--yan ay pag bongga ang award sa akin ni Lord)
b) Puerto Galera (Pwede na diba? basta kasama ang pamilya)
c) Bohol (Ito ay pag gusto Nya akong supresahin!)
By Air kung bongga talaga--by sea--basta wag lang babagyo.
Never pa akong nakarating sa mga lugar na yan eh...kaya sana...sana...sana.
Opo, papakabait na ako--at magiging masunuring asawa na rin. Ehem.
I wish for a HOLIDAY treat
10:47 AM | Posted by Ayie
As in! Ansakit ng katawan ko, ewan ko ba. Sobrang stress...ewan ko talaga.
Late na naman ang Pixel Bug Monday ko--meron pa rin akong overdueng Couple's Corner. Wala pa kasi yung inspiration ko--naghahanap pa ng konti pang kilig moments, para maisulat ko uli ang masasayang memories naming noong nagliligawan pa lang kami! eheheh!
Late na naman ang Pixel Bug Monday ko--meron pa rin akong overdueng Couple's Corner. Wala pa kasi yung inspiration ko--naghahanap pa ng konti pang kilig moments, para maisulat ko uli ang masasayang memories naming noong nagliligawan pa lang kami! eheheh!
Ano nga ba ang meron kami noong weekend? Wala. ehehehe! Hindi kami lumabas. Nagtulog kaming lahat. Puyat at pagod for the whole week na nagdaan. Hindi na namin nakayanan na lumabas.
Kaya i seshare ko na lang sa inyo ang nangyari last week--eto na:
Tuesday, November 10- tremendous traffic history in Abu Dhabi--of all time! ehehehe!
Umalis ako ng office (with Mahmoud *driver*) to pick-up Paolyne from her school @ around 4:40pm--dumating kami sa school ni Pao @ 5:45pm--grabe! Hindi mo aakalain na aabutin kami ng isang oras from Reem Island to Passport Rd.
Anlapit lang nun. Para ka lang galing Bancal (Meycauayan) to Malanday (Valenzuela). And then another 30mins going back again to office! Stuck uli kami sa traffic pabalik. Pagdating ng office madilim na--imagine, bumabangon si pao ng 7:30am para magready for school. Lubog na ang araw, nasa labas pa rin ang bata. Walang pahinga.
Location: Tamouh Project Office, Al Reem Island, Abu Dhabi
With Devy (Officemate ko--fave ni Pao, malambing kasi)
Pao with the Gang (Roselyn, Pao, Devy, Maricar, Odette (natatakpan na) at Kuya Elwood (far behind))
Pagdating ni Pao sa bahay, walang 15 mins--tulog! Wala ng dinner. Wala ng ligo. Kawawa pero--what to do? Pag tinanong mo naman sya kung ano ang gusto nya, with mommy or with nanay (philippines)--teary-eyed agad ang bata with syempre, heart-warming-ego-bursting.."kay mommy lang"! Whooooooo!
Wednesday night @ home--one hovering Pao! Heheheeh. papansin kse nag pi-Princess Hours marathon ang mommy nya at wala syang makalaro.
(bulaga!)
Sunday, 15th November 2009 - Kirsten turned 5!
Birthday ng nag iisang bespren ni Pao--sa mga nagtatanong, yep! Since birth sila! ehehehe! Mas matanda si Kitten ng 5 months kay Pao. Kaya nasa tyan ko pa lang si Paolyne kilala na nya si Kitten! ehehehe!
I used my hubby's phone camera--ay ewan, ampangit ng lighting--ehehehe!
Signature pose nilang dalawa!
Yun lang muna para sa nagdaang linggo. We hope for more exciting week this time! Sana...hindi puyat, ....sana hindi pagod...ahhehehe!
Have a great Tuesday sa inyong lahat!
Makikicongratulate ako sayo Pacquiao!
5:26 PM | Posted by Ayie
I don't like politicians...I'm not so into showbiz also...at ayoko ng pa-epal. Ayoko ng sobrang papanchot!
Pero kahit gusto ko si Manny Pacquiao, hindi ko minsan gustong panoorin ang mga laban nya--dahil lahat ng nabanggit ko sa itaas parang mga talangka at kabuteng nakadikit sa kanya.
Kasabihan nga dito...what to do, yani?
Pero kahit gusto ko si Manny Pacquiao, hindi ko minsan gustong panoorin ang mga laban nya--dahil lahat ng nabanggit ko sa itaas parang mga talangka at kabuteng nakadikit sa kanya.
Kasabihan nga dito...what to do, yani?
Photo credit: Google Image
I don't dislike Manny, really. We all know now, he's one hell of a fighter. He put his 100% on his game (heheheh, same old-same old). And after seeing Manny's oh-so-lean-and oh-so-nice muscles, parang ansaya sa damdamin (ahehehem!!)---only a man with dedication and determination could have such a lean meat. Discipline and focus or wala pa lang talaga akong nakikitang katawan na sing-ganda ng kay Pacquiao.
Take note, ayoko ng mga mukhang palakang batong katawan,uh-uh. Gwapo si Vin Diesel sa paningin ko pero mukha syang palakang batong umurong!
Kanina, lahat ng officemates ko tutok sa pinoychannel.tv at pinanunuod kung paano paduguin ni Manny ang ilong ni Cotto (na kahawig ni Vin Diesel! ehehehe)--lahat din pumupuri kay Jenky ("only Belo touches my skin...."whahahahahah!). Parang walang trabaho, kahit mga instik at indiano nakikinood--parang wala ang amo--dahil kahit mga amo nakapangalumbaba sa computer (ng Doc. Con--kung saan kami nag ipon ipon after lunch.)
Hahaha. Tama na ang pang-aasar. I want to congratulate Manny Pacquiao for winning the fight against Miguel Cotto who also gave his best---it's one fight you cannot forget. Ika nga, sulit ang bayad.
P.s. Nakakainis lang ang mga politicians at kung sino-sino pang mga cheverlu na nakakunyapit kay Manny--nagmumukha kayong---what's the right word...??? Ayoko ng magsalita, bow!
Pss. Hindi ko nakita si Aling Dionisia--artesta na aku!!! Hehehehe!
Binge Eating...
9:21 AM | Posted by Ayie
Ayokong nagsusulat kapag stressed. Ayoko ring tumayo, mag isip, o gumawa ng kahit anong bagay...ayoko. Maliban sa kumain.
Yun yung main cause ng pagtaba ko. Ang nangungunang cause kung bakit kaya kong umubos ng bara-barang chocolate, isang balot ng monay, isang bote ng chiz whiz, 3 gatang na sinaing, isang dinner box ng KFC--o kahit anong mangangata. Basta depressed. Basta stressed.
Kahapon, sa unang pagkakataon (malapit na naman ang buwan...), hindi ako naghanap ng pagkain kahit na sobrang down--sobrang low ng spirit.
Instead, I resorted to sleeping--pag gising ko, puno ng hangin ang tiyan ko at masakit ang katawan. Like as if nanggaling ako sa giyera. Ewan.
True. Depressed ako. Sa maraming dahilan kasama na ang PMS at homesickness. Gusto kong magbreak sa work--as in break. Loooong biiiig breeeaaakkkk. Pero hindi yan uubra eh. Sa papahirap na ekonomiya at kasalatan sa buhay...hindi madaling maging "non-working citizen" aka tambay.
Never ko pa atang naranas maging tambay. Iilang buwan lang yun--simula Enero 2009 till March 18--dahil nagiintay ako ng processing ng bago kong employment. Yun lang.
Maliban dun, since birth--kayod marino na ako. Ay ewan, whattalife.
Eto ako ngayon, patipa-tipa--nakabuo ng halos walang kwentang post. Dala pa rin ng depression.
Hmpf. Makapagbreakfast na nga....
Pixel Bug Monday #3
11:06 AM | Posted by Ayie
Sobrang tamad...masakit ang katawan...stressed. Inaantok pa. Kulang sa energy--kaya tuloy namiss ko ang Pixel Bug Monday post ko. Tas nakisabay pa ang Google--ayaw mag load ng mga pictures.
Buti na lang nasa meeting ang amo ko--walang iistorbo sa akin ngayon.
Eto na! Dyaraaaan! Ang weekend treat hatid sa inyo ng walang iba kundi ako. hehehehe. *kooorrrniii*
Si Pao (as usual) ang laging highlight ng weekend namin--as much as possible, we want to spend more time with her. Hindi kasi normal ang life lalo na kung parehong magulang ang nagtatrabaho.
Our weeks starts on Saturday--this is Jovel and Pao's bonding day kasi nga off ng asawa ko at walang school ang bata pero may pasok naman ako. Kaya kanila lang ang buong maghapon. Eto ang araw na kanila lang ang mundo--kaya minsan pag uwi ko andami pa ring chores, at magulo ang bahay.
I work from Saturday to Wednesday, whole day and half day on Thursdays, off ang Friday as usual weekend holiday dito sa Middle East. Pao goes to school from Sunday till Thursday at ang asawa ko naman ay shifting ang oras- he works from 7am till 3pm-kaya sya na ang sumusundo kay Pao sa school, habang ako naman ang naghahatid sa morning.
Imagine that we do this routinely everyday for 365 days except magkasakit ka--or time for annual vacation. Sumuko nga ang biyenan ko eh--mala All my Life ang drama, kahit daw pala nandito sya kasama namin--hindi naman nya kami makakapiling lagi--at naaawa sya sa bata, dahil halos maghapon kaming hindi nakikita.
With all the traffic coming out of Reem Island where I work, kahit 6pm ang tapos ng duty namin--nakakauwi ako minsan 7:30pm na. To think Abu Dhabi is such a small place--malaki pa na di hamak ang Malabon!
Kaya pag weekend, kahit yun na lang ang time ko to freshen up and do all the other chores (like, laba, palansta, linis ng bahay--wala naman akong house help eh--hands on mom/wife ako)--pag tinawag nya ako to do coloring or watching movie with her, hindi na rin ako tumatanggi.
Our usual/normal day ends at 12pm--dun ko lang nailalatag ang katawan ko--unless akuin ng asawa ko ang pagluluto, at walang masyadong church work--maaga na ang 11:00pm para makatulog, oo, tawad lang ng isang oras. At babangon uli ng 6:30am para naman magluto ng breakfast at baon ni Pao.
Kaya imagine yung pagka ngarag ko minsan--buti na lang hindi masyadong demanding ang work ko, and I have time to relax in the mid day--hindi ko inuubos ang lunch for eating, instead I take a nap or just chill with colleagues.
Last weekend, food trip ang baby ko--kaya ang mga pictures na makikita nyo ay puro "nguya moments"..eto na:
Lunch at Texas Chicken
Mirienda with Dunkin...
Dinner with McDo
We don't do this often. Actually Pao doesn't like fastfood. Sa McDo yung sundae lang ang kinain nya. Nung lunch chicken lang talaga, she don't like fries that much--at yung Donuts inabot pa ng hanggang today--meron pa.
She likes lutong bahay--she likes menudo, mechado, adobo at yung pinangat. She also likes daddy's adobong pusit!
I bring her to this places dahil may play area. Pero mas gusto nya pa rin ang mag color ng coloring books nya with me.
Another weekend is about to come--tuesday na eh! So hopefully, mas exciting ang weekend namin this time!
Happy Birthday Habibi!
3:36 PM | Posted by Ayie
Birthday ni asawa kahapon! Maligayang ika-30 kaarawan!
Wala namang special na celebration kahapon. Parang 3 days na nga syang nag cecelebrate. Una nung Friday dahil may konting salo-salo ng sopas sa church. Tapos kahapon nag-beach lang uli kaming mag-anak at today dun naman sa kanyang work ang celebration- sosyal diba!
Hindi na ako masyadong magkukwento, see happy faces na lang at paki translate na lang ang moments--para kayo na ang mag anticipate ng saya ng bertdey tu yuuu ng habibi ko!
Let's start as the midnight strikes!
We had a little breakfast on the beach (Fried Rice, Sunny-Side-up eggs, Longganisa, Salmon fillet, *tirang KFC Fried Chicken at Ice-cold water)-- stayed there from 7:30am till 11:00am--neg-neg na neg-neg ang Pao-Pao kahit na sandamakmak na sunblock na ang kinulapol ko sa kanya.
Had an afternoon nap (**syempre, pinatulog muna namin ang bata *wink*, kse bata mag alburoto sa hapon--kayo talaga!) and then strolled for a while in Al Wahda Mall--syempre, naghanap ng gift--as per his choice.
The day was ended with a prayer--natanggap naman nya yung best gift nya eh --secret na lang muna--basta, sa kanya lang yun--sana nga matupad.
Yun lang, at ngayon official na syang THIRTY! Good life begins at Thirty--more daring, more matured, much wiser and mas guapo ka na ngayon Mahal!
I love you and I'm happy that YOU ARE NOT PERFECT---coz' each day became much exciting as I see you change every day, to a better and bolder you!
HAPPY BIRTHDAY HABIBI!!!
Wala namang special na celebration kahapon. Parang 3 days na nga syang nag cecelebrate. Una nung Friday dahil may konting salo-salo ng sopas sa church. Tapos kahapon nag-beach lang uli kaming mag-anak at today dun naman sa kanyang work ang celebration- sosyal diba!
Hindi na ako masyadong magkukwento, see happy faces na lang at paki translate na lang ang moments--para kayo na ang mag anticipate ng saya ng bertdey tu yuuu ng habibi ko!
Let's start as the midnight strikes!
Our gift with her gift to Daddy!
Love, Goofy Faced Pao
You are my beloved...
This is Dee day with Beeeday celebrant in Al Bahar Beach.
Daddy you look weird...
Had an afternoon nap (**syempre, pinatulog muna namin ang bata *wink*, kse bata mag alburoto sa hapon--kayo talaga!) and then strolled for a while in Al Wahda Mall--syempre, naghanap ng gift--as per his choice.
The day was ended with a prayer--natanggap naman nya yung best gift nya eh --secret na lang muna--basta, sa kanya lang yun--sana nga matupad.
Yun lang, at ngayon official na syang THIRTY! Good life begins at Thirty--more daring, more matured, much wiser and mas guapo ka na ngayon Mahal!
I love you and I'm happy that YOU ARE NOT PERFECT---coz' each day became much exciting as I see you change every day, to a better and bolder you!
HAPPY BIRTHDAY HABIBI!!!
Wednesday Featured Blog...
3:34 PM | Posted by Ayie
..na magiging monthly na lang siguro ito. I need an in-depth, thorough review of the blogs I want to feature--I need time to know them and connect with them--very exceptional lang talaga si WICKEDMOUTH (ehem! Ang presidente ng fans club--mangongolekta na po ng abuloy membership fee. hehehe)--he caught the wickedness in me. (maliban sa hilig nya sa porn, pambihira muntik na talaga kagabi--mahirap magpaliwanag sa bata. Ang uto-uto ko rin naman na hindi paniwalaang gagawin nya yun na may halong adult material--it turned out na meron nga! Salbahe noh!?)
Anyways, as I was saying--medyo busy ang lola nyo. Isang nakakatawang eksena today, dahil unexpectedly, my boss asked me to join the Technical meeting today. It turned out as the worst 'ngooooorrrrkkk embarassing" moment of my life!
I'm not an Engineer and all my 'technical' knowledge is based on 8 years of construction/consultant work experience. Natutuhan ko na lang ang mga engineering terms and autocad by force, heheheh.
I was working with a Trading company before and most our jobs are sub-contract works, which means I deal with laborers, project managers at site, procurement and delivery. Pero never pa akong nasama sa team na nagrereview ng Technical submission.
I do the prequalifications and technical submissions of products before. I used to present our product to panels of 'big time' clients--pero its more of sales talk than technical.
Today in the meeting, the topic was of course MEP (mechanical, eletrical and plumbing--yun ang dept ko)--imagine a panel of people discussing about pipe connections, water pumps, electrical wiring, A/c, natural gas--schematics, affection plan, domestic water---(hay, hay hay--enough!) boring na nga ang topic--Australian pa ang presentor. Double boring!
Ansakit sa tenga ng "sleng" nya. Tapos puro asian yung mga amo ko (chinese), ansakit lalo ng "aeisleung" nila. Sinamahan pa ng isang arabic engineer--riot talaga sa tenga!
Puyat ako kagabi--maraming dahilan, wag na nating pag usapan--so imagine me sitting in the midst of mixed transliteration (hahaha!) with the most boring subject to talk about--at dahil smooth ang meeting, walang away--walang pulling and pushing--inantok talaga ako, as in nakakahiyang antok, hikab with matching tirik-tirik ng mata---eh walo lang kami sa meeting room na pagkalaki-laki? Nakakahiyaaaa talaagaaa!
As in yung may halong babagsak na ulo na tumitirik ang mata sa kahihikab--nakakahiya, pero wala akong magawa, ayaw mawala ng antok ko--kilos ako ng kilos--galaw ako ng galaw--kinukurot ko na ang sarili ko. Wala talaga.Nahihiya talaga ako--sabi ng Mech. Engr namin babatuhin na sana nya ako ng papel kasi tumitirik na raw mata ko--iniintay na lang daw nyang bumagsak ang ulo ko sa lamesa! hahaha! Naman, it was a 2.5 hours meeting--nosebleed na nga sa kaka ingles nila, halong pinoy, halong instik at australianong kinakain ang salita samahan pa ng lamig ng aircon--sino bang di aantukin nun?!
Nag nap na lang ako after lunch--hindi na talaga kinaya ng powers ko eh. Kainis!
Promise, maaga akong matutulog tonight! (insha'allah!)
Sabi pa naman ni amo noong evaluation ko--"I'm happy, I can see you are serious with your work--even with long hours of duty, you're able to keep your self busy with work (busybody kamo!)--but with everything we do, we always have to be mentally prepared and I know you are."
Alhamdoolillah!
P.S.
Picture ni Pao bago pumasok sa school--notice it, naka-skirt po ang baby ko. Bagong uniform nila, addition to the red pants.
Anyways, as I was saying--medyo busy ang lola nyo. Isang nakakatawang eksena today, dahil unexpectedly, my boss asked me to join the Technical meeting today. It turned out as the worst 'ngooooorrrrkkk embarassing" moment of my life!
I'm not an Engineer and all my 'technical' knowledge is based on 8 years of construction/consultant work experience. Natutuhan ko na lang ang mga engineering terms and autocad by force, heheheh.
I was working with a Trading company before and most our jobs are sub-contract works, which means I deal with laborers, project managers at site, procurement and delivery. Pero never pa akong nasama sa team na nagrereview ng Technical submission.
I do the prequalifications and technical submissions of products before. I used to present our product to panels of 'big time' clients--pero its more of sales talk than technical.
Today in the meeting, the topic was of course MEP (mechanical, eletrical and plumbing--yun ang dept ko)--imagine a panel of people discussing about pipe connections, water pumps, electrical wiring, A/c, natural gas--schematics, affection plan, domestic water---(hay, hay hay--enough!) boring na nga ang topic--Australian pa ang presentor. Double boring!
Ansakit sa tenga ng "sleng" nya. Tapos puro asian yung mga amo ko (chinese), ansakit lalo ng "aeisleung" nila. Sinamahan pa ng isang arabic engineer--riot talaga sa tenga!
Puyat ako kagabi--maraming dahilan, wag na nating pag usapan--so imagine me sitting in the midst of mixed transliteration (hahaha!) with the most boring subject to talk about--at dahil smooth ang meeting, walang away--walang pulling and pushing--inantok talaga ako, as in nakakahiyang antok, hikab with matching tirik-tirik ng mata---eh walo lang kami sa meeting room na pagkalaki-laki? Nakakahiyaaaa talaagaaa!
As in yung may halong babagsak na ulo na tumitirik ang mata sa kahihikab--nakakahiya, pero wala akong magawa, ayaw mawala ng antok ko--kilos ako ng kilos--galaw ako ng galaw--kinukurot ko na ang sarili ko. Wala talaga.Nahihiya talaga ako--sabi ng Mech. Engr namin babatuhin na sana nya ako ng papel kasi tumitirik na raw mata ko--iniintay na lang daw nyang bumagsak ang ulo ko sa lamesa! hahaha! Naman, it was a 2.5 hours meeting--nosebleed na nga sa kaka ingles nila, halong pinoy, halong instik at australianong kinakain ang salita samahan pa ng lamig ng aircon--sino bang di aantukin nun?!
Nag nap na lang ako after lunch--hindi na talaga kinaya ng powers ko eh. Kainis!
Courtesy of kapitbahay-salamat sa picture-hehehe
Promise, maaga akong matutulog tonight! (insha'allah!)
Sabi pa naman ni amo noong evaluation ko--"I'm happy, I can see you are serious with your work--even with long hours of duty, you're able to keep your self busy with work (busybody kamo!)--but with everything we do, we always have to be mentally prepared and I know you are."
Alhamdoolillah!
P.S.
Picture ni Pao bago pumasok sa school--notice it, naka-skirt po ang baby ko. Bagong uniform nila, addition to the red pants.
And last, Congratulations Mahmoud for passing the Truck Driving test/licensing exam--isa ka ng ganap na Truck Driver! hahaha! Driver namin si Mahmoud, mabait sya kaya close (tight) kami nyan--salamat sa safe na pag dadrive everyday for the staff at sa aking Pao.
Treat na lang ang may pics--sangkaterbang chocolates ang pinamigay nya sa office--
(Note: Nahuli pa ako ng amo ko habang pinipicturan ang chocolates at si Ice Age character na yan. hehehe. mukha akong timang! nyahaha! Keber!
Yun lang po. Happy Wednesday!
Pixel Bug Monday #2
11:51 AM | Posted by Ayie
Kung ang weekends sa Pinas at iba pang parte ng mundo ay Sunday, dito sa Middle East ay Fridays naman.
So, last Friday we celebrated the birthday of our good friend Eric with some of our friends sa Al Bahar Beach. Konti lang ang pictures dahil almost sunset na nung makarating kami sa location.
Wzard on the beach...
With Daddy...
Nagulat..
Hindi ka naman galit nyan anak...
Gabi na sige pa rin ang gawa ng sand castle...
It was short but fun...great family bonding time. Ano naman kaya this weekend? The weather is so great..soon it will be colder. And you know winter here, parang ayaw mo ng maligo sa lamig. Deadly.
My hubby wants to go for vacation this coming Philippines summer (March)--I don't know...I don't have the budget for it. We'll see...para naman makapag Puerto Galera at Bora na....miss ko na ang beach sa pinas eh.
I live in Pangasinan noon--year 1997--hahaha! grabe more than a decade ago! Sweet and innocent pa ako nun! (*Sweet 17*) We stayed in Dagupan--Bonuan to be exact. Good memories---so good, I would even want to wish the time be frozen on that certain moment--that time na we could still be called as a "family" pa. Ay drama na naman ng buhay...
I lived grand and contented noon...ano nga ba yung place namin...Tondaligan. Hahahah! Ang hirap ng umalala, sign na ba ito?
We live in a small community of townhouses--- Ivory Coast something, basta ang naaalala ko sa likod ng village namin ay Tondaligan Beach na--madalas akong tanungin ng mga tao dun kung kanino akong anak/pamilya. Siguro nga kse mukha naman talaga akong dayo--di naman ako marunong magpanggasinense--saka mukha akong retarded kse lagi akong may dalang aso!hahahaha! Si Peachy ang aming chiuaua.
I live with my cousin, Ate Lucy--sya rin ang sponsor ko noon sa school. Yes naman, until now nasa Computronix (now Colegio de Dagupan) pa ang records ko--the main reason bakit hindi ako nakapag enroll sa UE after coming back from dagupan, instead bagsak ako sa AMA--hehehehe, magaling pa kse akong magsinungaling noon. Sabi ko nabaha kami kasama ng report card and records ko kaya original Form 137 lang at letter ng former school ang kaya kong iprovide. Da trut is,...enrolled pa kse ako noon sa Dagupan--tumakas at di na muling bumalik dala ng isang istoryang hindi ko kayang ipaliwanag. Syet!
Nakakamiss ang boneless bangus, ang manggang hilaw at bagoong, ang kakanin na araw araw kong binibili dun sa maliit na karinderyang kubo palabas ng village--"darumed" ba yun, parang biko na kulay itim. Ewan basta masarap.
Ang hundred islands na nakita ko lang mula sa bundok ng Sual--yes naman, namulot kami ng seashells at batong buhay kasama ng kwento ni Mang Botong na ito (Sual Mountain) ay dating nasa ilalim ng dagat kaya may mga artifacts ito ng shells at corals.
Maganda ang beach ng pinas--at isa ang Tondaligan at San Fabian beach sa mga dagat na talaga namang napagpasasaan ko (negers na negers ako noon dahil araw araw akong nagbe-beach bago pumasok sa school!)
Maganda rin naman ang beaches ng Abu Dhabi--not to compare dahil talagang white sands sila at malinis. Pero maganda rin ang dagat ng pinas, playful at nakakaganyak maligo dahil nga maalon.
Antagal na nung 12 years na nakaraan nung huling makaligo ako sa beach ng Pilipinas--kelan ko kaya muling matitikman ang todo-alat at maalong dagat ng pinas?
Hayyyy, kawawa---basta, babalik ako---babalik ako....
Homesick.
11:06 AM | Posted by Ayie
Philippines is celebrating All Saints Day today. Memories from the past suddenly struck me with homesickness, gloomy day uli? =(
Parang bigla, gusto ko na namang mag-iiyak...
Namimiss ko ang bayan kong Pilipinas.Eight years--eight loooong years--sa loob ng panahon na yan 3 beses pa lang akong umuuwi, pinakamahaba na yung first time kong umuwi--2 months. And the last time akong magbakasyon (January 2009) which was 10 months ago--was only for bloody 12 days. Twelve days?????!!!!
Parang suminghot lang ako ng hangin sa Malabon. Parang humatsing lang ako sa Bulacan--tapos pabalik na uli ako ng Abu Dhabi.
Ang hirap kasing umuwi ngayon. Recession.
Nagmura na nga ang pamasahewala ka namang pera.
May pera ka ngang pamasahe wala ka namang pocket money.
May panticket ka nga, may pocket money ka rin--di ka naman papayagan ni amo ng more than 14 days--o hindi ka talaga papayagan.
Andaming dahilan.
Ayoko ring umuwi ng undas...can't. (wala rin kaming undas--INC ako eh)
Ayoko ring umuwi ng December...can't. (wala rin kaming Pasko, INC ako eh--saka may mamasko man wala akong pera--nalala ko rin na simula ng mapunta ako sa abroad, nagkaroon ako ng sangkaterbang inaanak--kahit INC ako)
Gusto kong umuwi ng New Year---kahit can't (dahil mahirap magbook ng ticket pag holidays)--gusto ko uling maranasan yung ingay---yung kumain ng handang lasang kalburo na dahil sa dami ng nagpapaputok. Gusto kong maranasan uli yung saya ng New Year. Gusto kong manood ng Fireworks display sa MOA. Gusto kong maramdaman uli na welcome pa ako sa pilipinas.
Being away for 8 years (turning 9 na) is not as easy--akala nyo lang. My only advantage is that I'm living here with my family. But after my father and kuya left back home--at kami na lang uli ni asawa at ni pao...parang, nasa paradise nga ako--pero hindi pa rin masaya.
Nakakapagod. Kumikita ka nga, di mo rin ma-iispend dito---sayang, ibinabalik mo lang sa kanila (lubog ka pa sa utang--sa dami ng credit card--damn you credit cards--i pofrozen din kita sa freezer ko! Wag ka ng gumana pag kinikiskis kita! I lolock na kita sa aparador--better yet gugupitin na kita--please stop teasing me...)
Maraming "can't"---can't go to the mall, too much temptation. Can't go to resto--too much temptation. Can't go anywhere---too much bloody effing temptation. Kahit sa regular na tindahan too much temptation---basta paglabas at gagastos--wag na lang. Di ako kuripot, pero hindi na ako makakauwi sa pinas pag di pa ako nagbehave.
Miss ko na talaga ang pinas--kelan kaya ako uuwi?
Subscribe to:
Posts (Atom)








































































